Chapter 18 Awake

1807 Words
Haider * * " Grabe parang normal lang sila na tao. Hindi mo mahahalata na iba't ibang lahi sila. Ngayon lang ako nakakita ng witch na maganda. " Namamangha na wika ni Mace Nandito kami sa beach resort ng mga Lycan. Nakasuot ako ng swim trunks may hawak na beer nakaupo sa buhangin nababasa ng tubig ang paa ko. " Ano ba talaga ang nangyayari saakin? Bakit biglang nawala ang galit ko sa mga Bampira. Para bang normal nalang sila sa paningin ko dati naman nanginginig na agad ako sa galit sa tuwing nakakasilay ako ng Bampira pero ngayon katabi ko pa ang Prinsipe ng mga bampira. " Piping sambit ko " Anong nangyayari sayo? Hindi mo ba ako papatayin?" Tanong ni Blade prinsipe ng mga bampira " Iwan! wala ako sa mood makipag away. Parang may nakalimutan ako eh. Limang taon na ako ganito." Baliwala na tugon ko " Boring! Akala ko pa naman magtatangkaan mo ako patayin, Nakakamiss din ang makipag away Paminsan-minsan. Hindi na ako inaaway ng Kambal na alpha kaya dito ako pumunta tapos wala ka sa mood! Hayst nakakainis talaga. " Naiinis na wika nito Sa tuwing nakikita ko kasi si Blade hindi ako nagdadalang isip na patayin siya. Ilang beses na kami nag-away ginagawa nalang nya ako libangan sa tuwing gusto niya ng makipag bugbogan. nagpapatayan kami hanggang sa pareho kami makatulog sa pagod. Ilang beses ko rin pinasok ang kanilang kaharian para lang dukotin si Blade tinali ko siya sa puno hanggang sa mabilad sa araw. Gustong-gusto ko siya masunog sa araw hanggang sa mamatay pero lagi siya nililigtas ni Mace. " May alam ako sa pagkawala ng pinaka mahalagang alala mo. Alam mo bang minsan kanang binawian ng buhay? Hayst! Makaalis na nga Gustong-gusto ko din maranasan ang mawala sa sarili dahil sa pag-ibig! lintik na pag-ibig na yan! Aba lahat ng kaibigan ko may mga anak na! Tapos ako ito naghahanap parin ng babaeng magpapatibok ng puso ko. Kakainis naman! Dami ko na naikama na babae ni isa walang nagpabilis ng t***k ng puso ko." Kausap ni Blade sa kanyang sarili Napalingon ako sa katabi ko napakunot noo ako " Ulitin mo nga sinabi mo?" Utos ko " Hayst ano kaba naman! Sa haba ng sinabi ko papaulitin mo? Makaalis na nga " Inis na tugon ni Blade " Bampira! Ulitin mo ang sinabi mo! Nawalan ako ng alala? " Patanong na utos ko " Oo! Minsan ka nang namatay! At isa pa Hayst! Hindi kasi dapat sabihin yon eh. Basta palayain mo ang sarili mo sa lahat ng masalimuot na nakaraan. Tanggalin mo ang lahat ng galit sa dibdib mo. Hindi mo na maibabalik ang buhay ng mga nawala ang mahalaga mahanap mo ang iyong kasiyahan. matuto kang magpatawad. Sa ganon paraan mawawala ang sumpa sayo. Muling babalik ang minsan nakalimutan mong pag-ibig." Mahabang paliwanag ni Blade Napailing ako hindi ko parin maintindihan ang sinabi niya. Sinabi narin ni Mace na binura ang alala ko. Pero wala talaga ako maalala kahit na anong gawin ko. Limang taon na akong walang gana sa buhay. Para bang sa isang iglap nawalan ako ng gana mabuhay. May hinahanap ako na hindi ko alam kung ano. " Baliw kaba?" Napalingon ako sa batang nagsalita " Halimaw kadin ba? Halimaw din ako." Napailing ako hindi ko alam kung bakit parang may batang babae sa alaala ko hindi ko maalala ang kanyang mukha " Baliw ka nga." Wika ng batang lalaki Nakakunot noo ako naupo ang bata sa tabi ko may hawak siyang tasa na may lamang kape " Haider ang pangalan ko! Hindi ako baliw may iniisip lang ako." Nakangiti na tugon ko " Oh kape! Keijo ang pangalan ko! May iniisip din ako eh." Tugon ng bata maangas siya nagsalita para bang matanda na mag-isip sa tingin ko 5 to 6 years old siya " Ano ang iniisip mo?" Tanong ko tinanggap ko ang bigay niyang kape " Iniisip ko kung ano ang gagawin ko para magising ang mommy ko! Simula ng isilang ako natutulog na ang mommy ko." Malungkot na Paliwanag nito " Bakit tagal ng tulog ng mommy mo?" tanong ko " Isang prinsesa ang mommy ko! Siya ang dahilan kung bakit kami malayang namumuhay ngayon. Sabi ni Uncle Luther, Ang ginawang ritual ni mommy para matanggal ang makapangyarihan harang na nagkukubli sa aming kaharian ang dahilan kaya nawalan ng lakas ang mommy. Magigising din daw si mommy pero mag grade 1 na ako sa susunod na taon tulog parin ang mommy ko. Lahat kami nagbibigay ng lakas kay mommy pero hindi parin sapat. Para siyang lantang gulay. " Malungkot na Paliwanag nito " Siya pala ang anak ng Lycan princess. Parang pamilyar ang mukha niya saan ko ba siya nakita." tanong ng isipan ko " Sige Haider! Matutulog na ako! enjoy mo ang bakasyon mo! " Paalam ng bata Akmang pipigilan ko pa sana siya sa pag-alis pero tumakbo na siya papasok sa isang portal napanganga ako. Para bang nakita ko na ang portal nayon. * * Keijo * * " Mommy! Nakilala ko na ang Aking Ama, Alam ko siya ang aking ama! Kamukha ko siya Pero wala akong lakas ng loob na ipakilala ang sarili ko. Natatakot ako baka hindi niya ako tanggapin. Mommy gising kana! Paibigin mo ulit si Daddy para maalala ka niya. Mommy Nararamdaman ko ang labis na kalungkutan sakanyang puso. Mommy gising na malapit na ako magtapos sa kindergarten. Grade one na ako sa susunod na pasukan." Malungkot na kausap ko sa aking Ina Sumampa ako sa kama ginawa kong unan ang braso ni mommy. Mahimbing parin ang pagtulog niya. " Mommy! Kilan ka magigising?" Naiiyak na tanong ko Kahit na bata lang ako naintindihan ko ang lahat ng nangyayari wala naman akong maisisisi sa mga nangyayari. Sabi ni Lola may dahilan ang lahat ng bagay na nangyayari masama man o mabuti. lahat may magandang dahilan Inilapit ko ang bibig ko sa tainga ni Mommy " Mommy! Gising na malapit nang ikasal si Daddy. " Bulong ko Biglang bumangon si mommy dahilan para malaglag ako " Hindi maaari! Ako ang dapat niyang pakasalan." Nanlilisik na Bulalas ni mommy bakas ang galit sa kanyang boses " Hahaha! Kailangan lang pala kita pagselosin mommy! Lola gising na si mommy." Masaya na sigaw ko Tumalon ako papunta sa kama niyakap ko si mommy Biglang siyang nahiga pumikit ulit " Tubig! Bata gusto ko tubig. Nanghihina ako!" Halos pabulong na utos nito " Ito tubig." Alok ni Uncle Luther Inalalayan ko na makaupo si mommy habang umiinum ng tubig pumasok si lola at lolo nag-iiyakan sila. Nakatayo ako malapit sa bintana nakangiti ako habang nakatitig sa aking Ina. Kusang tumutulo ang aking luha sa labis na kasiyahan.. " Talaga? ganon ako katagal natulog? " Tanong ni Mommy kay Lolo " Keijo iho lumapit ka sa iyong Ina." Utos ni Uncle Luther " Anak! Bakit ang laki na niya? Ina naman! Dapat ginising mo agad ako? Hindi ko tuloy nasilayan si Keijo ng baby pa." Naiiyak na reklamo ni mommy natawa ako para palang bata ang aking Ina nakakatuwa siya " Nakita ko siya! Binigyan ko ng kape, Maamo ang kanyang mukha, Kamukha ko siya mommy. Masaya ako na gising kana." Nakangiti na wika ko Dahan-dahan tumayo si mommy pero napaupo siya matagal siyang nakatulog kaya normal lang na wala siyang lakas maglakad. Kaya ako na ang lumapit pinigilan ko ang huwag umiyak. Gusto ko ipakita sa aking Ina kung gaano ako katapang kung gaano ako kalakas sa ganon paraan mapasaya ko siya. Upang huwag niya sisihin ang kanyang sarili sa mga pagkukulang niya saakin. Niyakap ako ng aking Ina napapikit ako sobrang saya ko kahit na anong pigil ko na huwag umiyak Hindi ko parin mapigilan napahagolhol ako sa pag-iyak " Mommy! Araw-araw kita kinakausap nanalangin ako sa amang may likha na gumising kana. Mommy inalagaan kita habang natutulog ka araw-araw kita dinadalhan ng bulaklak. Hindi ako pinabayaan nila Lola si Uncle Luther ang naging gabay ko sa lahat ng oras. Mommy salamat dahil gising kana." Umiiyak na wika ko * * Stella * * " Mommy! Araw-araw kita kinakausap nanalangin ako sa amang may likha na gumising kana. Mommy inalagaan kita habang natutulog ka araw-araw kita dinadalhan ng bulaklak. Hindi ako pinabayaan nila Lola si Uncle Luther ang naging gabay ko sa lahat ng oras. Mommy salamat dahil gising kana." umiiyak na wika ni Keijo Napahagolhol ako sa pag-iyak niyakap ko ng mahigpit ang anak ko, Tumingin ako sa mga magulang ko at Kapatid ko " Salamat! Salamat inalagaan nyo ang Anak ko. Nauuhaw ako pahingi dugo." Umiiyak na wika ko " Mommy! Bakit dugo? Talaga bang tuloyan kana naging Bampira? Hindi na tayo makakaligo sa dagat?" Inosente na tanong ng anak ko " Matagal na akong Bampira anak! mas lalong lumakas ang pagiging Bampira ko ng iligtas ko ang Ama mo. Hayaan mo maliligo tayo sa dagat paglakas ko. " Mahinahon na tugon ko " Iho! Hayaan mo muna makapag pahinga ang mommy mo. Bukas na bukas magaling na yan." Mahinahon na wika ni Papa " Sige po! mommy Ikaw po ang maghahatid saakin sa School?" Inosente na tanong ni Keijo Tumango ako muli ko Niyakap ang anak ko. " Mommy! Haider ang pangalan ng Ama ko diba? Nasa kubo siya sa dulong bahagi malapit sa mga puno ng niyog. Binigyan ko siya ng kape kanina, Kamukha ko siya kaya alam ko siya ang Daddy ko." Pabulong na wika ni Keijo Kinumpas niya ang kamay bumungad sa harapan ko ang portal na katulad ng ginagawa ko dati. Tinulak ako ng anak ko nanlalaki ang mga mata ko bumagsak ako sa kama " What the h---- Hindi na naituloy ng pamilyar na lalaki ang sasabihin napatingin siya saakin kalalabas lang niya ng banyo " Tika lang! Nak! Balikan mo ako, Mister pasensya kana tinapon ako ng anak ko dito eh. Pasensya na talaga kagigising ko lang hindi ko pa kaya maglakad. " Natataranta na Paliwanag ko " Who are you Miss?" Nakakunot na tanong ni Haider habang naglalakad palapit saakin " Hindi! Pakiusap huwag kang lalapit. Hindi ako masamang bampira, Wala akong sinaktan matagal ako nakatulog kagigising ko lang. Pakiusap huwag mo ako lalapitan." Nababahala na wika ko " Don't worry wala ako sa mood magalit ngayon. " Baliwala na tugon niya Napangiti ako ng nakakaloko nakatayo ang Malaki at mahaba niyang Alaga sa pagitan ng hita. Namumula ang ulo nito " Hehe! Malaki mahaba, Tulad parin ng dati laging galit. " Wala sa sarili na wika ko " Ngayon lang ako nakakita ng Bampira na manyakis." Naiiling na wika ni Haider sabay suot ng pangloob Tumitingin siya saakin Ngumiti siya habang nakatitig saakin, natulala ko hindi ko namalayan na umaagos na ang Luha sa mga mata ko " Salamat! Masaya na ako na muling masilayan ang mga ngiti mo. " Garalgal na Sambit ko
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD