CHAPTER 5.1

1408 Words
Younis POV Malapit kami sa babaan ng jeep si Kent ay nasakanan ko at si Emer naman sa kaliwa ko, nakatingin sya sa labas habang mabilis na umaandar ang jeep, nakatingin ako sa mukha nya at sobrang perfect nito lalo na't nakaside view sya sa akin.  Hindi ko mapigilan ang ngiti ko dahil sa nangyayari ngayon, kung pwede lang ay wag na kaming bumababa dito, gusto ko na lang na kasama sya. Lumingon sya sa akin kaya agad akong napaiwas ng tingin sa kanya at binaling kay Kent na ngayon ay nakapikit lang at may earphone ang tenga nito. Sinandal ko ang ulo ko sa balikat ni Kent at pumikit din. Sobra na akong kinakabahan dahil kay Emer parang hindi na maganda yung pagkagusto ko sa kanya pero anong magagawa ko sumusunod lang ako sa gusto ng puso ko.  "Merong bang masakit sayo Younis?" tanong ni Kent pero umiling ako gusto ko na lang pumikit baka di ako makapagpigil kay Emer yakapin ko na lang basta yan. Hindi ako sanay matulog kung saan saan kaya lahat sila ay naririnig ko ang mga usapan lalo na yung dalawa.  "Hindi maganda ang dating sa akin ng mga transferee lalo na yung Snipe," rinig kong sabi ni Emer di ko alam kung sino dun yung kumaha ba or nagbigay sa akin ng milktea.  "Don't mind them Emerson." Naks bait talaga ng moggol na ito, masmabait pa sa akin si Kent pero I claimed it the bravest person syempre self support ako.  "What a beautiful scene, sabi n'ya habang pinapanuod si Younis na sinasaktan ni Glenn," dagdag pa ni Emer. Tama meron akong na rinig nun pero di ko na alam kung sino yung nagsabi, dahil sa kaba ko kanina so yung Snipe pala yun, mas inis pa rin ako sa Glenn na yun magtagpo ulit landas namin akala nya makakatikim na sya ng pektus sa akin.  "I'm not interested about them. The important is, nothing happened bad to Younis." Kikiligin na talaga ako kay Kent nito sobra s'ya magcare parang kapatid na kami nito since bata pa kami. "Yeah, that's right, hatid mo s'ya hanggang bahay nila. She's weak, baka ano pang mangyari sa kan'ya." Gusto kong dumilat at samaan ng tingin si Emer hindi ako mahina na unahan lang talaga ako nung kumag na Glenn na yun, baka bugbog sarado na 'yun kung nagkataon na hindi ako kinabahan.  "See you tommorow," Naramdaman ko ang paghimas sa ulo at pagluwag ng inuupuan ko dumilat ako ng konti at pababa na si Emer ng Jeep. Agad akong napangat ang ulo ko at tinignan si Emer pero humarap sya sa akin sabay ngiti. Umandar ang jeep at nakatingin lang ako sa kanya na ngayon ay naglalakad na hanggang sa mawala ito sa paningin ko. "Bilisan mo maglakad." Sinamaan ko ng tingin si Kent na ngayon ay nauunang maglakad sa akin, ihahatid daw nya ako kahit sabi ko na ok lang naman ako at kaya kong umuwi ng ligtas mag-isa. "Umuwi ka na kase," inis kong sabi pero huminto ito sa paglalakad at humarap sa akin kaya napahinto rin ako sa tapat nya. Problema nito pinapauwi ko lang naman sya.  "Bakit mo binigyan ng milktea yung Carlong yun?" Taka ko s'yang tinignan at napangiti na lang bigla.  "Kase gusto kong makita si Emer, Ikaw kasi ayaw mong ibigay room number n'yo kaya s'ya na lang 'yung tinanong ko." Nagsimula na akong maglakad at sumunod ito sa akin.  "Layuan mo 'yun." Muli ko s'yang tinignan, pero diretso ang tingin n'ya sa daan. Nagseselos ba s'ya dahil di ko s'ya nabigyan ng milktea nagkaroon ng nakakalokong ngiti ang labi ko at hinampas ang balikat n'ya ng mahina.  "Ok, next time ililibre na din kita ng milktea," natatawa kong sabi. Alam ko naman na adik s'ya sa milktea, kaya next time s'ya naman dadahan ko.  "Isn't about the milktea Younis, make a distance from them." Ngayon ay nakatingin s'ya sa akin, ibig sabihin ayaw din n'ya dun gaya ni Emer.  Siguro nalalamangan s'ya sa katalinuhan pati si Emer, kaya ayaw nila dun shems kalaban pala nila yun or baka naman nasasapawan 'yung gwaponess nila. Don't worry about that Emer, You're always good looking in my sight and no one can replace it. "Bakit naman ayaw n'yo kila Carlo?" tanong ko para iwas na matawa dahil sa iniisip kog kalokohan.  "Ang pangit ng pangalan." Napanganga ako, dahil sa dahilan n'ya 'yun lang, iba topak ng kasama ko.  Hindi ko mapigilan ang tawa ko, dahil sa sagot n'ya, kaya bwisit ito hanggang sa mahatid ako sa bahay, dahil nga bwisit na s'ya ay hindi na ito pumasok samin at umuwi na. Tinawagan ko naman sya agad pero sagot n'ya ay hindi s'ya galit pero ang cold ng boses.  Isang gabi lang topak nun bukas wala na kilala ko ugali nun, dahil magkababata kami at lagi kaming magkalaro.  Kanina pa ako paikot ikot dito sa minipark at hindi ko nakikita sila Kent ok lang sana kung si Kent ang 'di ko makita basta si Emer lang sapat na. Naglakad lakad ulit ako baka nalate lang sila ayaw pa naman akong sagutin ng monggol na Kent na 'yun.  Nagtext lang na tuloy daw kami sa minipark nila Emer syempre kasama si Emer kaya sasama ako.  "Younis!" Nilingon ko ang pinanggalingan ng boses napangiti ako na makita ko si Nikka na tumatakbo papunta sa akin at nasalikod nya si Kent at Emer na naglalakad lang, Mga wala naman silang reaction na makita ako.  Kumaway ako kay Nikka at sinalubong na s'ya, kung nandito si Carlo siguradong matutuwa dahil yung ultimate crush nasatabi ko na at nakakasama ko rin naman ang greatest crush ko.  Nag hi ako kay Emer at tinanguan nya lang ako si Kent naman ay nakatingin sa akin kaya inirapan ko s'ya nakita kong napasmirk ito dahil sa ginawa ko pero normal na yun samin, mamayang konti magkakausap din kami n'yan.  Hinila ako ni Nikka sa damuhan at umupo kami sumunod naman yung dalawa. Ewan ko lang pero parang close na kami ni Nikka kung makakadikit sya sa akin ok lang naman eh.  "Nikka wag kang masyadong dumikit dyan baka mahawaan ng sakit nyan." Napatingin kaming lahat kay Kent na nakatingin sa akin na mukhang ng aasar dahil sa ngisi n'ya. agad ko s'yang hinampas sa braso at sinamaan ng tingin natawa lang ito kaya sinamaan ko pa s'ya lalo ng tingin.  "Wag kang maniwala sa kan'ya, Emer," sabi ko. Nakabilog kami dito sa kanan ko si Nikka at kaliwa naman si Emer at kaharap ko yung monggol.  "Yieeee!" Napayuko ako dahil sa asar ni Nikka pero wala man lang reaction dun si Emer, Simula ng dumating dito hindi pa sya nagsasalita at wala yata s'yang balak magsalita. "Hey, matunaw naman si Emerson sa titig mo." Biglang tumingin sa akin si Emer, kaya napaiwas ako. Pahamak talaga 'yung Kent na ito sa buhay ko.  Ang ganda ganda ng view eh. Simula nun ay wala ng nagsalita dahil si Nikka ay merong katext, dahil tunog ng tunog ang phone n'ya si Emer nagphone na rin si Kent naman ay ganun din, so ano pala 'to sinama nila ako para panuodin silang magcellphone sa harap. "Mr. Kent Swanson?" Napatingin ako sa lalaking nagsalita naka green sya at may pangalang Greenwich meron itong dala na pizza kaya naman napangiti ako.  Tumayo si Kent at kinuha yung box saka nilapag sa harapan namin ako naman ay nakatingin dun sa box gusto ko ng buksan kaso meron kaming kasamang dalawa eh nakakahiya naman kay Emer.  "280, sir" Bumalik ang tingin ko Kay Kent na kinukuha ang wallet nya napansin ko naman na naglabas ng pera si Emer na 100 at ganun din si Nikka, so ambagan pala ito kala ko naman libre ni monggol.  "Wag na Nikka," sabi ni Kent ng inabot ni Nikka yung 100 sa kanya pero tinanggap naman ni Kent yung kay Emer kaya kumuha din ako ng 100 para ibigay kay Kent kaso biglang nag-abot ulit si Emer ng 100 kay Kent na pinagtaka ni monggol sabay silang napatingin sa akin na hawak yung 100 at ready na ako mag-ambag.  "Wag na Younis." Bigla akong napatigil ng magsalita s'ya at banggitin ang pangalan ko. pilit kong tinatago yung ngiti ko shems kinilig ako ng super dun.  "Oo nga wag na panlilibre mo pa 'yan ka Emer." Kinuha ko yung dahong tuyo at binato sa kanya kaso hindi naman ito umabot kaya isang matalim na tingin na lang ang binigay ko, habang nagbabayad si Kent ay binuksan ko na yung pizza pake ko sa kanya.  "Yeeeezzz All in overload," masayang sabi ni Nikka at kumuha sya ng isang slice ganun din ako pero si Emer ay nakatutok na naman sa phone nya. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD