Chapter 5

2325 Words
Hunter's POV Tumigil kami sa tapat ng isang tindahan dito sa mall na puno ng armas. Ibat-ibang klase, may long range at short range. Namangha ako kasi ngayon lang ako nakakita ng mga ganto sa malapitan. Nagpalakad-lakad ako sa paligid, iniisip ko din kung ano ang kukunin ko. Hindi ako marunong ma-maril at lalo na sa paggamit ng katana, baka masugatan ko lang ang sarili ko. “Madaming mga baril dito. Maliliit, malaki at mahaba, madami kang pagpipilian,” sabi n'ya habang ang mata nasa ibang direksyon. Ilang sandali ay wala pa din akong mapili, binigyan din ako ni Hacker ng baril at pinasubok sakin, pumunta kami sa may targitan. Nang iputok ko ay hindi ko lang nakayanan ang pwersa sa pagkalabit ko ng gatilyo. Para tuloy akong nabalian ng buto sa braso sa sakit. “Tsk, weak arms.” Napailing-iling si Hacker. Medyo nainis ako. “Baka nga ikaw din hindi mo kaya, siguro ikaw lang yung hindi marunong humawak ng armas sa grupo n'yo kasi lagi kang nakaupo at naka tambay sa hide out nyo—” Bang Bang Bang Napapikit ako sa sunod-sunod na putok ng baril. Bigla lang naman n'yang inagaw sakin ang baril na hawak ko, paglingon ko sa tatlong target ay sakto ang pagtama n'ya dito. Napalunok ako at dahan-dahang tumingin sakanya, ganon parin ang porma n'ya sa pagtira sa target. “I may have been working in the shadows, but that doesn't mean I can't step on the spotlight, let say… I'm the big deal here,” seryoso s'yang tumingin sakin. Napapikit-pikit ako at napakunot ang noo. “A-anong ibig mong sabihin?” nalilito kong sabi, medyo nautal pa'ko. Seryoso parin s'yang nakatingin sakin, napalunok ulit ako. Hindi nagtagal umiling lang s'ya at maliit na ngumiti. Binaba na din nya ang baril, dahil don parang nakahinga ako ng maluwag, kita pa ang buga ko ng hangin. “Hindi ka marunong ma-maril, pati sa paggamit ng katana o kahit anong espada, ayaw mo din sa dagger, ano nalang gagamitin mo?” halatang iniba n'ya lang ang usapan, pero nakisabay nalang ako. Muli kong ginala ang mata ko sa paligid. “Naalala ko mahilig ako manood ng mga prinsesa na gumagamit ng pana,” nasabi ko sakanya. “Gusto ko din gumamit non at maramdaman man lang ang maging katulad nila,” dagdag ko. “But not as a princess,” sabi nya. Napatango ako. “Alam ko,” mahina kong sabi. Pumunta kami kung saan ang mga pana at doon ko nakita ang gusto kong gamitin. May nakita akong maganda ang disenyo, agad ko yung kinuha. Kukuha din sana ako ng palaso nang pigilan n'ya ako. “The Lacrima can provide the arrow's as many as it can. The bow is all you need,” sabi nya kaya binitawan ko ang dapat kong kukunin na palaso. Binayaran na ni Hacker ang pana at nagulat ako presyo nito. “16k?” halos bumagsak ang panga ko sa presyo nito. Paglabas namin ay naglakad na kami, naka titig parin ako sa panang hawak ko, hindi ako maka paniwala. Ang mahal pala ng napili ko, sana pala tinignan ko muna ang presyo bago dumampot. Parang nag-sisi tuloy ako. “Matibay yan gawa sa mamahaling matiryales,” sabi nya pero patuloy parin akong naka simangot. “That Tiger design…” baling nya sa mukha ng tigre na naka lagay sa harap ng pana. Nakanganga ito at kita ang matutulis na pangil nya, yan din ang dahilan kung bakit napili ko to. Napaka ganda. “It's made of real gold,” dagdag n'ya. Lumaki ang mata ko. “Teka! Bakit ka pumayag na bilhin tong napaka mahal na pana na'to? Tas totoong ginto pa!” lumakas ang boses ko. Agad din akong napatakip ng bibig dahil nakalimutan kong nasa mall pala kami. Naibaba ko nalang ang cap ko dahil sa hiya, pinagtitinginan na ako ng mga tao. “Ingay naman ng babae na yon, ano akala n'ya nasa palengke s'ya?” Bulong ng isang babae na medyo malayo samin, pero narinig namin ang sinabi n'ya. Tumingin ako sakanya, pataray s'yang tumalikod at naglakad palayo kasama ng mga kaibigan n'ya, mukang mga mayayaman sila dahil sa suot nilang mamahalin, may mga alahas din sila. “Cute ng lalaking kasama n'ya gurl,” “Oo nga eh nakaka intimidate ang seryoso nyang mukha, muka din s'yang computer geek pero ang gwapo n'ya,” “Edi siguradong matalino s'ya. Omg! Destroy me kind sir.” Napangiwi ako sa narinig, napatingin din ako kay Hacker at may pandidiri din sa mukha n'ya. Wala na ang mga babae at tuluyan nang naka layo, hula ko hanggang ngayon kinikilig parin sila. Napailing-iling nalang ako. “Famous ka pala sa mga kababaihan Hacker ah,” tukso ko sakanya. Umasim ang mukha nya, natawa ako. “This is why I don't like going out,” inis n'yang sabi at naglakad na papalayo, tatawa-tawa akong sumunod sakanya. Napayakap ako sa pana ko, medyo malaki s'ya pero hindi gaanong mabigat dalhin, tama lang. Hinaplos ko ang tigre, buong buhay ko ngayon lang ako naka hawak ng mamahaling gamit. “Biker told me to get whatever you choose, so you better take care of that,” sabi n'ya, napatango-tango ako. “Aalagaan ko to,” naka ngiti kong sabi. “Dapat lang,” tamad n'yang sabi. “TULONG!” napalingon kami dahil sa malakas na sigaw. Don namin nakita ang isang matandang babae na hawak-hawak ng armadong lalake. Batay sa suot ng matanda ay isa lang s'yang ordinaryong nagtitinda ng kakanin, halata sa basket na dala n'ya. Bakit s'ya naging hostage? Napaligiran ng mga tao ang paligid, puro sila nagsasabi na kawawa ang matanda pero wala man lang akong nakitang tumawag ng tulong. Ano bayan! “Walang kikilos kundi mamatay ang matandang to!” sigaw ng lalakeng nang hostage. “Mga tao nga naman,” rinig kong sabi ni Hacker sa likod ko, paglingon ko ay naglalakad na sya papalayo. “Aaahhhh!” rinig kong nagsigawan ang mga tao. Pagtingin ko naman sa matanda tinutukan na ito ng baril sa ulo. Mabilis akong tumalikod at sinundan si Hacker. “Teka-teka, tulungan natin ang matanda.” Pigil ko sakanya. Pabalik-balik ang tingin ko sakanya at sa hostage, baka bigla nalang itong barilin. “Hindi natin problema yan,” sabi n'ya. Hinila ko ang sleeve ng hoodie n'ya. “Diba tumutulong kayo ng mga na-aapi?” sabi ko, napa tingala s'ya at mukang natawa sa sinabi ko. Kumunot naman ang noo ko, patuloy pa din akong naka bantay sa hostage. “We work at night Hunter and we're not hero's from the start,” napatingin s'ya sa hostage. “We can't be seen helping in the daylight, that's our rule, Biker's rule.” madiin n'yang sabi, sabay talikod n'ya ulit. Napapikit ako, rinig ko ang sigawan ng mga tao na wag saktan ang matanda, patuloy din sumisigaw ang lalakeng nang hostage na wag lalapit kundi masasaktan ang matanda. Rinig ko din ang sigaw ni Lolang na hostage, humigpit ang hawak ko sa pana. “SABING WAG LALAPIT!” Napadilat ako, alam kong may kailangan akong gawin at gagawin ko yon. Kinabit ko ang Lacrima sa pana ko. “Pakiusap,” bulong ko. Lumiwanag ang pana ko at nag-iba ng anyo. Umasinta ako, nagulat man sa pag sulpot ng palaso ay hindi ko na ito pinansin. Tinira ko to sa lalake, akmang kakalabitin na ang gatilyo nang maunahan kong patamain ang noo nya ng palaso. Bumaksak ang lalake sa sahig, duguan at walang ng malay. Gulat ang reaksyon ng mga tao sa paligid. “Damnit Hunter!” bigla akong hinila ni Hacker at mabilis tumakbo paalis sa eksenang yon. “Sorry,” ang tanging lumabas sa bibig ko. Tumakbo kami ng tumakbo hanggang sa makalayo kami, kita kong galit si Hacker kaya medyo natakot ako sakanya. “I told you!” sigaw n'ya. “Sorry,” pag-uulit ko. Huminga s'ya ng malalim, tumingin sa drone at pati na din sa smart watch n'ya. May kinalikot s'ya at bigla nalang lumabas ang background ng lalake kanina. “You executed another criminal, that's good. But they might look for you,” napa iling-iling nalang si Hacker. “Sorry talaga,” naluluha kong sabi. “Its okay. I've messaged Biker for what happened, let's get back.” Tuluyan na kaming umuwi. Nakayuko lang ako pagpasok namin sa hide out. Hindi ko din akalaing walang pag-iisip kong panain ang lalaki kanina. “Don't be so down in the dumps,” narinig kong sabi ni Boss. Nakaupo na'ko kaharap nila. “That's okay. Wala namang nakakita sainyo kasi nakatakbo kayo agad ni Hacker.” sabi ni Swordsman. “Mag-iingat nalang kayo sa susunod,” dagdag n'ya. “Anyway. Nice bow,” sabi ni Bullet. Hinawakan n'ya pa 'to para matignan ng maayos. Hinayaan kong pagmasdan nila ang sandata ko. Mas lalong naging maganda to sa mga paningin dahil sa kapangyarihan ng Lacrima. “How's the requests Hacker?” tanong ni Boss. Bumalik na sa pwesto si Hacker, kaharap ng madaming monitor. Humupa na din ang galit na nararamdaman nya ngayon kaya hindi na s'ya masyadong nakakatakot. “We have one tonight,” sabi n'ya. “Alright get ready,” sabi Boss, nagsi-tayuan sila at nag handa katulad nang sabi ni Boss. “Hunter oh. Ganda ng napili mo.” binalik sakin ni Bullet ang pana ko. Dumating ang gabi at simula na nang aming pag huhuli. Tulad nila ay naka mask din ako, balot na balot ako ng itim na nagtatago sakin sa dilim. Nasa likod ang pana ko, nakahanda pag may nakahuli samin. “The target is always abussing her adopted little sister. Her name is Natalie, age 9, their parents both died in a car accident. Natalie experienced beating, hunger, lack of freedom and worst s****l abuse. First things first, rescue the girl. If I'm correct she's maybe in her room right now, second floor, 5th room to the left, red door, you will see it right away, it has her name on it.” “Kenji Beltran. I'll send you his picture, you know the drill.” Rinig namin si Hacker mula sa suot naming ear piece. “Up,” utos ni Boss at nagsi-akyatan kami sa hagdan. Naiwan si Silencer sa baba kung sakaling may dumating man. Dalawang katulong ang naabutan naming naglilinis sa hallway, kumilos si Swordsman at pinatumba ang dalawa. Malakas ang pag tumba ng dalawa kaya maaaring may nakarinig sa ginawa n'ya, at tulad nga nang inaasahan nag si datingan ang mga gwardya ng bahay, pati na din ang mga katulong. Kunuha ni Bullet ang twin gun n'ya at pinagbabaril sila sa ulo. Si Boss ay sumugod kasunod ni Swordsman. Dumanak ang dugo sa buong hallway, dahil hindi ako handa sa gantong eksena ay parang na estatwa ako sa kinatatayuan ko. Bang Nagulat ako sa putok ng baril malapit sakin. Natalsikan pako ng dugo malapit sa mata ko, kasabay nang pagbagsak ng katawan sa tabi ko. Nakita ko sa likod ko si Biker. S'ya pala ang bumaril sa nag tangkang hablotin ako. “Hanapin natin ang target,” tumakbo na si Biker sa ibang direksyon. Sumunod ako sakanya. Habang hinahanap ang pakay namin ay tumunog ang cellphone namin ni Biker. Binigyan nila ako ng bagong cellphone para ma-contact ko sila. Naninibago pa'ko sa hawak ko, hindi ko pa alam gamitin, pero natutunan ko na agad mag-send at mag-receive ng message. Yun lang naman ang layunin sa cellphone na'to, ang magpadala at pagtanggap ng mensahe. Binuksan ko 'to at nakita ang isang letrato. Ang letrato nang hinahanap namin. “Arg—” naging abala ako sa pagtingin nang letrato na hindi ko na namalayang may tao sa tabi ko. “Sabi ko na nga ba at niloko ako ng babaeng yun,” nanlaki ang mga mata ko sa boses ng lalaki. Paglingon ko ay s'ya na nga ang hinahanap namin. Hawak-hawak nya ako sa leeg, medyo mahigpit kaya nahihirapan akong huminga. Mabilis s'yang tinutukan ni Biker ng baril na hawak n'ya. “May kutob na'kong hihingi sya ng request sainyo, isa talagang puta ang girlfriend ko,” humigpit ang hawak n'ya sa leeg ko. Gusto kona bitawan ang pana ko sa panghihina, pero hindi ko ginawa, bagkos hinawakan koto ng maigi. “Kaya pinaghandaan ko ang pagdating n'yo. Maligayang pagdating sa aking tahanan. Midnight Hunters.” ramdam ko ngisi sa labi ng lalaking to. Hindi nagsalita si Biker at nanatiling nakatututok ang baril kay Kenji Beltran. “Kinuha n'yo man ang kapatid ko, hawak ko naman ang girlfriend ko.” napanganga ako sa sinabi nya. Pati girlfriend nya ginagawan n'ya ng masama? Kaya siguro hindi na ito nakatiis at wala nang ibang paraan pa kundi ang mag-request sa midnight hunters. “Where's your girlfriend?” walang paligoy-ligoy na tanong ni Biker. “We got the kid” May nagsalita sa ear piece namin. Buti nalang at hindi ito naririnig ng lalaki. “What am I? Stupid? I would never tell where she is.” tawa ng lalaki, tinutukan n'ya ako ng baril. “But let me tell you this. That right now. She's definitely drowning.” lalong lumakas ang tawa ng lalaki. “She's gonna die and that's so satisfying. Slowly… she's loosing her breath.” dagdag n'ya pa. Para s'yang kontrabida sa isang action movie. Masaya s'ya ngayon, pero may nakaligtaan syang isang bagay. Na may mata kami sa buong paligid. “She's at the indoor swimming pool at his house. Go down, turn right, pick the biggest door there. That's where the pool is.” Namangha ako kay Hacker, nalaman n'ya agad kung saan. “You… are definitely. Stupid.” kita ko ang liwanag sa mata ni Biker na may halong panlilisik. Batid ko'y napangisi s'ya sa balita ni Hacker. Sinenyasan ako ni Biker. “What?” takang tanong ng lalaki. “Tanga ka daw,” sabi ko. Titingin sana sakin ang lalaki nang bigla ko syang hampasin sa mukha mismo ng malaking pana ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD