Tahimik na sa labas ng mansion at mga ilaw na lamang sa poste ang siyang nababanaag ni Grace. Napatingin si Grace sa kan'yang celphone nang umilaw ito hudyat na naroon na si Enrique. Dahan-dahan siya lumabas ng kuwarto niya at hawak ang malaking bag ay maingat siya bumaba na ng hagdan. Luminga-linga pa siya upang tingnan ang mga guwardiya pero katahimikan lamang sumalubong sa kan'ya. "Lahat na ba itong gamit mo o may naiwan ka pa sa loob?" tanong ni Enrique sa kan'ya halos pabulong. "Opo tito, 'yan lamang po mga gamit na dala ko noon nang ako ay dumating dito ang siya ko ring dala ngayon," saad ng dalaga sa lalaki na nakatingin sa mga mugto niya na mga mata. "Darating din ang araw, iha na siya ay makakalimutan mo rin!" wika nito sa dalaga na parang malungkot rin. Tinuring na rin ni