Hunter's POV
Malakas ang naging pagbagsak n'ya sa sahig. Wala akong nararamdamang kapangyarihan sa lalaking to kaya posibleng wala s'yang hawak na Lacrima.
Tatapat sana ng lalaki ang baril n'ya ulit sakin nang binaril sya ni Biker sa kamay, nabitawan ng lalaki ang baril n'ya. Sinunod n'yang binaril ang dalawang binti nito para di na s'ya makatayo. Ramdam ko ang sakit nang naramdaman ng lalaki nang sumigaw ito ng pagka lakas-lakas.
“Hanapin mo na ang swimming pool, I need too teach this man a lesson.” Malamig na sabi ni Biker, napalunok ako.
Wala akong nagawa kundi tumango at nagmadaling tumakbo paalis. Rinig ko ang sigaw ng lalaki, napapikit ako. Hindi ko ma-imagine kung anong ginagawa ni Biker sakanya. Hindi na'ko lumingon para tignan pa sila. Hingal na hingal na'ko dahil sa pagtakbo, napakalaki naman kasi ng bahay, ang isang katulad ko ay mahihirapan tagalagang maghalughog sa bahay nato.
Nang makarating na'ko sa sinasabi ni Hacker agad kong binuksan ang pinto, don ko nakita ang babaeng pilit umaahon sa tubig. Tumakbo ako palapit sa kinaroroonan n'ya. Akala ko nalulunod s'ya at hindi marunong lumangoy, pero nakita ko sa ilalim ng tubig na may nakalagay sa paa n'ya. Isang mabigat na bagay ang naghihila sakanya pababa sa tubig.
Tatalon sana ako sa tubig nang maalala kong hindi ako marunong lumangoy sa malaliman. Nataranta ako, pag lumusong ako hindi ko kakayanin, ipapahamak ko lang ang sarili ko, hindi din pwede tawagin sila Bullet dahil alam kong tinatapos pa nila ang mga tao sa taas.
Nakita ko na s'yang malapit nang mawalan ng malay. Dali-dali akong nakaisip nang paraan, kinuha ko ang pana ko at inasinta ang bagay na nasa ilalim ng tubig. Pag-tira ko sa ilalim ay sumabog ang kung ano mang bagay na nagpapabigat sa paa n'ya, nakahinga ako ng maluwag nang makawala sya, hinagisan ko sya ng lubid at tinulungan makaahon. Ubo sya ng ubo nang makarating sa kinaroroonan ko, pagkahawak ko sakanya ay ramdam ko ang lamig ng katawan n'ya. Naghanap ako ng tuwalya at nilagay sa balikat nya, buti nalang may tuwalya sa gilid ng bench.
Nahagip ng mga mata ko ang kadena na naka kabit sa paa n'ya, putol na ang dulo nito.
“M-maraming s-salamat… sayo,” pilit s'yang nag-salita.
Nangiginig ang katawan n'ya, sobra s'yang nilalamig. Bilib ako sakanya dahil nagawa nyang makatagal sa swimming pool.
“Wa–” napatigil ako sa pagbalak na mag-salita. Tinitigan nya ako, mabilis nalang akong tumango at iniwan s'yang nag-iisa sa indoor pool.
Hindi kami pwede mamukhaan at mabosesan, hanggat maaari ay wag maging malapit sa mga biktima na nililigtas namin. Iiwan ko nalang s'yang mag-isa, dadating naman ang mga autoridad, sila na ang bahala sakanya.
Bumalik nalang ako kung nasaan si Biker. Napa takip ako sa bibig nang makita ang ginagawa ni Biker sa lalaki, gusto ko masuka. May hawak na dagger si Biker, ginamit n'ya yon pang sulat sa katawan ng lalaki.
Binasa ko ang nakalagay. Asshole, nakasulat sa kaliwang braso. Dickhead, naka sulat sa binti n'ya. Fucker, naka sulat sa leeg. Mother Fucker, sa t'yan n'ya. Ang huli ay ang X sa noo n'ya.
Nakadilat ang lalaki na palagay ko'y hindi na nahinga. Ang lalalim ng laslas na ginawa ni Biker, halos makita ko ang laman loob ng lalaki. Tumayo na si Biker, binato n'ya ang dagger at saktong tumarak ito sa noo ng lalaki kung nasaan mismo naka pwesto ang X na ginuhit n'ya.
“Let's go,” tuwang sabi ni Biker. Nangilabot ako at ramdam ko ang ngiti sa likod ng itim na mask n'ya.
Lumakad na s'ya, sumunod na'ko at hindi na muling nilingon ang kalagayan ng lalaki.
Naliligo na ito sa sarili n'yang dugo at ayoko na ito pagmasdan pa.
Nakauwi na kaming lahat. Sinalubong kami ni Hacker na may hawak na remote. Tinapat n'ya to sa malaking flat screen tv, nang bumukas ito, nakita naming na balita pala ang ginawa namin sa lalaki. Mayaman ang lalaki, ngayon ko lang din nalaman sa sikat pala s'ya. May-ari ang lalaki nang isang sikat na bar at madami ang napunta dito, hindi na naka pagtataka na makita s'ya sa tv. Napatingin ako kela Biker at kita kong wala naman silang masyadong reaksyon.
“Kalunos-lunos ang sinapit ni Kenji Beltran na isang kilalang owner ng “The Nigh Owl Bar”. May laslas sa ibat-ibang parte ng kanyang katawan at nakasulat ang mga salitang hindi kanais-nais. Natagpuan naman ang kanyang kapatid at kasintahan sa kanyang pamamahay na malala ang kalagayan. Nilapitan namin sila pero ayaw magbigay ng pahayag ang dalawa sa nangyari.”
Pinakita ang katawan ni Kenji na naka blurd, kita kong madaming pulis ang naka paligid sa kanyang bahay, mga nagkakalap ng inpormasyon.
“Ang tanging sabi ng kasintahan ay mabuti nalang na nangyari ang gantong bagay kay Kenji Beltran. Inulan naman ito ng batikas at sinabing wala s'yang kwentang babae at hindi nya daw iniisip ang sinapit na ganyang kasintahan. Marami pa silang sinabi sa dalaga, pero hindi na ito sumagot sa mga nag-aakusa sakanya at itinikom nalang ang kanyang bibig.”
Lumipat ang eksena sa dinadala na si Natalie at babaeng muntik na malunod kanina sa ambulansya. Gusto nila sila makausap pero iniiwasan sila nito.
“Batay naman sa nakitang murder weapon ay kagagawan na naman ito ng isang grupo na nangangalang Midnight Hunters. Inaasahan ang mabuting paghahanap sa walanghiyang mga kriminal na gumawa nito sa kaawa-awang si Kenji Beltran. Para na din mabigyan ng hustisya ang iba pang mga biktimang pinatay nila. Nagbabalita Guin Dian, balik sa studio.”
Ramdam ko ang pag-ngiwi ni Biker dahil sa narinig n'yang salitang kaawa-awa. Pinatay na ang tv at lahat nag si-alisan na.
Umaga nang inutusan akong bumili ng grocery, kasama ko si Bullet na parang normal na mamamayan lang. Para ding normal na araw lang na wala kaming ginawang karumal-dumal a krimen kagabi. Hawak ni Bullet ang basket at ako naman ang listahan ng mga dapat bilhin.
Naghiwalay kami ni Bullet para madali naming makuha ang mga bibilhin. Ang dami din kasi ng pinapabili nila. Hindi man halata pero malalakas silang kumain. Kumukuha ako ng chips mula sa shelf nang may bumangga sakin, hindi yon masyadong malakas pero dahil na out of balance ako natumba ako sa sahig.
“Nako! Pasensya na,” sabi ng aksidenteng nakabangga sakin. Tinulungan n'ya akong tumayo.
Tinignan ko ang mukha nang taong nakabanggaan ko, medyo nanlaki ang mga mata ko nang makita ang babaeng sinagip ko sa pagkalunod. Kasama n'ya si Natalie, mukang kinupkop n'ya ito.
“Miss?” napakura-kurap ako. Nakatingin s'ya sakin at mukang hinihintay akong mag-salita.
Hindi ako nagpahalata, umarte akong hindi sya kilala.
“Ah ano ulit yon?” napakamot ako sa ulo ko, hindi ko narinig ang sinabi n'ya.
“Okay lang ba kayo?” pag-uulit n'ya, mabilis akong tumango.
“O-oo naman,” alanganin kong sabi sabay ngiti.
Pero bigla din akong napangiwi. Napatingin ako sa binti ko at don ko nakita ang maliit na sugat. May naka usli palang matulis na bagay na hindi ko napansin. Nakita n'ya ang sugat ko.
“Na'ko ikaw talaga Natalie, tignan mo nasugatan tuloy si ate,” banggit n'ya sakin.
“Say sorry too,” sabi n'ya.
“I'm sorry po,” paumanhin ng bata habang naka yuko.
Ngumiti ako. Nakita ko ang ilang mga pasa sa katawan n'ya na sinubukang takpan ng concealer.
“Okay lang ako, wag n'yo na'ko alalahanin,” sabi ko.
“Hindi nabangga ka namin, pasensya kana talaga nagmamadali kasi si Natalie gusto n'ya ng ice cream. Hali ka punta tayong drug store at bili tayong pang pagaling ng sugat mo.” Sabi n'ya at hinawakan ang kamay ko.
Ayoko sana sumama pero mukang mapilit silang dalawa.
“What about my ice cream ate Chesa?” Tanong ni Natalie.
“We'll buy you ice cream once we buy ate some stuff for her wound,” sabi n'ya dito.
Tatawagin ko sana si Bullet nang maalala kong nagkahiwalay pala kami sa supermarket. Nagpahila nalang ako sa babae na nangangalang Chesa batay sa tawag sakanya ng bata.
Naka bili na s'ya ng betadine, bulak at band-aid. Pagtapos non ay pumunta kami sa isang ice cream parlor. Akala ko pa naman ay ibibigay nila agad sakin ang gamit para sa sugat ko, hindi pala. Dinala pa nila ako dito sa ice cream parlor.
Hinayaan ko s'ya na mag lagay sa sugat ko, naiilang ako pero wala naman akong magagawa. Nang sa wakas natapos na s'ya ay kala ko makakaalis nacko.
“Samahan mo muna kami mag ice cream, pang bawi na din sa pagkabangga ko sayo.” Matamis syang ngumitis sakin, sumangayon din ang bata sakanya.
Hindi naman malala ang nagawa n'ya sakin, nag abala pa syang samahan ko sila.
“Wala lang naman yung nagawa mo,” sabi ko. Pasimple kong inayos ang wig na suot ko.
Wala na'kong nagawa nang tawagin nila ang waiter at nag order ng ice cream na gusto nila. Nilingon pa nila ako para malaman kung anong gusto kong orderin ko.
“Cookies and cream nalang,” sabi ko. Favorite ko ang cookies and cream.
Tumango si Chesa at sinabi yon sa waiter.
Tinitigan ko sila, ang saya nila na mag kwento ng kung ano-ano. Buti nalang at nakawala sila sa kamay ng lalaking yon, pwede na sila mamuhay ng matiwasay.
“Mabuti at maayos lang kayo,” nabanggit ko sabay subo ng ice cream.
Napabuntong hininga si Chesa. Binaba n:ya muna ang hawak n'yang kutsara at napa halumbaba sa lamesa.
“Nabalitan mo din pala ang nangyari samin,” sabi n'ya. Tumango nalang ako.
“Alam mo bang naging tahimik ako at iniiwasan ko ang mga tanong ng media sakin? Hindi ko kilala personally ang mga tumulong samin, alam din ng lahat na masasama sila, pero ako? malaki ang pasasalamat ko sakanila,” ngiting sabi n'ya.
Tinitigan ko lang sya na naka kunot ang noo, nag kukunwaring walang ideya sa sinabi n'ya. Mahina s'yang natawa.
“Haha! Hindi mo ako naiintindihan, wag mo na pansinin yon,” nagpatuloy na s'ya sa pag-kain. Tulad ng sabi n'ya ay hindi ko na ito pinansin.
Natapos na kami at lumabas na.
“Salamat sa pag libre, ngayon lang ako nakakain ng mamahaling ice cream,” sabi ko. Dati kasi ice cream lang sa tabi-tabi ang nakakain ko o ang mas kilalang tawag na dirty ice cream.
Karga-karga na ni Chesa si Natalie, nakatulog ang bata pagtapos kumain. Hindi lang kasi ice cream ang pina order n'ya. Pati Donut, shake at cupcakes. Palagay ko ay ngayon lang nakaranas nang kalayaan ang bata. Nabanggit din ni Chesa na ngayon lang ngumiti ng malawak si Natalie.
“Talaga? Kita ulit tayo minsan. You know…” napatigil s'ya sandali, napa hawak s'ya sa kanyang baba at mukang may iniisip.
“I don't know why, but I think I saw you before,” tinitigan nya ako, medyo napaiwas naman ako sa mga mata n'ya.
Namukhaan n'ya ata ako, sabagay ay kagabi lang naman nangyare ang aksidenteng muntik na s'yang malunod.
“Your eyes looked familiar,” mahinang sabi nya. Napakurap-kurap ako, ang mga mata ko?
“Imposible yun, ngayon lang tayo nag kakilala,” normal kong sabi, tumikhim pa ako. Napatango-tango s'ya.
“Oo nga naman, na'ko kung ano-ano nalang napapansin ko. Epekto ata ito ng pagkalunod. Oh s'ya, pasensya na sa abala ah. Teka hindi ko pala alam ang pangalan mo.” Napalunok ako sa sinabi n'ya.
“May I know your name?” Tanong n'ya.
“I'll like to add you on social media,” dagdag pa n'ya.
Hindi ako agad nakapag salita, hindi ko alam ang sasabihin. Ilang sandali ay wala pa din akong nasasabi.
“Ayoko mang aminin pero… wala pa'kong naging kaibigan.” Kumunot ang noo ko, seryoso? Wala s'yang kaibigan?
Napaka bait nya, matulungin at para na nga syang anghel sa ganda n'ya.
“I used to tell them my real situation, but they never believed me. I tried to ask help, but they never listen. Then I saw them with Kenji, they only listen and believed everything he say. That's why I thought that they not my real friends and I never had one,” puno nang kalungkutan ang boses n'ya.
“So… can we be friends?” Bumalik ang saya sa boses n'ya.
“Ano kasi…” napakamot ang ako ng ulo.
“Kanina pa kita hinahanap.” Nagulat ako sa pag sulpot ni Bullet sa gilid ko. Lumingon ako kay Chesa at alanganing ngumiti.
“Kailangan ko na pala umalis, salamat sa pag libre. Dalhin mo na pauwi si Natalie, antok na antok na s'ya. Bye Chesa,” sunod-sunod kong sabi at agad na hinila si Bullet bago pa makapag-salita si Chesa.
“S'ya yung babae kagabi. Namukhaan kaba nya?” tanong ni Bullet.
“Medyo,” sagot ko.
“Hindi pa tayo tapos mag grocery, nasayo ang listahan.” Sabi n'ya. napatampal ako sa noo ko, hawak-hawak ko sa kamay ang listahan na medyo nagusot nang hindi ko namalayan.
“Okay lang yan, nauna ko nang bilihin ang mga nakuha natin. Ikaw na bahala sa iba, I'll wait outside.” Napangiwi ako sa sarili at agad nang bumalik sa supermarket.
Nakauwi na kami at sumalubong samin si Swordsman na naka simangot. Napakamot ako sa ulo ko, may hinihintay nga pala s'yang pinabili nya samin.
“What took you guys so long? I'm so hungry!” halos mangiyak-ngiyak nyang sabi sabay halungkat ng mga plastic na hawak namin.
“Pasensya kana, ako kasi ang nag patagal.” Sabi ko sabay alanganing ngumiti.
Naghahanap parin sya sa mga plastic, napailing iling nalang ako at hinintay s'yang makita ang hinahanap s'ya, sana nga lang ay nabili namin kung ano man yon.
“Yes! My favorite sushi!” napahiyaw s'ya nang mahawakan ang hinahanap n'ya, nakahinga ako nang maluwag, napalingon s'ya sakin.
“It's okay. Tara at kumain na tayo!” Sigaw nya sa iba pa naming kasama.
“Tara na Hunter,” yaya sakin ni Bullet. Umiling nalang ako at sinabing busog pa'ko, mukang alam nya naman ang dahilan kaya iniwan n'ya na'ko para makisalo sakanila.
Mag isa ako sa kwarto at nakatulala sa kisame, na miss ko ang dati kong buhay. Pero alam ko sa sarili ko na hindi ko na yun mababalik pa at malabo nang mabalik pa. Pinikit ko nalang ang mga mata ko, wala nakong gagawin ngayon araw, wala namang sinabi sakin si Biker kaya mas mabuting matulog nalang muna.