Chapter 4

2259 Words
*** “She, what?” kunot noong tanong ni Hacker. “Want's to be a part of us,” sagot ni Swordsman. Bumalik kami dito sa hide out nila para pagusapan ang desisyon ko. Wala naman silang masyadong naging reaksyon, mukang pinag iisipan lang nila kung tatanggapin ba nila ako. “She's just an ordinary citizen,” sabi ni Hacker sabay baling ang tingin sakin, nanliliit pa ang mga mata n'ya. Para naman akong nahiya sa sinabi n'ya, kahit wala namang masama sa pagiging ordinaryong mamamayan. “Yun nga ang iniisip ko,” sabi ni Boss. “Wala kang criminal records, hindi katulad namin na may bahid na ng dumi ang pagkatao at sa mata ng mga tao,” baling sakin ni Biker. “Mabuhay ka nalang ulit nang normal—” pinutol ko ang sinasabi ni Silencer. “May tinakasan akong malaking utang na hindi ko kayang bayaran, nakapatay din ako ng tao,” sabi ko. Natahimik sila. Alam kong hindi na'ko makakapag simula ng normal dahil doon. Siguradong dadating ang panahon na mamumuhay akong may agam-agam at kaba sa dibdib, hindi ako matatahimik. Kada oras ay may hahabol sakin. Ganon ang magiging kahihinatnan ng buhay ko. Eto naba ang nakatadhana sakin? “Alright,” humarap sakin si Biker, ako naman ay hindi makapaniwala sa narinig. “I'm letting you join us,” sabi n'ya. Sumangayon naman na ang lahat dahil wala naman ata silang magagawa sa desisyon ni Biker. Maliit akong napangiti. “Well now that you're a part of Midnight Hunters, what should we call you?” tanong ni Boss. Napaisip ako, hindi ko naman pwede sabihin ang pangalan ko dahil mahalaga ang identity. Nasabi na nila yun sakin, na kahit sila hindi alam ang pangalan nang isat-isa. Nag isip nako nang pwedeng maging alyas, hindi ko alam kung ano ba ang itatawag nila sakin. Wala naman kasi akong kayang gawin, katulad nang sabi nila ay ordinaryo lang ako. May isang pangalan akong naisip, yun nalang siguro. Kahit ano naman daw ang pwede maging alyas. “Hunter,” naiilang kong sabi. Nilagay ko ang ilang hibla ng buhok ko sa likod ng tenga ko bago isa-isa silang tinignan, napatango sila at mukang hindi naman tutol sa binanggit kong pangalan. “Hi Hunter.” Hinakbayan ako ni Biker at lahat sila binati ako sa pagiging isa sakanila. Ganon-ganon lang? Mabilis lang nila akong pinasali sa grupo nila. Mukang wala namang kailangan gawin upang maging isang opisyal na miyembro. “Hunter, successfully eliminated Senior Chavez,” sabi ni Hacker. Kita ko sa monitor na nalagyan nang malaking X ang picture ng lalaking napatay ko. “Request Granted.” si Boss ang nag sabi. Simula nang naging isa ako sakanila ay iniinform na nila ako sa mga request na natatangap nila. Hindi ko pa nagagawang makasama sa lakad nila dahil bini-briefing muna ako sa mga dapat kong gawin. Napapanood ko din sa monitor ang mga ginagawa nila dahil naiiwan ako at si Hacker, sya ang laging naiiwan at hindi sumasama sa ginagawa nila, s'ya kasi ang nagmo-monitor sa mga galaw nang lahat. Nagmi-mistulan syang mata nila. Habang abala si Hacker ay nilabas ko ang kristal sa bulsa ko, tinitigan ko to nang ilang sandali. Hanggang sa na pagdesisyonan ko nang mag tanong. “Hacker,” malumanay kong tawag sakanya. Hindi sya lumingon pero nakita kong gumalaw ang mata n'ya sa direksiyon ko. “Ano yon?” tanong n'ya. “Gusto ko lang malaman, ano ito?” Inangat ko ang hawak ko at pinakita sakanya. Lumingon s'ya at tinignan ito, napatigil s'ya sa pagti-tipa at binigay ang buong atensyon sa hawak ko. “How did you get a piece of Lacrima?” may onting gulat at pagtataka ang kanyang ekspresyon. “Lacrima?” nagtataka kong tanong. Tumango sya. “Itong kristal na kulay blue na hawak ko ay isang Lacrima? Pero teka, ano yung Lacrima?” kunot noo kong dagdag. “Isa yang— Ayyss don't shout Biker! Okay! Okay! I'm on it,” napapikit si Hacker at binalik ang atensyon sa monitor. Nasigawan ata s'ya ni Biker dahil narinig ko mismo sa headset nya, hindi ko nga lang masyado naintindihan. “I'll tell you later, pabalik na sila” sabi n'ya, napatango-tango ako. Umupo muna ako sa gilid habang hinihintay ang pagdating nila Biker, hawak-hawak ko ng maigi ang crystal na tinatawag palang Lacrima. Napatitig ako kay Hacker, hindi man halata pero matagal ko nang napapansin na meron din sila nito. Sa motor bike ni Biker, sa baril ni Bullet, sa dagger ni Silencer, sa katana ni Swordsman, sa belt ni Boss at sa drone ni Hacker. May nakakabit sa mga gamit nila. Puno ng kuryosidad ang isipan ko ngayon. Nakarinig pako ng ilang argumento sa pagitan ni Hacker at Biker, mukang may nakahuli sakanila at tumatakbo na sila para makatakas. Nag mumuni-muni ako hanggang sa nakarinig ako nang pagbukas ng pinto. Tumayo ako pati si Hacker, sinalubong namin sila. “Muntik na kami kanina,” binato ni Biker ang helmet n'ya sa malapit na sofa, sabay ayos ng buhok nya na medyo buhaghag. “They made a little trap, but that didn't stop us to execute that person.” sabi ni Boss. Kita ko ang pagod nila pero hindi nawawala ang pagiging kalmado ng itsura nila. “Hindi ka naka sagot samin agad Hacker, may naging problema ba?” tanong ni Bullet. Umiling si Hacker at tinuro ako, naiilang naman akong ngumiti sakanila dahil mukang naging istorbo pa'ko kay Hacker kanina. “Is there something wrong Hunter?” tanong ni Biker. Agad akong umiling. “She just wants to know something,” sabat ni Hacker. “What is it?” Tanong ni Boss, nagsi-upuan na muna kami. Pag kaupo naming lahat saka ko pinakita ang bagay na gusto kong malaman. “Nakita koto sa sandata ng matandang napatay ko,” sabi ko. “Pinatay,” pagratama ni Biker, napalunok ako at dahan-dahang tumango. “Tama. Pinatay,” nanginig ang boses ko pero agad din akong umayos. Pinakita ko na ang maliit na kristal na sabi ni Hacker ay isang Lacrima. “So you took that from your prey,” napa halumbaba si Biker, tinitigan nya ang Lacrima na may pagkamangha. “You did great back there,” pagpuri nya sakin. Hindi ko alam kung dapat ba'kong matuwa don. “Lahat kayo merong ganito, gusto ko lang malaman kung para saan to? At bakit ngayon ko lang na diskobre to?” Tanong ko. Tumayo si Biker at pumunta sa motor bike nya, pinalutang naman ni Hacker ang drone nya para lumapit ito sakanya, ang iba naman ay nilabas ang mga sadata nila, si Boss ay tinanggal ang belt na suot nya. Napa buka nang bahagya ang bibig ko nang bigla nilang kinuha ang mga Lacrima nila, nang matanggal ang Lacrima ay nag iba ang itsura ng mga gamit nila. Para itong mga lumiit at naging ordinaryong mga gamit nalang. Nawala ang malakas na enerhiya na nararamdaman ko mula doon. “Inside the palace hides a huge Crystal that holds magic, itong hawak namin ay kapiranggot lang ng crystal na nasa loob. They are hiding an insane amount of magic that can use to make our lives better.” lumutang ang Lacrima na hawak ni Biker. Magic? Totoo pala yun. Medyo napapikit ako, wala kaming kaalam-alam tungkol dito. “In these days people need to pay a big amount of money just for this little thing, eh kung tutuusin mas marami pa ang nasa loob ng palace.” Bumagsak na ang Lacrima sa kamay nya at madiin nyang hinawakan. “We stole them, before it can even get inside the palace. Naging madali lang samin yun, kaso maliit lang ang kaya naming kunin.” sabi ni Bullet, ibinalik na nila ang mga Lacrima nila. Lumakas na naman ang enerhiya sa paligid. “Ikakabit lang ang Lacrima sa isang bagay at maaari mo na itong gamitin, magiging makapangyarihan ang kahit anong nakakabit nito. Pwede kadin mabigyan ng kapangyarihan pag nasa tabi o hawak mo ang Lacrima. Pero mas makapangyarihan parin to pag nakakabit sa bagay na gusto mong gamitin.” sabi ni Biker. Napatingin ulit ako sa hawak ko, hindi ko akalaing ang kapiranggot na kristal na'to ay may natatagong kapangyarihan. Nagawa nilang itago ang impormasyon na'to sa amin? Hindi ako makapaniwala, napaka makasarili nila. “Each piece of Lacrima holds different kinds of magic power, it's the Lacrimas choice of what magic it will give to you,” sabi ni Boss na nakapag paangat ng ulo ko. “Me?” medyo napa maang ako nang ngumiti sya. “It's yours now,” dagdag nya. Napatingin din ako sa iba at parehas sila ng tingin kagaya ni Boss. “You are now the new owner of that thing, make sure you use it well,” sabi ni Silencer. “Kailangan mo lang ng weapon or something you can attach the Lacrima,” sabat ni Swordsman. “If you already found one then you're free to come with us,” napatingin ako kay Biker. Makakasama na'ko agad sa kanila? ilang minuto pa'kong natahimik. “All right back to work,” utos ni Boss. Nag si tayuan na sila at may kanya-kanya ng ginagawa. Hindi ko namalayan ang pinagusapan nila. Masyado akong namangha sa Lacrima at naging okupado ang pagiisip ko. Ako nalang ngayon ang mag-isa sa lamesa, napabuntong hininga ako at binalik ang Lacrima sa bulsa. Lumabas ako para makalanghap ng simoy ng hangin. Payapa ang kagubatan kung saan sila banda nakatago, pero pagsumapit ang gabi alam kung dadanak ang dugo sa oras nayun. Sandali akong lumayo sa hide out at ninamnam ang kapayapaan ng gupat, napaka ganda ng gupat pagnasisikatan ng araw. Napaka bilis nang nangyare sa buhay ko, dalawang tao ang nawala sakin, sila nalang ang meron ako at nagawa pa silang kunin sakin. Hanggang ngayon durog parin ang puso ko at kahit kailan hindi na siguro mabubuo, itong buhay na'to ay wala nang patutunguhan pa… “Come with me,” napa pitlag ako nang may biglang nagsalita sa likod ko. Muntik na'ko atakihin sa puso, si Hacker lang pala. Huminga muna ako ng malalim. “Kala ko naman kung sino,” naka hawak parin ako sa dibdib ko dahil hindi pa nawala ang pagka gulat ko. Nalilito n'ya akong tinignan. “Oh, you are having a moment,” sabi n'ya. Sa unang pagkakataon sa tanang buhay ko ay nagawa kong ikutin ang mga mata ko. Halata naman diba? “You can do that later, come with me. Biker ask me to help you find a weapon that you can use.” Pagtapos magsalita ay naglakad na s'ya. Wala akong nagawa kundi sumunod sakanya. Nasa pinaka labas na kami ng gubat nang bigla syang huminto, humarap s'ya sakin. “Before that, wear this.” nilabas n'ya ang drone nya, bumukas yun at may nakita akong laman sa loob. Binigay n'ya sakin ang isang cap, blonde na wig na may pagka-kulot at isang salamin, sinamahan n'ya pa nang isang pekeng nunal na nilagay nya sa gilid ng labi ko. Hindi ko na alam kung ano ang itsura ko ngayon. “Didn't know you look good in that, kung ano nalang kasi dinampot ko pang disguise,” kibit balikat nyang sabi, napailing nalang ako sinabi nya. Swerte pala ako dahil bumagay ang kung anong dinampot n'ya para sakin? Naglakad na kami kung saan may mabibilhang armas. Pumasok kami sa mall, pangatlong beses ko palang nakapasok sa mall, yung una at pangalawa ay kasama ko pa si Mama at Jane. Unang punta namin ay nag celebrate kami dahil naging top1 si Jane sa klase nila, saktong merong perang naipon si Mama non. Sa pangalawang punta namin ay cenelebrate naman namin ang birthday ko. Napaka saya kahit hirap sa buhay, nagawa naming kumain sa mga fast food sa loob ng mall. Biglang kumirot ang puso ko sa ala-ala, napa yuko nalang ako sa kalungkutang naramdaman. Hindi ko pinahalata yun kay Hacker, tahimik akong sumusunod sa lakad nya. Medyo nagawi ang tingin ko sakanya, napansin ko kasi paglumalabas sila ay hindi sila nag di-disguise, malayo nilang ipaglantaran ang mukha nila na parang hindi sila mga kriminal. Nagtaka ako nung una, pero naalala ko din pala na hindi pa sila nakikilala, nag ma-mask pala sila pag may pinapatay. “Condolence, they send their condolences as well,” bigla n'yang sabi. Lumaki ang mata ko, napahinto din ako sa pag lalakad. Napahinto din s'ya dahil sa ginawa ko. “Panong… wala akong sinasabi…” hindi ko maiwasang maluha. “When we first met you, Biker already told me to run some background check on you, I told them that you are completely harmless. So they let you stay, but we saw deep down on your records.” sabi n'ya. Napalunok ako dahil sa luhang naba-badyang tumulo. Sila ang unang nagbigay ng pakikiramay sakin. Mga kasamahan ni mama sa trabaho, mga doctor na nag-alaga kay Mama, guro at classmates ni Jane. Kahit minsan wala akong narinig sakanila. Kinuha ko sa bulsa ang de keypad kong cellphone, luma na s'ya at muka nang masisira pero nagana parin. Nadala ko pala 'to, akala ko naiwan ko. Pagbukas ko ay wala akong natanggap na kahit anong mensahe. “Condolence for your Mother and Little Sister,” mahina n'yang sabi, naglakad nadin sya. Ngumiti ako kahit nakatalikod s'ya sakin. “Na-apreciate ko Hacker,” mahina kong sabi hindi na alintana kung narinig n'ya ba o hindi. Sinira ko ang hawak ko, itinapon ko na ang cellphone ko sa may malapit na basurahan. Nagpagpag ako ng kamay at sumabay na ulit sa paglalakad.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD