Hunter's POV
Sinuot ko na ng maayos ang wig ko, tumitig ako sa salamin at nang makontento na'ko sa itsura ko ay lumabas na'ko sa kwarto ko.
“Teka, bago kayo bumili may ipapasundan muna ako sa inyo,” pigil samin ni Boss.
Humarap kami sakanya, ngumiti s'ya at nillahad ang isang litrato samin.
“S'ya ang panibago nating target,” sabi n'ya.
Tinignan namin ang litrato na binigay n'ya. Isang babaeng medyo may katandaan na, maikli ang buhok na kulay itim, medyo mataba din s'ya. Mukang masungit ang babaeng to base sa ekspresyon n'ya. Hindi s'ya naka ngiti at walang kabuhay-buhay ang mata, sa madaling salita nakasimangot s'ya.
“S'ya si Cynthia nakita ko ang babaeng yan na naninigaw ng bata, sinigawan din n'ya ang cashier sa fast food na kinakainan n'ya, tapos binato ng bote ang matandang gusto lang manlimos sakanya. Lagi ko yang nakikita kahit saang lugar, and believe me walang araw na hindi s'ya nag rereklamo o nagsusungit sa ibang tao.” napahalumbaba si Boss sa lamesa n'ya.
“That women is giving me a headache, rinig ko parin ang nakakairita n'yang boses. I want you two to follow her, to know where she live, get some information as well. She's just roaming around borth town mall at this hour, you will find her immediately. I don't want to give Hacker another load of work, come home before 12am.” Sabay kaming napatango ni Bullet.
“Yes Boss!” Sabay din naming sabi.
“You may go,” sabi n'ya. Tuluyan na kaming umalis.
Nilagay ko sa bulsa ko ang listahan ng grocery at hawak ko naman sa isang kamay ko ang picture ng babae. Sumakay kami ng taxi dahil napagod daw si Bullet kagabi, ako naman ay hindi pisikal, pero emosyonal na pagod.
Sinandal ko ang ulo ko sa bintana ng sasakyan, pinanood ko ang dami ng sasakyan na dumadaan sa paligid. Si Bullet ay nakapikit ang mata at sa palagay ko ay natutulog na s'ya, muka ngang napagod. Ano kaya ang nangyare sa laban n'ya sa isang member ng pamilya Aragao?
Hindi ko pa din matanggap na naduwag ako at hindi man lang nagawa ang ipinapagawa sakin. Bumuntong hininga ako, hinintay kong makarating kami sa north town mall.
“Nandito na,” inalog ko nang onti ang balikat ni Bullet
Dumilat s'ya at agad nag bayad sa taxi driver. Bumaba na'ko at tinanaw ang madaming taong naglalabas pasok sa mall. Maaga pa pero napaka dami na agad ng tao, hinintay ko muna si Bullet.
Nang matapos s'ya nag-simula na kaming mag hanap sa babaeng pinapa-imbestiga ni Boss.
“Patingin nga ng itsura.” Binigay ko ang picture kay Bullet, habang tinitignan n'ya ay patuloy parin akong nagmamasid sa paligid.
Napakalawak dito sa north town mall. Saan kaya namin mahahanap ang babae na yon?
“Ang tanga mo naman, sinabi ko nang ayoko ng pineapple sa pizza ko! Bakit meron paring isa dito? How dare you do this to me! I want to see your manager, where is the manager?!” Nakarinig kami ng sigaw mula sa 'di kalayuan.
Nagkatinginan kami ni Bullet.
“Mukang hindi na tayo mahihirapang hanapin s'ya,” sabi ni Bullet.
Naglakad kami papalapit sa isang fast food na tanging tinitinda ay mga pizza. Nasa malayo palang si Cynthia pero rinig na sa kabilang kanto ang boses n'ya. Inaasahan ko nang si Cynthia yon, base sa paglalahad sakanya ni Boss ay walang dudang s'ya nga ang sumigaw.
Agad naming nakita ang taong sumisigaw, sa dami ba naman ng mga taong nakapaligid sakanya ay malamang makikita namin s'ya agad. Sinulyapan ko ang picture at ang mukha ng sumisigaw, hindi kami nagkamali, s'ya nga si Cynthia na tinutukoy ni Boss. Lumapit na kami, naabutan naming nag pupumilit syang pumasok sa loob para hanapin ata ang manager.
Pinili kong tumayo para matanaw ang panibagong target namin. Habang si Bullet ay umupo sa isa sa mga upuan, nag tawag pa s'ya ng waiter. Nalito tuloy yung waiter kung alin ang uunahin, si Cynthia na nag wawala o si Bullet na tinatawag s:ya. Sa huli lumapit nalang ang waiter at binigyan si Bullet ng menu. Napailing-iling ako, nagawa n'ya pang umorder habang nagkakagulo na dito.
“Ma'am tama na po wala po ang manager namin ngayon. Ma'am!” nagpupumilit pa din s'yang pumasok.
Bumuntong hininga ako, madaming kumukuha ng video at picture ng babae, karamihan sa iba nakikichimis lang at bilang lang sa daliri ang tumutulong upang awatin ang babae.
Pag kaalis ng waiter ay lumapit na'ko kay Bullet, umupo ako sa bakanteng upuan na nasa harap n'ya. Prente s'yang naka upo at naka halukipkip habang nanonood sa eksenang nangyayare.
Para s'yang nanonood ng drama, kulang nalang ay bigyan s'ya ng pop-corn.
“Hindi ba tayo tutulong?” hindi ko maiwasang mag tanong.
“Our job now is to observe her,” simpleng sabi n'ya. Napahalumbaba ako sa mesa.
“Matatagalan tayo dito, tignan mo oh? Dahil sa isang pineapple pinapahirap n'ya ang sitwasyon ng mga crew sa resto pizza na'to.” sabi ko.
Gusto ko na matapos ang problema nila dahil nakakaawa ang mga taong nagtra-trabaho ng matiwasay dito. Hindi naman malaking bagay ang nirereklamo n'ya, pero eto s'ya at nanggugulo. Pwede namang tanggalin ang pineapple na yon kung ayaw n'ya.
“Hindi ba talaga tayo tutulong?” Napakamot s'ya sa noo n'ya.
“Fine,” bumunot s'ya ng baril.
Nagulat ako at agad pinababa ang hawak n'ya.
“Siraulo kaba? Tirik ang araw ngayon,” sabi ko. Medyo natawa s'ya sa naging reaksyon ko.
“Easy, I'm just gonna make her sleep,” may hinila s'ya sa taas ng baril n'ya, nag iba siguro ang bala na nasa loob ng baril.
Nakahinga naman ako ng maluwag. Akala ko naman… pero sa bagay hindi gagawa ng ganong bagay si Bullet ngayon naka taas ang araw.
Sinigurado n'ya munang walang nakakakita bago itutok ang baril n'ya kay Cynthia. Sakto ang pag-asinta n'ya sa leeg, nakatulog na ang maingay na babae. Walang naging malakas na ingay, wala din nakapansin sa nalang mabilis sa dumeretso sa babae.
Parang guminhawa naman ang paligid dahil sa nangyare.
“Her mouth is full of s**t, mga walang kwentang bagay,” sabi ni Bullet. Tumango tango ako dahil sangayon ako sa sinabi n'ya.
“Sir ang order n'yo,” abot ng waiter sa order ni Bullet.
Kumunot ang noo ko dahil imbis na isa lang ay pito ang binili s'ya. Hindi naman nagkamali ng bigay ang waiter dahil binayaran na agad ni Bullet.
“Bakit ang dami naman ata n'yan?” takang tanong ko.
“Tag iisa tayong lahat. Tara dadalhin na yung babae sa clinic, sundan natin,” sabi n'ya.
Sabagay mukang masarap ang pizza sa lugar nako. Tumayo na s'ya, agad akong sumunod.
“Akin yung hawaiian,” sabi ko. Paborito ko ang madaming pineapple sa pizza.
“Sure,” sabi n'ya.
Nakadating kami sa clinic na nasa tabi lang ng north town mall. Sumilip kami, iniwasan namin ang mga taong maaaring makakita samin.
Agad na gising ang babae.
“I'd only gave her a 10 minutes sleep. Kaya nagising na s'ya agad,” Paliwanag ni Bullet, akala ko matatagalan pa s'ya bago gumising.
“Walanghiya! Hindi ko nakain ang pizza ko!” sigaw n'ya.
Napangiwi kami pati na din ang nurse na nag aasikaso sakanya. Hinawi n'ya paalis ang nurse at naglakad na palabas. Uuwi na ata?
“Ma'am yung pizza n'yo po naiwan.” Habol sakanya ng nurse.
Binox naman pala ang pizza n'ya eh.
“Bakit hindi mo sinabi agad?” sinigawan n'ya ang nurse sabay hablot ng pizza n'ya.
“Eh kasi Ma'am bigla nalang po kayong umalis,” sabi sakanya.
Kasalanan nya naman pala eh.
“Wala kang pakealam, lumayas kana sa harapan ko,” s'ya na ang unang umalis.
Sumakay na s'ya sa sarili n'yang kotse, may sarili din s'yang driver na nagbukas ng pinto para sakanya. Sumakay na din kami upang masundan s'ya.
“Follow that car,” sabi ni Bullet, sumunod naman ang taxi driver.
Hindi ganon kalayo ang bahay n'ya kaya agad kaming nakadating don.
“Isang mansyon,” sabi ko habang nakatingala at nakatayo sa malaking gate.
“I'll take a picture and send it to Boss, stay here,” katulad ng sabi n'ya ay nanatilli ako sa pwesto ko.
Shhh
Nakarinig ako nang tunog ng ahas sa tabi ko. Naging alerto ako, napatingin ako sa likod at don ko nakita ang ahas na balak akong tulawin. Umatras ako at kita kong isa-isang naglabasan ang mga ahas sa mga dahon.
Hindi kaya… ang mga ahas ang nagbabantay sa lugar na'to?
Napatiim bagang ako, mabilis akong tumakbo kung saan pumunta si Bullet. Naabutan kong nakatalikod s'ya at kumukuha ng magandang anggulo ng mansyon.
Pinikit ko ang mga mata ko at inalala ang sinabi sakin ni Hacker nung sinubukan n'yang ipaintindi sakin kung pano tawagin ang sandata gamit ang isip.
“You know, you can summoned your weapon anywhere you want, you don't have to carry it around you all the time. The Lacrima is now connected to you, all you need to do is to think of your weapon and concentrate. They have to follow you and obey your command, you are a lot stronger than you think.”
Naramdaman ko na na may lumalabas sa kaliwang kamay ko. Napangiti ako, agad akong umasinta at dina nag sayang ng oras.
“Bullet ilag!” sigaw ko at pinakawalan ang palaso.
Anim na ahas ang natamaan ko.
“So that's why I heard some noises, thanks Hunter. Let's go, you got a good shot,” sabi nya.
Umalis na kami bago pa dumami ang mga nag si-silabasang ahas.
“Kaya pala walang nagbabantay, nakatago na ang mga ahas sa paligid,” sabi ko.
“Oras na para bumili. Nalaman na natin kung saan s'ya nakatira, alam na din natin na s'ya ang snake lady,” sabi nya.
Narinig ko na ang snake lady dati nung bata palang ako, akala ko hindi yon totoo. Ngayon alam ko na na kulang ang kaalaman ko sa mundo.
Pumasok kami sa mall pagkadating namin. Nag-simula na ulit kami mag grocery, nilagay ko sa basket ang mga chips, noodles at biscuits sa nakuha ko.
“Bullet nakita mo na ang pinapabiling battery ni Hacker?” Tanong ko.
Tinaas ni Bullet ang battery para makita ko, tumango ako para sabihing tama ang napili n'ya. Inabot n'ya yon sakin.
BLAG
Napatigil kaming dalawa dahil sa bumagsak na bagay. Nakita namin ang babae na nakatingin samin, ang basket n'ya pala ang nalaglag dahil nabitawan n'ya ito.
“Ang Midnight Hunters!” malakas n'yang sigaw habang nakaturo samin.
Nag kagulo sa loob ng mall, may iba pang tumawag agad ng pulis. Mabilis na kaming tumakbo ni Bullet papaalis. Naiwan pa namin ang mga basket na dala namin, hindi na namin nagawang bayaran.
Nakarinig kami ng alarm sa loob ng mall. Nagulat pa ako nang may mga pulang ilaw sa paligid.
“Pano nila nalaman to?” sigaw ko kay Bullet.
“I don't have a damn idea,” naka layo-layo na kami sa mall.
“Two members of the Midnight Hunters had spotted. Search the area.”
Biglang lumabas ang mga mukha namin sa mga malalaking screen sa building. Napanganga ako at hindi makapaniwala sa nakita.
“Ako… wanted ako.” natulala ako sa mga imaheng nakita ko.
Hunter
Estimated sentence- Unknown.
Bullet
Estimated Sentence- 500 years.
Swordsman
Estimated Sentence- 422 years.
Silencer
Estimated Sentence- 789 years.
Boss
Estimated Sentence- 840 years.
Biker
Estimated Sentence- 874 years.
Hacker
Estimated Sentence- 999 years.
“f**k,” mura ni Bullet na hindi din makapaniwala.
Paulit-ulit lumalabas ang mga mukha namin. Paulit-ulit pinapakita, napa tiim bagang ako at tinuon ang atensyon sa pagtakas.
Nakarating na kami sa hide out, hingal na hingal ako. Sinalubong kami nila Biker.
“Kalat na ang mga mukha natin,” sabi ni Bullet sakanila. Ako ay hindi ko magawang makapag-salita.
Nag madali si Hacker na puntahan ang monitor nya. Lumabas don ang mga mukha namin na katulad na katulad sa nakita ko sa building.
”Let's move out now!” lumabas na kami dala lang ang sarili namin.
Si Hacker ang nag silbeng direksyon namin. May mapa sa drone n'ya na pinapakita kong saan kami pwede mag tago, nanatili lang kaming sumusunod sakanya.
Tulala lang ako sa bawat oras na nag daan. Isang malaking katanungan ang nasa isip ko.
Pano nila nalaman na kami ang Midnight Hunters? hindi bat walang nakakaalam sa mga itsura nila?
Someone's POV
Sa isang madilim na opisina, naka upo ang huling buhay na myembro ng pamilya Aragao. The guy is smirking while staring at a beautiful silver shoe. The shoe that is owned by Hunter, the girl that catches his attention and made his heartbeat rise.
“Nag simula na po ang paghahanap Sir Nacario,” a maid interrupted him.
Napaangat ang tingin n'ya at tinignan ang maid. Napaatras ang maid dahil sa tingin ng kanyang amo. She slowly stepped backwards trying to reach the doorknob.
But is was to late, a strong wind appeared from her right slicing her head off.
“No one shall interrupt me from this wonderful moment,” Nacario said to the maid that is already died.
Right in the screen of his computer, shows photos of the the seven members that taken by his family after they die.
“The cameras are everywhere, even in are clothes. They are too confident,” Nacario said, grinning at the photos.
He looked again at the object infront of him.
“I will find you. You are mine, Hunter.” he whispered and kiss the silver shoe.