Chapter 17 Little Prince Keijo

1896 Words
Stella * * " Princess! Nahanap na natin! Hahaha ito na yon! Gising na." Napabalikwas ako ng bangon sa ingay ni Kuya lumabas ako ng tent napangiti ako agad ako tumakbo palapit sa malaking bato na biglang lumitaw ng masinagan ng buwan. " Kuya ayusin mo ang lahat ng gamit natin. Gagawa na ako ng ritual para tanggalin ang nagkukubling harang sa Ating kaharian. " Nakangiti na wika ko " Princess kailangan mo ng lakas, Inum ka muna ng dugo ko " Nag-aalala na wika ni kuya " Kuya! Malapit kana matuyuan ng dugo dahil sa kakainum ko. Okay lang ako mas malakas ako ngayon dahil sa dalawa na kami. Remember buntis ako kaya huwag mo na ako alalahanin.." Nakangiti na tugon ko. Pumikit ako inalala ko ang masayang gabi ng ipagkaloob ko ang sarili ko kay Haider. " Princess! Nandito lang ako hindi kita pababayaan." Nakangiti na wika ni Kuya Bakas ang pag-aalala sa kanyang mukha. Dalawa lang kami magkapatid hindi pa kami nag-away magkasundo kami sa maraming bagay wala din kami tampulan. Prinoprotikhan namin ang isat-isa. Sa gagawin kung ito hindi ko alam kung ano ang mangyayari saatin masyadong malakas ang kapangyarihan na pangkubling na ginamit ni Ina para itago ang harian namin Isang sumpa ang harang. Nakatulog pa si Ina ng ilang taon pagkatapos niya itago ang aming kaharian. Baka ganon din ang mangyayari saakin. " Anak! Kahit na makatulog ako mailuluwal kita ng Malusog. Kusang kang lalabas sa Oras na sumapit ang tamang Buwan mo. Keijo ang pangalan mo little Prince." Nakangiti na sambit ko naramdaman ko ang paglabas ng kakaibang init sa kamay ko nanuot yon sa tiyan ko. Pagkalabas mo anak malilipat sayo ang lahat ng kapangyarihan ko. Sa ganon paraan maprotiktahan mo ang iyong sarili mapanganib ang mundo kailangan mo laging mag-ingat.' Piping sambit ko " Princess narinig ko ang binitawan mong sumpa sa sarili mo. Huwag kang mag-alala babalik ang kapangyarihan ko sa oras na mabuksan mo yang lagusan papunta saatin. Araw-araw kitang bibigyan ng lakas hindi ko pababayaan ang pamangkin ko." Nakangiti na wika ni Kuya napalingon ako sakanya Ngumiti ako ng ubod ng tamis natulala si Kuya habang dahan-dahan napapangiti " Napakaganda mo talaga princess. Kasing ganda mo si Ina " Wala sa sarili na sambit nito napailing ako " Kuya sa tuwing natutulala ka sa ganda ko natatakot ako para ka kasing manyakis. " Pagbibiro ko " Huh? Baliw magkamukha lang naman tayo." Napapakamot sa Ulo na tugon ng Kapatid ko Tinapat ko ang kamay ko sa puso ko naramdaman ko ang init na nadumadaloy sa aking kamay papunta sa buong katawan ko " Sinusumpa ko kung sakaling hindi na maalala ni Haider ang minsan pag-iibigan namin. Tuloyan nang titigil sa pagtibok ang puso ko." Piping sambit ko tumulo ang luha ko Mas mabuti pa ang mamatay kaysa mabuhay na puno ng kabiguan. Mas mabuti pa ang mabura ako sa alaala ng mga mahal ko kaysa maalala nila ang kabiguan ko. Hindi ko parin kayang tanggapin na hindi ako magawang tanggapin ni Haider sobrang sakit parang pinagpira-piraso ang puso ko Lumapit ako sa malaking bato sinugatan ko ang palad ko pinatak ko ang sariling dugo ko sa limang simbolo na nakaukit sa bato. Pumikit ako nararamdaman ko ang unti-unting paghigop ng lakas ko nanghihina din ako naririnig ko din ang pagsigaw ni kuya habang umiiyak " Princess! Tama na yan! Tama na yan! Dumilat ka huwag kang matutulog. Princess alalahanin mo magkakaroon kana ng anak. Baunin mo sa iyong panaginip ang magandang alala na kasama mo ang Lalaking mahal mo. Princess mahal na mahal ka ni Kuya." Umiiyak na sigaw ni Kuya Nararamdaman ko ang labis na antok para akong nauupos na Kandela unti-unting nauubos ang lakas ko unti-unti ko rin naririnig ang ingay sa aming kaharian " Stella anak! Stella." Huling tinig na narinig ko " Ina nakabalik na kami." Nakangiti na sambit ko bago ako tuloyan makatulog Samantala Bago pa tuloyan bumagsak a si Stella na salo na ito ng Kapatid. Tuloyan nang natanggal ang Nagsisilbing harang na nagkukubli sa karahian ng mga Lycan. Nakatulala ang mga nilalang sa kaharian ng masilayan ang pagbukas ng lagusan. " Anak! Luther." Masaya na tawag ng ina ng magkapatid " Napakaganda ng anak ko Tika! Mahal Chloe buntis ang anak natin! magmadali kayo magtulong-tulong kayo para Itago sa mga mata ng pankaraniwang nilalang ang karahian natin. Ihanda ang silid ng prinsesa. " Masaya na wika ni Gregor ama ng magkapatid Naging Abala ang lahat nagkaroon ng masayang salo-salo sa palasyo Bilang pagderiwang sa muling pagbabalik ng Hari at prinsesa. Bumalik narin ang kapangyarihan ng Hari kaya sa pamamagitan ng kapangyarihan niya pinakita ng hari ang lahat ng alala nila ng kanyang Kapatid. Kahit na nakatulog ang prinsesa hindi sila nag-aalala dito dahil alam nilang may tamang panahon sa paggising nito " Huwag kang mag-alala Anak! Nandito na si Mama hindi kita pababayaan sisiguradohin ko na matatanggap tayo ng karahian ng Lobo at Bampira. Sa muling Paggising mo malaya na tayo tulad ng pangarap mo. Patawarin mo ako kung nagawa kung magsinungaling sayo. Isa kasi sa pangarap mo ang lumaki sa mundo ng mga tao. Alam ko na malalagpasan mo ang lahat ng pagsubok sa mundo ng mga tao. Malakas ka dahil isa kang prinsesa may taglay na talino at tapang. " Nakangiti na kausap ni Chloe sa natutulog na anak " Chloe! Bago tayo pumunta sa kaharian ng mga Lobo dapat naisilang na ang ating Apo ilang buwan lang lalabas na ang munting prinsipe. " Nakangiti na wika ni Gregor sa Asawa " Pahanon na para makibagay tayo sa pagbabago ng ikot ng mundo. Tulad ng mga Lobo at bampira may karapatan din tayo mamuhay ng malaya. " Seryoso na tugon ni Chloe Sa bawat araw na lumilipas patuloy sa paglaki ang bata sa sinapupunan ni Stella bagamat natutulog parin ang dalaga malusog naman ito dahil sa patuloy na pagbigay ng lakas ng kanyang pamilya pati ang mga Nasasakupan nila. Araw-araw nasasabik sila sa muling Paggising ng dalaga hanggang sa sumapit ang araw ng pagsilang sa munting prinsipe. " Keijo ang kanyang pangalan. Yan ang pangalan na sinabi ni Princess. Wow hindi siya kamukha ni Princess ibig sabihin kamukha siya ng kanyang Ama. " Masaya na wika ni King Luther " Inang Reyna malinis ang prinsesa. Tapos narin bihisan binigyan namin siya ng aming lakas." Magalang na wika ng Isang dalaga " Salamat!" Tipid na tugon ng Reyna Lumipas ang mga araw naging taon natutulog parin si Stella samantalang Limang taon gulang na ang bata na kanyang sinilang " Mommy! Marami akong natutunan sa school. Mommy hanggang kilan ka matutulog? " Malungkot na tanong ni Keijo sa kanyang ina hinaplos nito ang pisngi ng kanyang Ina " Mommy! Nakipag laro ako sa mga kaklasi ko hindi nila alam na hindi ako normal na tao. Mommy gising kana hanapin natin si Daddy Ikaw lang kasi ang nakakakilala sakanya. " Naiiyak na wika ng bata " Mommy! Gumising kana! Gusto ko marinig ang boses mo gusto ko tawagin mo akong anak! Mommy natupad na ang pangarap mo malaya na tayo nakibagay sa mundo ng mga tao. Mommy nandito ka na nga sa pinagawa ni Lola na bahay malapit sa dagat sariwa ang hangin. Mommy grade 1 na ako sa susunod na pasukan." Umiiyak na kausap ni Keijo sa Ina * * Haider * * " Bakit tulala ka?" tanong ni Ezekiel " Hindi ba kayo nag-aalala na tuloyan nang nakikipag halobilo sa mga tao ang Lycan?" Tanong ko " Hindi naman sila masama! Mabait ang kanilang Hari nakapabata pa. Pamilyar nga ang mukha saakin eh. Galing sila dito ng nakaraang Linggo." Tugon ni Ezekiel " Sabi nga ng kanilang Inang Reyna natutulog parin daw ang prinsesa. May munting prinsipe daw siyang Apo. Sa susunod daw na pagdalaw nila dadalhin daw niya. May hinahanap sila na Alpha daw isa sa ating ang Ama ng bata. Buntis daw ang prinsesa ng magsagawa ng ritual para tuloyan mawala ang harang na nagkukubli sa kanilang kaharian. Nakapag tataka nga eh! Paano nanganak ang natutulog! tagal naman magising ng kanilang prinsesa." Kwento ni Ezekiel " Haider nga ang daw ang pangalan ng ama ng bata! " Dagdagan ni Uncle Clay Bumilis ang t***k ng puso ko may kung anong kaba akong naramdaman " Sinabi ba kung saan sila nakatira? " Tanong ni Mace " Malapit sa property nyo! Sa kabilang bayan lang sila nakabili sila ng Lupain, beach resort din ang business nila. " Tugon ni Ezekiel " Sige Aalis na kami! Tara Alpha puntahan natin ang Beach." Biglang aya ni Mace " Luna! Sa wakas magkikita na ulit kita. Makikita kona ang tagapagnama ni Alpha." Kausap ni Mace sa sakanyang Sarili Hindi ako umimik pilit ko parin inaalala kung nakilala konaba ang Lycan princess. Sumasakit na Ulo ko sa kakaisip pero wala akong maalala na nabuntis ko impossible na makabuntis ako gumagamit ako ng protection sa tuwing gumagamit ako ng babae at isa pa ilang babae na ang namatay dahil sa sumpa sa dugo namin. Na tanging Mate lang namin ang dapat makaniig namin. Saamin lang naman na Royal family ang sumpang yon. Pero nakakatikim na kami ng hindi namin mate dahil sa may Condoms naman. " Filbert dalhin mo kami sa pilipinas." Utos ni Mace Lumipas lang ang ilang sandali Nakarating na kami sa bahay sa gitna ng gubat. Nakaupo ako habang nakatanaw sa malayo " Bakit tulala ka naman?" Tanong ni Mace inabot saakin ang can beer. " Alam mo bang ilan taon na akong malungkot! Pakiramdam ko may kulang! May nakalimutan akong napaka halaga sa buhay ko. Hindi ko lang alam kung bakit nakaramdam ako ng ganito." Wika ko " May nakalimutan ka talaga! Pero wala ako sa lugar para ipaalala sayo ang bagay na yon. Ang paglimot mo sa mahalaga pangyayari sa buhay mo ay may kinalaman sa galit mo sa mga Bampira. hanggat may galit diyan sa puso mo hindi mo maalala ang Luna." Seryoso na tugon ni Mace " Ibig mo bang sabihin nakilala ko na ang Luna?" Gulat na tanong ko nakaramdam ko ng kirot sa puso ko " Oo! Dito ko sya unang nakita. Ninakaw niya ang manok! Ilang beses din tayo pinagtangkaan ni Luna ihawin. Sa pag-aakala na Aso tayo masarap daw gawin Calderita. Nakakalongkot binura ni Luna ang lahat ng alala mo na kasama siya. Inalagaan natin siya 10 years old siya ng mapunta saatin. Itinurin ko siyang anak ko, Napaka ganda niya dilaw ang buhok niya Lila ang mga mata. Pero pag nagbabago ang Emosyon niya itim na itim ang kanyang mga mata at buhok mapupulang mga labi." Nakangiti na Kwento ni Mace pumatak pa luha sa kanyang mga mata " May gusto kaba sa mate ko Mace?" galit na tanong ko " Haha! Araw-araw ko naririnig ang katanungan na yan! Ako ang Beta mo ako din ang laging kakampi ni Luna. Marami siyang sekreto na ako lang ang nakakaalam iniingatan ko ang Luna laban sayo. Dahil sa galit diyan sa puso mo kaya nakalimutan mo siya. " Nakangiti na tugon ni Mace Natigilan ako " Nakalimutan ko ang mate ko? " bulalas ko " Alpha! Magpahinga kana bukas na bukas mag beach tayo. Doon muna tayo magbabakasyon. Hayaan mo ang Tadhana na mismo ang gumawa ng paraan para sainyo ni Luna. " Nakangiti na wika ni Mace " Hindi ko talaga maalala na nakilala kona ang Luna ko.' Sambit ko
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD