Panay ang inom ng alak ni Bryan at hindi alintana nito ang mga katok sa pinto ng kuwarto niya. Maya-maya ay bumukas ito at sumungaw ang ina niya may hawak ng susi at galit ito na nakatitig sa kan'ya. "Papatayin mo ba ang sarili mo sa pag-inom ng alak?" ani ng nanay ni Bryan na galit sa pinapakita nito kahinaan sa isang babae. "Ma, wala akong sinabi gusto ko nang magpakamatay! Nagsasaya lamang ako!" sabi nito sa inang hindi siya maintindihan. "Sinabi ko na kasi si Margot lamang ang babae para sa 'yo kaya hayaan mo na siya!" wika nito kay Bryan upang ito ay makumbinsi na hindi niya kawalan kung iniwan siya ni Grace. "Ikaw kasi ang may kasalanan sinabi ko nang huwag ninyo siyang pakialaman pero hindi kayo nakinig sa akin!" sigaw nito sa ina na wala sa sarili. "Tingnan mo ang 'yong saril