Stella
*
*
" That's enough Haider. She's a Lycan princess. Huwag mo papatayin. Kung ayaw mo magkaroon ng pangalawang digmaan." Wika ng Hari ng mga Lobo
Gustohin ko man tumakas pero naubos na ang lakas ko. Para akong lantang gulay. Pinakawalan ako ni Haider tumayo siya tumalikod pinag-utos na itali ako sa malaking puno
" Walang kasa----
" Hayaan mo na Mace! Hindi sila makikinig. " Putol ko sa sasabihin nito
Agad ako nilapitan ni Mace gamit ang kanyang kapangyarihan binigyan niya ako ng kaunting lakas.
" Kailangan niya mamatay! Bakit mo ako pinigilan?" Galit na tanong ni Haider kay King Ezekiel
" Isa siyang Lycan princess! Tanungin mo ang sarili mo kung may ginawa ba siyang masama sayo? Alalahanin mo ang nangyari bakit ka nawalan ng buhay? Kung masama siya bakit niya binalik ang buhay mo? " Mahinahon na wika ni Haider
" Palayasin nalang natin siya! Ama nakita ko gamit ang aking kapangyarihan. Sinaksak ka sa dibdib ng wolf hunter. Binalik niya ang iyong buhay. " Sabat ni Filbert
" Nagkamali kami! Hindi masama ang Luna mo Haider. " Sabat ni Denzel
" Isa parin siyang Bampira. Hindi ko siya matatanggap." Galit na bulyaw niya
" Ngunit siya ang mate mo. Pag nawala siya mawawalan ka ng kakayahan na muling umibig pa." Mahinahon na wika ni Ryxiel
" Bakit kumakampi na kayo sa bampira na yan? Hinding-hindi ako iibig sa kalahi ng pumatay sa mga magulang ko." Galit na tugon ni Haider
" Salamat Mace " Wika ko
Inalalayan niya ako tumayo naglakad ako palapit kay Haider natigilan siya ng magtama ang aming mga mata ngumiti ako ng ubod ng tamis dahan-dahan ko tinaas ang kamay ko hinaplos ko ang kanyang pisngi. Pumikit siya kusang tumulo ang luha sakanyang mga mata
" Mahal! " Pabulong na sambit niya
Tinutok ko ang isang hintuturo ko sa kanan sintido niya habang unti-unting binubura ang alaala niya tungkol saakin.
" Hayaan mong burahin ko ang alaala mo! Hayaan mong burahin ko ang lahat ng alala simula ng makilala mo ako. Mamuhay ka ng masaya Mahal ko. Kalimutan mo ang poot na dulot ng pagkawala ng iyong mga magulang. Kusang babalik ang iyong alala sa pahanon handa kana magpatawad. Hangad ako ang kaligayahan mo Haider. Salamat sa mga sandaling pinaramdam mo saakin kung gaano mo ako kamahal. " Nakangiti na wika niya
" Ano? Don't! Please." Pagtutol niya
" Sabi mo hahanapin mo ako! Maghihintay ako sa muling pagtatagpo natin. Maglalakbay ako hindi ko alam kung makakabalik pa ako dito sa mundo nyo. " Nakangiti na wika ko
Dahan-dahan ako tumingkayad pumikit ako Buong pagmamahal na hinalikan ko siya sa labi. Agad naman siya tumugon dahan-dahan ko Tinanggal ang kamay ko kusang akong humiwalay.
Nakatitig siya saakin nakangiti nanlalaki ang mga mata
" Woah! Miss Ang ganda mo naman? Sarap ng labi mo ah matamis. Haider ang pangalan ko Ikaw? " Nakangiti na wika niya
" Stella! Stella ang pangalan ko. Magaling kana. Isa lamang akong manlalakbay napadaan. Sige hanggang sa muli Haider. " Nakangiti na wika ko
Tumalikod na ako bakas ang pagtataka sa mukha ng mga Lobo
" Anong nangyari?" Tanong ni Mace
Bigla bumagsak si Haider nawalan siya ng malay
" Binura ko ang lahat ng alala niya saakin simula ng makilala niya ako. Mamuhay kayo ng masaya. Mace ikaw na ang bahala sa Alpha mo. Ikaw lang ang makakaalala saakin. Lahat ng nandito buburahin ko ang kanilang alala. Magigising sila mamayang gabi maghanda ka salo-salo. Yon ang maalala nila. Salamat sa lahat-lahat Mace. " Nakangiti na wika ko
Nakita ko ang pagtulo ng luha ng Beta ni Haider gamit ang kapangyarihan ko bilang Witch binura ko ang alala ng lahat ng mga lobo. Umiiyak ako na naglakad palayo iniwan ko ang Death devil moon pack. Si Mace lang ang natirang gising.
*
*
Haider
*
*
" Mace! Bakit parang may kulang? Talaga bang nalasing kaming lahat?" Tanong ko
Napatingala ako sa kalangitan wala sa sarili napangiti habang nakatitig sa mga bituin.
" Kasalanan ni Filbert kaya nakatulog tayong lahat. Wala nang ginawa yan kundi kalokohan." Tugon ni Mace
Tumingin ako sa Beta ko nagtataka ako bakit namamaga ang kanyang mga mata
" Mace bakit ka umiyak?" Tanong ko
" Wala! Alpha! Wala na siya. Isang totoong prinsesa ang pinakawalan mo. Hindi ko alam kung saan siya hahanapin. " Tugon nito naglakad palayo
" Luna! Sana sumama ako sa pag-alis mo. Para naman maibalik kita dito. Ano ang gagawin ko ngayon? Paano na kami? Kung walang Luna walang magiging tagapagnama ang Alpha. Kagabi lang sobrang saya nyo pa. Naghahabolan pa kayo. Kanina lang ilang beses nyo pinagsaluhan ang tamis ng pagmamahalan nyo. Bakit ngayon biglang naglaho ang kasiyahan na yon? Bakit ako lang ang nakakaalala sayo? Sana binura mo na din ang alaala ko. Luna hahanapin kita nangako ako sayo noon bata ka pa. Sabi ko hindi kita pababayaan. Pero hindi ko natupad ang pangako na yon. " Umiiyak na kausap ni Mace sa kanyang sarili
" Grabe si Mace! umiiyak talaga sya dahil sa drama sa television. Hindi kaya nababaliw na ang Beta ko?" Wika ko
" Bakit parang may mawala sa alaala ko?" Tanong ni King Ezekiel
" Filbert iuwi mo na kami! Masakit ang Ulo ko." utos ni Derick
" Bakit hindi ko masilip ang nakaraan? Parang may makapangyarihan na bumura ng alala natin. " Wika ni Filbert
" Gago! Ikaw lang naman ang wizard dito." Magkakasabay na tugon namin
" Bakit saakin kayo nakatingin?" Tanong ni Filbert
Napatingin kami kay Mace nakaupo sa balcony ng Kwarto nito umiinum habang umiiyak parin.
" Hanggat may bituin na nagninining sa kalangitan ang pagmamahal ko sayo ay hindi maglalaho. Kahit paghiwalayin tayo ng Tadhana Mananatiling magkarugtong ang ating puso. Walang hanggang pagmamahal ko sayo ay hindi maglalaho. Huhu yan ang mga katagang binanggit mo kay Alpha." Umiiyak na wika ni Mace
" Mace! Sino ba ang putanginang iniiyakan mo?" Galit na tanong ko
" Ikaw! Kasalanan mo! Kung hindi dahil Kay Luna baka malamig kana na bangkay ngayon. Kagabi lang masaya kayo. Tapos kanina pagkatapos niya ibalik ang buhay mo gusto mo siya patayin. Galit ako sayo Alpha! Siraulo ka." Galit na sigaw nito
" Gago ka pala eh. Hindi ko nga maalala ang pinagsasabi mo." Naiinis na tugon ko
" Mabuti nga ihatid mo na sila pauwi Filbert para makapag pahinga na sila." Wika ko
" Sige Ama! " Nakangiti na tugon ng anak-anakan ko napahawak ako sa Ulo ko para talaga may nakalimutan ako
Ilang sandali lang nakauwi na ang mga kaibigan ko. Napapakamot sa batok na naglakad ako papunta sa kwarto ko Natigilan ako pagpasok ko sa kwarto ko parang may kulang. Hindi ko alam kung ano. Hindi ko rin maalala kung ano ang ginawa ko ng nakaraan araw. pati ang kaninang Umaga na ginawa ko hindi ko maalala
" Matagal na ako namalagi dito, Iikotin ko nga ang lahat ng property ko. Matagal na ako hindi nakapag travel. " Kausap ko sa sarili ko
*
*
Stella
*
*
" Nakatayo ako sa sanga ng puno nakatitig sa kwarto ni Haider. Napapangiti nalang ako sa isang iglap nakalimutan nila ako! Pahanon na para sa paglalakbay namin ni Kuya.
Akmang Aalis na ako ng masipat ko si Haider nakatayo sa balcony ng Kwarto niya nagkakape.
" Hanggang sa muli Haider. Sana dumating ang araw na maalala mo pa ako. Subalit hanggat may galit ka sa mga Bampira hindi mo ako maalala. Hindi sapat ang nararamdaman mong pagmamahal saakin para maibsan ang poot sa iyong puso. Pangako kung makakabalik ako lalapit parin ako sayo kahit na pagtangkaan mo ang buhay ko ng paulit-ulit. " Piping sambit ko
Gumawa ako ng portal papunta sa balcony ni Haider nilapit ko ang bibig ko sa tainga niya.
" Mate! Hanggang sa muli paalam. " Bulong ko lumingon siya saakin sinalubong ko ng halik ang kanyang labi
Saglit lang iyong napapikit siya paghiway ko sakanya umatras ako kasabay ng paglaho ko sa kanyang harapan.
Lumitaw ako sa loob ng Kwarto ni Kuya
" Handa kana?" Tanong nito
" Gagamitin ko ba ang kapangyarihan ko?" Tanong ko
" Sa pilipinas ka unang lumitaw ibig sabihin nandoon ang hinahanap natin na lawa na Nagsisilbing lagusan papunta sa kaharian natin. Maganda kung maglalakbay tayo gamit ang sasakyan ng tao." Nakangiti na wika ni Kuya
Nahiga ako sa kama niyakap ko ang unan pinili ko ang huwag ipakita kay kuya na nasasaktan ako sa mga nangyari. Hindi ko rin sinabi na binura ko ang alala ni Haider. Sinabi ko lang na may namagitan na saamin ni Haider kaya pwede na kami maglakbay.
" Sa susunod na linggo kuya gusto ko muna magpahinga. Kailangan mo din ng passport? Documents na nagpapatunay ng pagkakilanlan mo. Kaya hindi pwede na maglakbay tayo tulad ng tao. Kaya ko gumawa ng portal papunta sa kinalakihan kong gubat. Pero kailangan ko ng ilan araw para paghandaan yon. Kailangan ko kasi ng lakas ng pangangatawan. " Mahinahon na wika ko
Lumipas ang mga araw naging stalker ako ni Haider nakasunod ako sakanya kahit saan siya magpunta. Sa office sa club, Pati sa pagtulog niya nakatanaw lang ako. Hindi pa ako handang Iwanan ng tuloyan si Haider. Sumapit ang araw ng dapat kasal namin
Nakasuot ako ng itim na wedding dress nakabelo din ako ng itim may hawak ako na black bouquet, Nakatayo sa bubong ng mansion ni Haider habang umiiyak nakatitig sa kabilugan ng buwan
" Bampira! May Bampira sa Bubong." Sigawan ng mga Lobo kasabay ng pagpalit nila ng anyo
Nakatingala si Haider nanlilisik ang mga mata
" Ngayon gabi dapat tayo ikakasal. Paalam Mahal hanggang sa muli." Umiiyak na Sambit ko Naglaho ako sa paningin nila