Hunter's POV
Nagising ako sa tunog ng cellphone ko, may lumabas na isang mensahe galing kay Hacker, may sinend s'yang litrato ng isang buong pamilya. Isa itong family photo kung tatawagin. Muka silang normal na mag kakapamilya, pero nang mabuksan ko yung file na nasa ibaba ng litrato ay mali pala ang tingin ko sa kanila.
Lumabas ako at tulad ng inaasahan ay nagkumpulan na sila sa isang lamesa, nakisali na'ko sa kanila.
“Madami-dami to ah,” natatawang sabi ni Boss, hawak n'ya ang isang tablet na mukang naglalaman ng inpormasyon tungkol sa pamilya.
“A whole family,” sabat ni Silencer. Matalas ang tingin n'ya sa cellphone n'ya habang nilalaro ang dagger. Mukang handa na s'ya kahit hindi pa nagsisimulan ang pagsalakay namin.
Isang pamilya ng mga psychopaths. Walang nakakaalam nang kalagayan ng pamilya nato. Basa sa impormasyong binigay ni Hacker ay pinapatay nila agad ang mga taong may nalalaman sa kalagayan nila. Sa mahabang panahon ay namuhay silang may sakit, kumikitil ng mga inosenteng buhay at walang sino mang nakakaalam nang ginagawa nila.
Ngayong araw ay walang nag-request samin. Wala mang nag request ay kikilos parin ang grupo nang Midnight Hunters sa gabi, kahit wala non ay sila mismo ang maghahanap nang kanilang target. Napatingin ako isa-isa sakanila, mga uhaw sa dugo, parang nakikita ko ang kulay pula sa mga mata nila.
Nakakatakot ang grupo nato, pero hindi ko alam sa sarili ko kung bakit gustong-gusto ko manatili. Siguro ay matagal na'kong naging mabait, matagal kong tiniis ang pang-aapi ng mga mas mataas sakin/samin. Sa buong buhay ko ay madaming beses nakong nagmakaawa, pero walang nangyari.
Nasa isang sulok na'ko para linisin ang pana ko, may bahid ito ng dugo kahit hindi ko naman ito masyadong nagamit. Sa sobrang talsik siguro ng dugo kung saan ay nalagyan ang pana ko.
Habang naglilinis ay nakita ko si Biker na papalapit sakin. Umupo s'ya sa tabi ko.
“May susuotin kana?” tanong n'ya sakin, binaba ko ang pana ko na tapos ko nang linisin.
Humarap ako sakanya nang may pagtataka.
“Susuotin?” Pag-uulit ko.
“Yup, a gown,” sabi nya na may tuwa sa mga mata.
“Kailangan mag gown?” takang tanong ko. Tumango s'ya.
“Didn't you know? We're attending a maskedkaraid ball,” tuwa n'yang sabi.
Alam kong may maskedkaraid ball, pero hindi ko alam na literal sa aattend talaga kami. At mag ga-gown pa?
“Hindi ko alam na may kailangan palang suotin,” pag-amin ko.
“There's a lot of people out there and the lights are still on. So we have to blend in with the crowd” paliwanag n'ya, naintindihana kona, siguradong magkakagulo pag nag pakita kaming naka itim sa party.
“Wala pa'kong pwedeng isuot.” Sarili ko lang naman ang dala ko nung dumating ako dito. Ngumiti s'ya.
“I knew you'll say that, let's buy you a gown and a pair of shoes,” tumayo agad si Biker, nauna na s'yang mag-ayos para sa pag-alis namin.
Para akong nabingi sa sinabi n'ya. Ako? Magsu-suot ng gown? Kahit alam kong hindi kami mag sasaya sa party na yun ay nakaramdam ako ng tuwa. Nilagay ko sa lalagyan ang pana ko at masayang sumabay kay Biker.
Nasa store na kami nang puro gown, sa gilid din ay may mga takong na sapatos. Napanganga nalang ako sa ganda ng kulay at disenyo. Grabe din ang linis nang paligid, halatang dinala ako ni Biker sa isang mamahaling store.
“Pwede naman siguro sa tabi-tabi lang. Bakot dito mo pa'ko dinala?” sabi ko kay Biker.
“Mayayaman ang mga aattend sa ball, we better look our best and execute them with style." Medyo natawa ako sa arte nang pagsasalita n'ya.
“Also I will buy some tux for the boys, Ugh! I cant believe I let them order me around,” napairap si Biker.
Mahina lang akong natawa sa mga reklamo n'ya. Inutusan daw s'ya nila Hacker, s'ya lang naman daw ang may gustong maayos ang susuotin namin. Luma na daw kasi ang mga tuxedo nila, kaya kailangan na bumili ng bago. Nagka-taong s'ya lang ang walang ginagawa.
“But good thing you're here. Choose what ever you want, I'll be looking for some tux, see you later Hunter,” lumakad na si Biker palayo at iniwan na'ko.
Napakamot ako ng ulo ko. Ano naman ang alam ko sa mga ganto? Napatingin ako sa paligid. Masyadong marami, masyadong magaganda at masyadong mahal. Halos mahilo ako kakaikot para mamili nang babagay sakin.
“Hello Ma'am, what can I do for you?” Napalingon ako sa sales lady na lumapit sakin. Ngumiti ako sakanya, muka s'yang mabait at puno ng sigla.
“Ah patulong ako pumili ng gown na babagay saki,” agad kong sabi.
“Ayy gown ba Ma'am! Gusto n'yo po ba yung simple, plain color, something sexy, revealing, elegant, shiny, glittery, fluttering? Do you want it a ball gown or cocktail?” sunod-sunod n'yang tanong.
Lalo tuloy akong napaisip. Naka ngiti parin s'ya at hinihintay ang sagot ko.
Sabi sakin ni Biker ay mayayaman lang ang mga dadalo sa kasiyahang yun, kailangan ko yung talagang babagay at magmumuka akong kabilang sa kanila.
“Elegant, shiny at siguro din yung madali lang ilakad,” sabi ko. Pinitik n'ya ang daliri n'ya sa harap ko na kinagulat ko.
“Ang galing n'yo Ma'am bagay sayo yun! Follow me Ma'am,” naglakad na s'ya, napakamot muna ako sa ulo ko bago sumunod sakanya.
“Eto ang mga elegante at makikintab na meron kami Ma'am.” Pumasok kami sa isang kwarto.
Akala ko makakapili ako nang matiwasay pero hindi pa din pala. Sobrang dami din nang nandito!
“Sukat natin sainyo ang mga to Ma'am, tara!” turo n'ya sa mga gown sa gilid.
Mukang matatagalan ako dito ah. Binigyan nya ako ng ilang gown at sinukat ko naman yun lahat. Ang dami kong sinukat pero nauwi lang yun sa isang maroon gown na backless. Hapit na hapit ito sa bewang ko, pagdating naman sa mga binti ko ay nagagawa ko namang makalakad nang maayos.
“Naks Ma'am ang fierce mo tignan Ma'am!” tuwang tuwa n'yang sabi at pumapalakpak pa.
Napailing-iling ako habang tinitignan ang repleksyon ko sa salamin. Simula nang sumali ako sa Midnight Hunters ay nararanasan kona ang mga bagay na hindi kopa nararanasan sa buhay ko. Ewan ko, pero natutuwa ako.
“Heels naman Ma'am.” Malawak ang ngiti n'ya sabay taas ng sapatos na hawak n'ya.
Nakakatuwa ang pagiging masigla nya para s'yang laging naka vitamins. Hindi nawawala ang taas ng boses n'ya, pero hindi katulad nang iba ay marunong n'yang ibaba yun kung kinakailangan. Nilagay n'ya na sa tapat ko ang sapatos na napili n'ya, isang silver na sapatos na palagay ko ay tatlong pulgada.
“Ang taas naman nyan,” sabi ko. Napahawak s'ya sa dibdib n'ya at umaktong nagulat.
“Grabe ka naman Ma'am sa taas, maliit lang to Ma'am. Try it.” Hinawakan n'ya ang paa ko at dahan-dahang inalalayan para masuot ang sapatos.
Nanibago ako sa pakiramdam sa paa ko, ang lambot nang sinuot ko ito. Namangha din ako dahil sakto lang ito sa paa ko, parang sinukat.
“You can walk now Ma'am.” Bumaba ako sa pinag tatayuan ko at sinubukang lumakad.
BLAG
“Ayy nako Ma'am!” napasigaw s'ya nang matumba ako.
Napatakip tuloy ako ng mukha dahil sa hiya. May mga tao din kaming kasama sa loob, onti lang pero nakakahiya pa din. Tinulungan n'ya ako tumayo.
“Pasensya na Ma'am hindi kita nasalo, hindi ko naman alam na malalaglag ka pala. Ikaw kasi Ma'am,” at parang naging kasalanan kopa ngayon. Sabagay kasalanan ko naman talaga.
Sinamaan ko s'ya ng tingin, ngumuso s'ya at lumayo nang onti sakin. Napabuntong hininga nalang ako sabay natawa din dahil sa reaksyon n'ya.
Hinubad kona ang gown, pina-box ko na ito kasama na ang heels na napili n'ya. Nakita ko kasi ang iba n'ya pang kinuha at palagay ko mas mahihirapan akong suotin ang mga yun. Sasanayin ko nalang ang sarili ko sa heels na silver.
“Nakapili kana?” Dumating si Biker na may dalang apat na Box.
Tumango ako, napangiti s'ya.
Dumating na ang gabi. Naka harap ako sa salamin at nilalagyan ng make up ni Biker. Suot ko ang wig ko, muka talaga akong ibang tao, lalo na ngayon dahil sa pag make up ni Biker.
Nang matapos lumabas na kami. Parehas ang suot ni Boss at Biker na sobrang revealing ang disenyo. Kita ang dibdib nila at ang hita, naka red si Biker habang naka blue naman si Boss. Sakin ay kuntento nako na likod lang ang kita sakin. Biniyayaan din ako nang medyo kalakihang hinaharap pero ayoko namang ipalandakan ito, nakakahiya.
Napatingin ako sa suot ng mga lalaki. Mga naka itim si Silencer at Bullet, naka army green naman si Swordsman, si Hacker katulad ko ay naka maroon din s'ya. Napatingin s'ya sa'kin nang makitang mag kaparehas kami ng kulay ng suot. Wala naman s'yang sinabi at naglakad na palabas, ganon din kami. Hindi ko akalaing sasama pala si Hacker, lagi kasi s'yang nakikitang naka upo lang sa harap ng monitor.
Nasa highway na kami at wala akong napapansin dumadaang mga sasakyan. Naghintay pa kami ng ilang minuto at may nakita nakong ilaw na papunta sa direksyon namin.
Tumigal ang isang itim na limousine sa harap namin. Agad silang sumakay, medyo natulala pako sandali, gulat at mangha pa ako sa nakita. Saan naman nila nakuha to?
“That's Hacker's magic,” Bulong ni Bullet.
Hacker's magic? Grabe naman parang lahat kaya nyang kunin. Pumasok na din ako sa loob. Hindi tulad sa labas ay maliwanag sa loob, napakalinis at makintab ang sahig ng sasakyan. Kita ko ang repleksyon ko mula doon.
“Wear this,” abot ni Boss ng mga maskara, ibat-iba ang disenyo. May hati sa maskara na ang taas ng mukha lang ang natatakpan, meron namang kalahati ng mukha at meron ding maskara na takip ang buong mukha.
Binigay sakin ang maskara na natatakpan ang itaas ng mukha ko. Sinuot ko na'to agad.
“Mag hihiwa-hiwalay tayo pagdating. Halubugin ang buong hotel, madaming tao ngayon, literal na madami. Kaya kailangan gumala tayo at mapabilang sa growd. Malakas ang security sa lugar na'to kaya hindi basta-basta makakapasok si Hacker pag nasa hide out s'ya, kaya s'ya sumama satin.” Paliwanag ni Boss.
“Paranoid ang pamilya Aragao. Laging nakabantay kung may aatake man sakanila. May mga guards din sila sa tabi, sniper sa paligid at security cameras. Nakakatawa, ito na ang huli nilang kasiyahan,” mahinang natawa si Boss, kasunod nang pagtawa ni Biker na nasa tabi n'ya.
Hindi nagtagal ay nakarating na kami sa isang 5 star hotel kung saan ginaganap ang maskedkaraid ball. Isa-isa kaming bumaba, una si Boss, sunod si Bullet. Ilang sandali lumabas na si Biker, sumunod si Swordsman, sunod naman si Silencer. Ang huli kami ni Hacker, ewan ko pero mas bagay daw kaming sabay lumabas ni Hacker dahil mag kaparehas kami ng kulay ng suot. Dahil doon ay mag kukunwari nalang daw kami na mag kasintahan. Wala namang tutol si Hacker kana sumangayon nalang din ako.
Sa isang iglap ay hindi ko na nakita ang mga kasama namin. Literal nga na napakadaming tao sa party na'to. Madami ang nag tinginan samin, lahat ay may pag kamangha nang tinignan kami. Nalilito naman ako kung bakit.
“We're a center of attraction. They look because of how we look,” rinig kong sabi ni Hacker sa tabi ko.
“Ano ba itsura natin?” mahina kong tanong sakanya. Mamaya muka pala kaming tanga.
“Important,” sabi n'ya, tinaas n'ya ang siko n'ya. Kumapit naman ako sakanya.
Hindi ako sanay na pinagtitinginan. May nag-assist pa samin para makahanap ng table. Si Hacker ay wala namang reaksyon.
Umupo kami sa table kung saan kami dinala. Sakto yun para sa dalawang tao, may sinabi si Hacker sa waiter at umalis na ito pagtapos. Tumingin tingin ako sa paligid, hindi ko pa nakikita ang pamilya Aragao.
Bumalik ang waiter at nag hain ng mga pagkain sa lamesa namin. Yon ata ang sinabi ni Hacker sa waiter na maghanda ng makakain.
Pasimple kaming kumain habang nagmamasid sa paligid.
“Pano pala tayo nakasali dito, eh hindi naman tayo invited?” mahina kong tanong sabay subo ng karne sa bibig ko, nagkalat pa ang sauce sa labi ko.
Nakayuko ako pero ramdam ko ang pag-ngiwi ni Hacker.
“You're a mess,” sabi n'ya. Mabilis kong pinunasan ang bibig ko gamit ang isa kong kamay, napunta tuloy doon ang dumi. Mabilis napa tampal si Hacker sa pisngi n'ya.
“There's a table napkin infront of you,” banggit nya sa mukang bulaklak sa gilid ng plato ko.
Para naman akong nasamid dahil hindi ko alam na pamunas pala yon, kala ko design lang. Nahihiya ko yung kinuha at inalis sa pagkakatupi, habang ginagawa yon ay aksidente kong nasanggi ang isang bote ng wine.
Parang tumigil ang t***k ng puso ko, mabilis na lumapit sa pwesto ko si Hacker at sinalo ang bote ng wine. Nakahinga ako ng maluwag nang hindi ito na basag at naglikha ng ingay. Siguradong pag titinginan ako ng lahat. Mabuti't nasalo ni Hacker, pero natapon naman sa suot ko ang ilang wine na lumabas sa bote.
“Sorry,” paumanhin ko. Bumuntong hininga lang si Hacker.
“Mag babanyo muna ako,” taranta kong sabi at mabilis tumayo.
Tinawag n'ya ako pero diko na pinansin, nakakahiya muntik na yon. Naglakad ako sa kung saan. Hinahanap ang cr, pero hindi ko naman makita, hindi ko na din alam kung saan banda ako ng hotel.
Mukang mawawala pa ako dahil sa paghahanap ng cr ah.