Chapter 9

2387 Words
Boss's POV “Maraming salamat sa pag-punta, sana mag-enjoy kayo,” ngumiti si Mr. Aragao sa mga bisita n'ya. Pagtapos mag-salita sa harap ay bumaba na s'ya sa entablado kasama si Mrs. Aragao. Pinanood ko ang bawat galaw nila, may mga guards na nakabantay sa kanila. Ang iba nasa malayo at ang iba naka buntot sa tabi nila. I cracked my knuckles. My fist wants to feel their blood, all wet and sticky. Ngumisi ako, I can feel my blood lust rising. I bited my lowerlips as I watched them greeting their guests. I accidentally bited my lips too hard and now I'm tasting my own blood. “Masyado kang excited Boss.” Hindi ko napansin ang pagdating ni Silencer sa tabi ko. I was too preoccupied. I sighed and kept my cool. “I guess you're here for Mrs. Aragao,” I said without looking at him. “Yes, they're always together Boss.” Nakita kong paalis na si Mr and Mrs Aragao sa party. “Handa mo ang sleeping gas mo Silencer,” I said as I turned to face him. He gave me a thumbs up. “Gotcha Boss,” He said. I smirked, pinahid ko na ng tissue ang dumudugo kong labi. Bullet's POV Nakatago ako, hindi kalayuan sa pwesto ng target ko. Mag isa ngayon ang youngest Aragao sa playground. Hindi… may kasama s'yang aso. Ayan siguro ang family dog nila, also a dog watcher. “Come out.” Napakunot ang noo ko sa sinabi ni Cyril. “I know you're following me since the party started.” Nasa swing s'ya at nilalaro ang aso n'ya. She's not looking anywhere but she knows I'm here. What a clever child. Lumabas na'ko sa pinagtataguan ko, lumiwanag ang mukha n'ya. She doesn't look scared, she's even delighted to see me. “I'm kinda sad tonight,” she said and look at the sky, she kinda look like a normal kid who just wants to play, her innocent face is so deceiving. “This is an important party,” she looked down feeling sad. “So I cant kill anyone tonight,” she looked up and smiled at me. “Pwede bang ikaw nalang muna?” she pointed her right hand at her dog and now it's getting bigger. The dog transformed, it now has red eyes, sharp fangs and the power that's coming out from the Lacrima. I took out my twin guns, I dodge the attack of her dog. It's looks like it wants to eat me. “I also forgot that Chi Chi is hungry, you can be her snack.” Tumalon ulit ako para makaiwas. “Sorry kid but I'm not your playmate nor your dog's food,” I said with a cold tone. So she can control the dog? Interesting. Mabilis ang mga galaw ko para makaiwas agad sa atake ng aso. I may have weakness in physical strength but I can mood fast. Iniwasan ko ang mga atake ng aso gamit ang angking bilis, sigurado akong masakit pag natamaan ako nang atake ng aso n'ya, mahirap na. Pinaputokan ko ang aso, nagkaroon ito ng pinsala. But the dog created a shield giving her less damage. “You're hurting Chi Chi!” she's now throwing tantrums. Sumakit ang tenga ko sa sigaw n'ya. Muntik pa tuloy ako matamaan, mabuti't nakailag ako agad. Nahihirapan ako lumapit sakanya, kaya pinaputukan ko ang kiddy's ferris wheel. Natumba yon sa aso at nadaganan. “Chi Chi!” gulat na sigaw ng batang babae. Mabilis ako lumapit sakanya. Tinutok ko ang baril ko sa noo n'ya. Nanlalaki ang mga mata n'yang tumingin sakin. “The controller is my main target and that's you,” mahina kong sabi na halos pabulong. Pinalungkot n'ya ang mukha n'ya at umarteng natatakot. Sorry kid, but I have no mercy even from childrens like you. “Wag po, bata lang po ako. Wag p–” BANG I walked away after shooting her. “Grrrr.” Napatigil ako nang marinig ang galit na tunog ng aso. Tinutok ko ang dalawang baril ko. “Double shot, blazing bullets,” sabay kong pinaputok ang dalawa hawak kong baril, tumakbo ang aso papalapit. Bago pa s'ya tuluyang makalapit. Natamaan na s'ya, pumikit ako at tumalikod na. Binalik ko na ang dalawang baril ko sa bulsa ko. I texted them, saying I successfully killed the youngest Aragao. Biker's POV “Hacker I have a little problem,” I said and told him what happened. I simply gaze at Crishey's dead body with a blank expression. Habang kausap si Hacker ay naghanap ako ng bagay na maaring pamunas sa katawan ko. Natuyo din ang dugo nila sa mukha ko, disgusting. Humarap ako sa malaking salamin dito sa kwarto at nag-ayos. I turned the speaker on so I can hear Hacker while fixing myself. I removed my ruined make up, washed my face and put on a lighter make up. “The police are now arriving. That must be the purpose why,” he said. I heard sirens getting louder and louder. Bumuntong hininga ako. At this state we might get caught, and that's the least thing I want to happen to us. “We need to leave, now!” pinatay n'ya na ang tawag. Tumakbo na'ko para makaalis. I fixed myself already, it's time to go. “Crishey may paparating na mga puli—” napatigil ang kaibigan n'ya nang makita ang kalagayan ni Crishey. She covered her mouth with shock and looked at me with fear. She slowly stepped backwards, she's shaking. I forgot, I have business with this girl. Mabilis akong lumapit sakanya, tumakbo s'ya at akmang aabutin ang pinto. “AAAHHHH!” BLAG Hinila ko s'ya sa buhok n'ya at binalibag sa gilid ng lamesa. She fell on the round, her blood stained on the wall, another art that I created. Now the wall looks good. I quickly ran outside, wearing the maids outfit. I changed my clothes of course, I can't be seen with red stains on my gown. I looked for my motor bike, I finally saw it in the bushes. I ordered it to come near me, I put on my helmet and ride my baby out. Hinanap ko sila Hacker, I saw them in a dark area outside the hotel. “Let's go,” I said. “Hunter isn't here yet,” Silencer said that made me stop. My eyes roamed around, I saw no Hunter here. My forehead creased, she haven't texted either. She's not done yet? ”The police are searching for us, text Hunter right now,” Boss ordered. Hacker did his work. “I'll go look for her," I said. She nodded. I now went to search the area. Tsk! why is she taking so long? We might get caught because of her. Hunter's POV Pagtapos kumain ay nag lakad-lakad kami. Kating-kati na'kong ilabas ang dagger ko, kanina pa ding nag va-vibrate ang cellphone ko. Hindi ko magawang mailabas ang mga yun, sakin lang kasi s'ya nakatitig, pag-aalis naman ako ay sasamahan n'ya daw ako. Sa tabi lang naman daw s'ya pero hindi naman pwede yon. Kailangan mag-isa lang ako pagtumawag ang isa sakanila. Ayoko namang bigla nalang s'yang saksakin, baka hindi ko s'ya makaya sa pisikalan. Kailangan ko maka tyempo, hindi ako katulad nila Boss, unang beses ako papatay ng delikadong tao at ako lang mag-isa dito. Tumingin ako sakanya, minsan s'ya titingin sa dinadaanan pero madalas lilingunin n'ya ako. Parang kada minuto ay mawawala ako sa paningin n'ya. Tuwing titingin s'ya sakin parang kumikinang ang mga mata n'ya. Naiilang na'ko! “Papakilala kita sa'king pamilya.” Napa nganga ako. Papakilala n'ya ako sa pamilya n'ya? Ang bilis n'ya naman ata. ”Nacario ano kasi…” napatigil ako at napakamot sa ulo ko, napangiwi pa'ko dahil hindi ko alam ang sasabihin. Nagkaroon nang mahabang katahimikan, ako ay nakayuko habang s'ya ay malumanay akong tinitignan. Nasa ganon kaming estado nang makarinig ng malakas na serena ng sasakyan ng pulis. Napatigil ako. Bakit may mga pulis? “One of my family died,” dumilim ang mukha nya, medyo napa-atras ako. Humarap s'ya sakin. “Come with me,” sabi n'ya at hinawakan ang kamay ko. Binawi ko yun at umatras. Nawala ang maliwanag n'yang aura at bigla itong dumilim. Hindi ko… hindi ko s'ya kaya. “May kailangan ka atang asikasuhin, mauuna nako,” sabi ko sakanya. Paulit-ulit s'yang umiling, humakbang s'ya papalapit. “Ayaw mo sumama sakin?” biglang nalungkot ang mukha n'ya. Ang bilis mag-bago. “Hindi naman sa ayaw,” sabi ko. Ngumiti s'ya sakin. “Di bali na, looks liked all of my family are dead. I'll come with you wherever you go.” Kinabahan na'ko ngayon. “I will put all my attention to you,” sabi n'ya. Ayaw n'ya ako umalis, hindi na'to maganda. Kinapa ko ang dagger sa bulsa ko, kailangan ko na'tong gawin. Broom Lalabas ko na sana ang dagger ko nang biglang lumitaw si Biker mula sa itaas namin. Parehas kami napatingala, hinawakan ni Biker ang braso ko at isinakay n'ya ako sa motorbike n'ya. Agad akong napakapit sakanya. “Kailangan na nating umalis,” bulong n'ya sakin. “No!” Akmang papaandarin na ni Biker ang motor bike n'ya nang hawakan ni Nacario ang paa ko. Muntik na'ko malaglag sa motorbike. “She's mine, you can't take her away from me,” galit na sabi ni Nacario. Lumingon sakin si Biker nang may pagtatanong sa mukha n'ya. Umiling ako na sinasabing hindi ko din alam ang ibig n'yang sabihin. Sinipa ni Biker si Nacario sa mukha kaya muntik na ito mapabitaw sakin. Patuloy parin namin tinatanggal ang pagkakahawak sakin, nakakapit lang ako sa bewang ni Biker habang sinisipa din ang paa ko. Nilabas ni Nacario ang kwintas na nasa leeg nya. Biglang nagliparan ang mga gamit sa isang restaurant at inaatake ang motor ni Biker. Buti naka gawa ng shield si Biker para maprotektahan kami. “You are coming with me, I wont let go,” sabi nya, balak ko s'yang saksakin pero lumipad ang hawak kong dagger sa kung saan. “Binigyan s'ya ng Lacrima nang kapangyarihang kontrolin ang hangin. Damn! My hair,” sabi sakin ni Biker. May dumaan saming hangin na napakabilis, nagkaroon ng hiwa ang motor ni Biker at muntikan na kaming madamay. Kahit naka helmet s'ya ay ramdam ko ang inis n'ya. Naglabas ng kuryente ang motor n'ya at pinatama ito kay Nacario. Kaso ay prinotektahan din s'ya ng hangin na ginawa n'ya. Hindi natamaan si Nacario. Rinig ko na ang sirena ng pulis na paparating. Inalis ko ang isang kamay ko sa pagkakapit. Malakas ang hangin sa paligid namin, pag umalis ako sa pagkapit matatangay ako papunta kay Nacario, pero kailangan ko subukan makaalis. Tinanggal ko ang hook ng heels ko at sapilitang hinubad ang sapatos ko. Naging mahirap yun pero sa wakas nagawa ko. Dahil karamihan pwersang naka hawak s'ya ay sa sapatos, ang sapatos ko mismo ang nahila n'ya. Nakawala na din ako. Umandar na agad si Biker papaalis, pero sinundan pa kami ng mabilis na hangin. Naglabas ng enerhiya si Biker na nag mula sa motor n'ya, tinutok nya ito sa direksyon ni Nacario. Malakas na pagsabog ang narinig ko nang pinikit ko ang mga mata ko. Pagdilat ko nagkaroon na nang malaking apoy. Patuloy na kaming umalis sa eksenang yon. Nakarating na kami sa hide out. Pagod na pagod akong umupo sa sofa, ako lang ang mukang pagod habang normal na ginagawa nila ang mga karaniwan nilang ginagawa. “Anong nangyare sa motorbike mo?” tanong ni Boss kay Biker. Napabuntong hininga s'ya at napapikit. Nalungkot ako sa sinapit ng motor ni Biker. Sira-sira na'to, may mga gasgas at malalaking hiwa, yupi-yupi na din ang ilang parte. Pero nagawa parin naming makauwi. “Kasalanan ko, hindi ko napatay ang target ko, pasensya na.” tumayo at yumuko ako upang magbigay ng paumanhin. “You don't need to be sorry,” ngumiti si Biker at muling sinuri ang motor n'ya. “The Lacrima can turn it back to normal, it will take some time tho. But it'll be good as new when you know it,” muli na'kong umupo. Naramdaman kong may naglapag nang isang bagay sa tabi ko nang tinignan ko to ay ang pana ko pala, binalik ni Hacker ang pana ko. ”I believe you hesitated of killing him because you don't have your bow with you,” napa yuko ako dahil tama ang sinabi n'ya. Naka ramdam ako ng malakas na aura mula sa kanya kaya parang natakot ako. Nayukom ko ang dalawang kamao ko at napa tiim bagang. “Anyway all of the family members are dead, except for one.” baling n'ya sa lahat. “May natira pa?” napatayo si Biker. kumunot naman ang noo ng ilan samin. “Nacario is still alive,” lumaki ang mga mata ko sa narinig. Buhay pa sya? Pano… “Pano nanggyare yun? Pinasabog ko lang s'ya kanina.” takang sabi ni Biker. Nag kibit balikat si Hacker. “I guess we have to find and kill him,” sabat ni Bullet. “The sun is about to rise. Rest, I'll gather some information for now,” bumalik si Hacker sa pwesto n'ya. Kung napatay ko lang sana s'ya ngayon hindi na nila kailangan mamroblema ng ganito. Napabuntong hininga ako, gusto ko tuktukan ang sarili ko. “Easy kalang, oh inom ka muna, matutulog na tayo at bukas mag gro-grocery ulit. Naubos ang stocks sa frig, lakas kasi kumain ng isa d'yan eh,” parinig ni Bullet. “Hoy! halos karamihan naman pera ko gamit,” banat ni Silencer. “Ikaw ba?” natatawang sabi ni Bullet, napangiti tuloy ako. “Tsk.” ang tanging n'yang nasabi at umalis na. Nagkatinginan kami at sabay natawa. “Pikon,” umiling-iling si Bullet at pumunta na sa kwarto n'ya. Ininom ko ang binigay na gatas ni Bullet, hindi naman ako humihingi sakanila pero natutuwa ako na kusa nila akong binibigyan. “That Nacario is a pain in the ass,” narinig kong sabi ni Swordsman, hindi s'ya kalayuan sakin. Umiinom s'ya ng tsaa habang nakatingin sa kawalan. “Kasalanan—” “Again, it's alright we'll kill him next time,” napatango nalang ako at pinagpatuloy ang pag-inom. Natulog na'ko matapos ko magayos ng sarili.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD