CHAPTER 4.3

1101 Words
Younis's POV   "Kasama ka Emer?" tanong ko feeling ko close na kami dahil ilang pagitan na lang ang layo namin, hindi ito nagsalita pero tumango sya binutas nya yung milktea na bigay ko at sinimulan ng higupin. kita ko yung adams apple nya kaya agad akong napangiti, hindi ako makapaniwala nasaharapan ko na sya. "Pwede ba kitang hawakan?" Nakangiti kong tanong. mukha naman syang nagulat dahil napahinto sya sa paghigop tinignan nya si Kent kaya lumingon din ako kay kent.  "No problem!" masigla akong napangiti ng todo dahil sa sagot nya dahil dun ay wala na akong sinayang na oras at hinawakan ko yung pisnge nya sobrang lambot hahawakan ko pa sana yung ilong nya kaso biglang dumating yung teacher. "Younis sabay na tayo umuwi 1 hour na lang klase namin." Agad akong tumayo at nginitian ko si Kent para sabihin na sumasang-ayon ako. Nagbow ako sa teacher at nagmamadaling lumabas. Narinig ko na tinatanong ng teacher kung sino daw ako pero hindi ko na narinig ang sagot dahil nakasarado na ang pinto. naglakad ako papuntang dulo nito para tignan ang glass wall na nakita ang tanawin sa labas sobrang ganda dahil hapon na rin naman.  "Hey!" naalis ang tiningin ko sa labas ng merong magsalita sa likodan ko, agad akong napaatras ng konti ng makita yung lalaking nameet ko sa minipark dati. "Ginagawa mo dito? are you stalking me or what?" natatawa nitong tanong nginitian ko na lang tumingin ako sa likudan nya at walang tao kahit isa nagklaklase pa kasi pero anong ginagawa nya dito? ay oo nga pala STI din sya nag-aaral. "Pinuntahan ko lang..." hindi ko na natapos ang sasabihin ko dahil lumapit sya sa akin dahilan para mapaatras ako. "Boyfriend mo?" umiling ako pero patuloy pa rin ako sa pag-atras dahil nakatingin lang sya sa akin ng diretso at patuloy sa paghakbang. Nasapinakadulo kami at merong space dito na hindi naman na kita bali gilid ito ng isang room hindi ako makikita ni kent pag lumabas sya mamaya baka iwanan ako nun.  "Kita mo yun?" ngayon ay nakaharap na sya sa glass wall at pinagmamasdan ang magandang tanawin. Wala pa kasing gaanong bahay dito at makikita mo palang ay pura green na kabukiran.  "Nasubukan mo na bang magtravel?" tumingin ako sa labas para hindi nya mahalata na hindi na ako kumportable sa kanya. "Hindi pa pero gusto kong magtravel!" nakatingin ako sa baba at pinagmamasdan ang mga sasakyan, matagal ko ng gustong gawin yun pero gusto ko may kasama ako, para masmasaya naman diba.  "Bakit di mo gawin?" napangiti ako kung si Emer yung kasama ko bakit hindi diba kahit ngayon pa yan sasama na agad ako sa kanya. "Gusto ko may kasama!" sagot ko na lang pagtyatyagaan ko na lang ang mokong na ito na kausapin para di naman ako mainip habang nag-iintay kay kent at Emer. "Boyfriend?" tinignan ko sya na nakatingin pala sa kin ngayon bakit ba nya pinipilit yung boyfriend eh wala naman ako nun kung papayag lang sana si Emer edi sana meron na ako. "Hindi friend lang!" agad itong natawa at inalis ang tingin sa akin. "Friend with benefits huh?" tang ama hindi na ako kumibo dahil sa sinabi nya, maglalakad na sana ako paalis kaso hinawakan nya ang braso ko. "kinakausap pa kita!" nag-iba ang tono ng mananalita nya kaya bigla akong kinabahan ng humihigpit ang hawak nya sa braso ko. "Ano ba nasasaktan na ako!" aalisin ko ang kamay nya pero lalo nya itong hinigpitan. "Hindi ko alam pero hindi ka na maalis sa isip ko dahil dyan sa inosente mong mukha!" hindi ko na napigilan ang luha ko na tumulo dahil sa takot ko sa kanya, ang lakas na rin ang t***k ng puso nahihirapan na akong huminga gusto kong sumigaw pero walang boses na lumalabas sa bibig ko. "A..ali.s na.. ako" hindi ko masabi ng maayos ang mga words dahil sa takot ko sa kanya, narinig ko ang pagtawa nito na lalong nagpakaba sa kin, nilapit nya ang mukha nya sa tenga ko. "Ilang saglit na lang mawawalan na ng tao dito!" bulong nya sa akin kaya nagpumiglas ako sa kanya pero lalo nya lang itong hinihigpitan ang hawak. "Pakawalan mo na ako!" sabi ko pero tinulak nya ako dahilan para mapahiga ako sa sahig dali dali akong umupo at nilagay ko ang dalawa kong kamay para takpan ang dalawa kong mata. "What a beautiful scene!" Yumuko ako at niyakap ko ang dalawa kong tuhod dahil sa takot ayoko ng ganitong pakiramdam, lalong himigpit ang pagkakayakap ko sa sarili ko dahil sa naririnig ko sa palikod ko na para bang ang dami ng tao. "Younis!" dahil sa pamilyar na boses ay agad akong napaangat ng tingin at nakita ko si Kent na papalapit sa akin na bakas ang pag-aalala, agad ko tumayo at yumakap sa kanya, pero nakita ko yung Glenn na nakahiga na sa sahig.  "Emer!" sabi ko nangmakita ko si Emer na g**o na yung buhok nakayukom din ang kamao nito at nakatingin sa kumag na glenn na yun. "Let's go" kinuha nya ang gamit sa sahig at kinuha ang kamay ko saka naglakad paalis dun, nakita ko rin sila Carlo dun at mga kasama nya. Nakalabas kami ng STI ng bigla akong napatingin sa kamay ni Emerson at kamay ko, tumingin ako sa kanya na nakatalikod sakin dahil nauuna syang maglakad pero huminto ito at masama ang tingin sa akin kaya agad akong napaatras pero hinigpitan nya pagkakahawak sa kamay ko. "Are you stupid?" tinignan ko sya na parang galit ewan ko pero meron na naman na pumatak mula sa mata ko. ayokong umiyak pero sobrang dali lang nilang bumaksak sa mga ganitong sitwasyon hindi ko kayang pigilan.  "Bakit di ka sumigaw?" Sigaw naman ni Kent na halata rin ang pagkainis kaya agad kong binawi yung kamay ko mula kay Emer pero hinila nya yung dahilan para mapayakap ako sa kanya. "Pwede ba wag na kayong magalit sa akin?" napahawak ako sa polo ni Emer dahil maslalo pang tumutulo yung luha ko.  "Younis are you all right?" rinig ko kaya napaalis ako sa yakap ni Emer at hinarap si Carlo, Tumango ako wala namang nangyari sa akin natakot lang talaga ako. Biglang umalis yung kasama ni Carlo na sinundan naman nung isa. "I need to go, I'll you later ok" tumango ako at umalis na sya para sumunod dun sa dalawa na tinawag nyang kiddy and Snipe. "Hahatid na kita sa inyo!" tumango ako kay Kent at nalakad kami papuntang sakayan, ngayon ay pinaggigitnaan ako ni Emer at kent. Hindi ko alam kung matutuwa ba ako dahil sa nangyari o hindi.                                                                      //END OF CHAPTER 04//    
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD