Kabanata 4

2351 Words
BUONG umaga akong madalas matulala at naguguluhan. Hindi ako makapaniwala na hinalikan ako ni Kuya Ram. Sa bibig pa! Karaniwang halik ba iyon ng isang kamag-anak? Ako lang ba ang nagbibigay ng malisya roon? Ewan ko. Bakit kasi sa lips kung pwede naman na sa pisngi na lang niya ako hinalikan? O nabigla lang si Kuya Ram at hindi nito naisip na medyo masagwa ang halik niya? Sumasakit ang ulo ko sa pag-iisip. "Tito, nandito na pala kayo?" bungad ko kay Tito Monching na naroon sa kusina at inilalabas mula sa isang malaking kahon ang mga pasalubong. Nasa labahan kasi ako kaya hindi ko nakita ang pagdating ni Tito. "Oo. Heto ang mga pasalubong ko, paghatian n'yo na lang ng mga pinsan mo. Bigyan mo rin sina Terya at Mildred." "Sige po. Ipagbubukod ko na po si Kuya Russel." "Ipagtago mo rin ang Kuya Raphael mo at dadalhin ko sa kaniya mamaya." Kumalampag ang puso ko. "O-opo, Tito." "Nasa'n pala ang Kuya Russel mo?" "Umalis po siya kanina. May ka-meeting daw po. Si Tita Jona po pala? Hindi po n'yo kasabay?" "Hindi. Hayun at nagpaiwan muna sa mga kamag-anak at may darating na tiyuhin galing abroad. Nagpapasundo nga sa akin sa Sabado." Hindi na ako kumibo. Hindi naman sa natutuwa akong wala si Tita Jona, pero mas nakakakilos kasi ako nang maayos kapag hindi ito nakatingin. Mabuti na lang at hindi ito 'yong tipo ng asawa na pambahay lang. Marami itong kakilala na pinupuntahan kaya lagi ring umaalis. Pero pagdating naman nito, una nitong aalamin kung ano ang ginawa ko sa maghapon. Tinatanong talaga nito sina Ate Terya kung may tinarbaho ba ako sa bahay o kung tumulong ako sa rice mill o sa palaisdaan. Bandang alas kwatro ng hapon nang marinig ko si Tito Monching na tinatawag ang pangalan ko. Dali-dali akong lumabas ng kwarto para alamin kung anong kailangan niya. "Dali ka, Chayong. Samahan mo'ko sa palaisdaan at ihahatid ko kay Raphael itong mga pasalubong ko." "P-po? Isasama n'yo ako?" "Oo. Bakit? May ginagawa ka ba?" "W-wala po." "Eh, bakit parang aayaw ka?" "H-hindi naman po, Tito... Eh... magbibihis muna po ako." "H'wag na. Sa palaisdaan lang naman tayo ay bakit magbibihis ka pa. Kunin mo na lang 'yong mga ibinukod mo kaninang pasalubong para sa Kuya Raphael mo. Ihahanda ko na ang tricycle. Bilisan mo at sumunod ka agad sa labas." Pinaandar agad ni Tito Monching ang tricycle pagkasakay na pagkasakay ko. Tangan ko sa aking kandungan ang paper bag na pinaglagyan ko ng mga ibibigay kay Kuya Ram. Humugot ako ng malalim na paghinga. Hindi ko talaga maawat sa pagkalampag ang puso ko. Parang may malalaking palad na nakapisil sa leeg ko na hindi ko mawari. Iniisip ko pa lang na magkikita ulit kami ni Kuya Ram pagkatapos niya akong halikan ay hindi na ako mapakali sa upuan. Hindi ko alam kung anong magiging reaksiyon ko kapag nagkaharap ulit kami. Maiilang ba ako? Dapat siguro ay normal lang ang pakita ko dahil mukhang wala namang ibig sabihin sa kaniya ang halik. Baka nga nabigla lang. Paghinto ng tricycle sa bungad ng kakahuyan ay lalo pang sumiga sa kaba ang dibdib ko. Dali-daling umibis si Tito Monching habang may kaunting panginginig sa mga binti ko nang tumapak na sa lupa. "Bilisan mo, Chayong. Bakit ba kay lamya mong kumilos ngayon?" Nagrereklamo na si Tito Monching kaya naman inayos ko ang sarili ko. Sumunod ako sa kaniya pagpasok ng kakahuyan. Nakalampas agad kami roon. Nadaanan namin ang nakaparadang motorsiklo sa may bungad ng palaisdaan. "Mukhang may pinuntahan ang Kuya mo at kababalik lang," wika ni Tito Monching. Lalong bumilis ang paglakad nito kaya halatang nagmamadali na makita ang panganay. Hindi ko na nga siya maabutan dahil sa laki ng hakbang bukod sa kakaba-kaba pa rin ako. Kulang na lang ay umtras ako at hayaan na lang ang tiyuhin ko na mag-isang tumuloy sa kubo. "Chayong!" Salubong na ang mga kilay ni Tito Monching nang lingunin ako. Nasa gitna na siya ng mahabang pilapil at ako naman ay malayo-layo pa. "Ano bang bagal mo? Hayun na si Raphael at natatanaw tayo!" Napatingin ako sa direksyong itinuturo ni Tito Monching. At naroon nga si Kuya Ram sa kaliwang bahagi ng palaisdaan. Mukhang kagagaling lang nito sa pinakadulong pitak dahil ang lakad nito ay patungo sa kubo. "Chayong, magmadali ka!" sigaw ni Tito Monching. Gusto ko nang manakbo pabalik, pero pinigilan ko ang aking sarili. Alam kong wala akong dapat ikatakot at kaya ako nagkakaganito ay dahil nga crush ko si Kuya Ram at hindi ko alam kung bakit niya ako hinalikan kanina roon sa bahay ng Tatay niya. "Raphael!" masayang tawag ni Tito Monching sa anak nang makatawid na ito ng irigasyon. Kaunti na lang din ay naroon na ako kaya kitang-kita ko ang tingin sa akin ni Kuya Ram habang sinasalubong ang ama niya. "Nakabalik na pala kayo?" Naabutan kong sabi ni Kuya Ram pagkatapos siyang yakapin ng ama. Tiningnan niya ulit ako nang makalapit na ako sa kanila. "Chay..." Bahagya lang akong ngumiti. "K-kuya..." "May mga binili akong pasalubong, Raphael," imporma ni Tito. "Hayan at dinala na ng pinsan mo. Chayong, iwan mo na ang mga 'yan sa mesa para makapagtimpla ka ng maiinom natin. Raphael, doon na lang din tayo magkwentuhan." Tumango naman si Kuya Ram. "Sige." Tahimik akong nanood sa dalawang nag-uusap sa aking harapan. Kagaya nila ay umiinom din ako ng kape na ako mismo ang nagtimpla. May kapares iyon na buko pie na isa sa mga biniling pasalubong ni Tito. Parang ito na rin ang meryenda ko dahil sanay talaga ako na nagmemeryenda kapag ganoong oras. "Dati nang may mga palaisdaan ang mga Lolo't Lola mo. Pero no'ng dinala nila sa Maynila ang nanay mo, ibinenta na rin nila ang bahay, palaisdaan, palayan at pati na ang lahat ng ari-arian na nasa katabing bayan." Kinukwento ni Tito Monching ang dating kabuhayan ng mga magulang ng nanay ni Kuya Ram. Hindi ko talaga kilala ang mga Edades, pero kahit dekada nang wala ang pamilya sa aming bayan, matunog pa rin ang pangalan ng pamilya dahil isang buong terminong naging bise-alkalde ang Lolo ni Kuya Ram noong bago pa man mabuntis ni Tito Monching ang nanay nito. "Hindi ka ba talaga nahihirapan sa mga trabaho rito sa fish pond, Raphael?" tanong ni Tito sa anak. Bukod tanging ito lang sa aming mga kamag-anak ang tumatawag kay Kuya Ram sa first name nito. "Hindi naman. Ayos lang. Sanay naman akong magtrabaho." "Pero malayong-malayo ang trababo mo sa Maynila kumpara sa mga ginagawa mo rito." "It's alright. It's for my advantage, actually. May iba akong alam bukod sa operations ng isang kompaniya. Kaya ko rin naman ang lahat ng trabaho. Challenging, pero nag-e-enjoy ako. Hindi ba, Chay?" sabay baling sa akin ni Kuya Ram kaya nalunok ko bigla ang kahihigop lang na kape. Sa palagay ko ay mukha akong katawa-tawa nang tumango rito habang iniinda ang napasong bibig. "Mabuti naman kung gano'n, Raphael. Ayaw ko lang na mababalitaan ng pamilya ng nanay mo na pinahihirapan kita rito." Hindi nagtagal ay nagpaalam na rin si Tito Monching sa anak. Parang baliw naman ang puso ko na nakadama ng panghihinayang dahil uuwi na kami. Ewan ko. Kanina ay aayaw akong pumunta, pero ngayon naman ay parang ayaw ko pang umuwi. "Pwede bang ipaiwan si Chay rito? May ipapagawa lang ako sa kaniya." Dumagundong na nga ang dibdib ko. Hindi ko inaasahan ang request ni Kuya Ram kay Tito Monching. At ano naman kayang iuutos nito? Bakit parang natatakot ako? "Pwede," sagot agad ni Tito. "Kaya lang ay papagabi na, Raphael. Ikaw na ang maghahatid diyan pauwi sa bahay." "Sure. Ako na ang bahala sa kaniya." Naiwan muna ako sa kubo dahil inihatid pa ni Kuya Ram si Tito Monching sa may bukana ng fish pond. Hindi naman ako mapakali. Umupo at tumayo ako at saka titingin sa malayong pilapil na patungong labasan. Nang matanaw ko na nga ulit si Kuya Ram na pabalik sa kubo ay lalo pa akong sinalakay ng kaba. Ano kayang ipapagawa niya sa akin? Bakit hindi niya ako inutusan kaninang narito pa si Tito Monching tutal ay nakatunganga lang naman ako habang nagkukwentuhan sila? Parang niyayanig ako sa pagkakaupo. "Chay." Nakangiti siya nang dumating sa kubo at tawagin ako. Hindi ko naman magawang suklian ang ngiti niya. Umangat ang mga kilay niya marahil sa pagtataka. "Okay ka lang?" Tumango ako. "A-ano bang ipapagawa mo sa'kin?" "Maupo ka muna. May kukunin lang ako." Iniwan niya ako at pumasok sa loob mismo ng kubo. Umupo lang ako gaya ng bilin ni Kuya Ram. Hindi pa rin ako mapakali, pero pinipigilan ko ang sarili na tumayo. Hindi naman nagtagal ay lumabas na ulit siya ng kubo. Isang paper bag ang dala niya nang lumapit sa kinauupuan ko. Nakaupo ako paharap sa mesa. Sumaklang naman si Kuya Ram sa bangko kaya paharap sa akin ang pwesto niya. Para akong masu-suffocafe sa posisyon namin sa mahabang upuan. Iilang dangkal kasi ang pagitan namin kaya mistula akong nakakulong sa mga hita ni Kuya Ram. Nasasagi pa ng mga tuhod niya ang likuran ng balakang ko. "Tingnan mo 'to. Bigay ko 'yan sa'yo." "A-ano 'yan?" "Tingnan mo nga." Nasa mga tuhod niya ang kalahati ng isip ko. Binuksan ko ang paper bag at kinuha ang nasa loob na kahon. "C-cellphone?" Tumango siya. "Kailangan mo kasi 'yan, Chay. Hindi pwedeng nakikigamit ka lang. Kahit nga mga bata may cellphone ngayon." "P-pero... m-mahal ito, eh! H-h'wag na lang..." Natawa siya. "Anong h'wag? Sinadya ko pa 'yan kanina sa bayan para sa'yo." Napakamot ako sa ulo. "N-nag-abala ka pa..." "It's fine. Bakit kasi nagtitiis ka nang walang cellphone? Paano kung may emergency? At bakit tumatanggi ka raw bilhan ni Russel ng bago kung matagal na palang nasira 'yong dati mong ginagamit?" Hindi ko na lang siya sinagot. Pero ang totoo ay napagsabihan na ako ni Tita Jona. H'wag daw akong tanggap nang tanggap mula kay Tito Monching at sa mga anak nito. Kung gusto ko raw ng cellphone ay magtrabaho ako at mag-ipon ng pambili. "Magagamit mo na 'yan, Chay. May sim card na rin 'yan. You just need to register it in your name." Kagaya ng paghalik niya sa akin kanina ay hindi pa rin ako makapaniwala na binilhan niya ako ng cellphone. "Para sa'kin ba talaga ito?" "Yes." Tumango siya. "Tanggapin mo na lang at h'wag mo na'kong pahirapan." "Paano ko ito gagamitin? Siguradong makikita ito nina Tito Monching." "What's wrong with that? Sabihin mong regalo ko 'yan sa'yo. Masama bang bigyan kita?" Gusto kong lumubog sa nararamdamang hiya. Pinilit kong ngumiti nang normal. "S-salamat. H-hindi ko alam kung ano pang sasabihin." "How about a kiss?" Nawala ang ngiti ko. Nakataas naman ang mga kilay ni Kuya Ram habang pinagmamasdan ako. Hindi ko mawari ang dapat na reaksiyon sa sinabi niya. Parang dumoble ang hiyang nararamdaman ko. "Hindi mo alam kamo ang sasabihin. Then okay na ako sa kiss." Napalunok ako. Hindi ko mapigilan ang panginginig ng mga kamay ko nang unti-unting ilapit ang mukha kay Kuya Ram. Para akong sinasakal nang dampian ng labi ang pisngi niya. "Lugi yata ako, ah!" sambit niya. "Brand new phone 'yang bigay ko tapos sa pisngi lang ang halik mo?" Hindi na naman ako nakasagot. May banayad na reklamo sa tono ni Kuya Ram. Nagtriple na ang lakas ng kaba ko. "Just be fair." Para matapos na lang ay kumilos na ako. Inilapit ko ang nguso at pinatakan siya ng halik sa mga labi. Animo ako maiihi na hindi ko alam. Abot-abot ang nerbiyos ko at parang mabibingi sa malakas na ugong ng dugo sa likod ng aking mga tainga. "What's that? Hindi ko man lang naramdaman." "K-kuya Ram..." usal ko. Hindi ko alam kung dapat akong magsisi na tinanggap ko ang cellphone. Wala namang mahirap sa kapalit na gusto niya, pero talo ko pa ang aatekihin sa puso sa sandaling iyon. Baka nga mamaya ay bumagsak na lang ako. "Tagalan mo nang kaunti para maniwala akong thankful ka talaga." Halos mabali ko sa pagpisil ang aking mga daliri. Iba na ang pakiramdam ko sa sarili. Nag-iinit ang buo kong mukha at leeg at para akong kakapusin ng hangin. "Chay." Tumingin ako sa kaniya. Nakatunghay si Kuya Ram sa akin at nagtataas ng mga kilay. Halatang naghihintay siya ng gagawin ko. Humugot ako ng malalim na paghinga. Hindi ko alam kung pinagtitripan ba niya ako o ano, pero gusto ko nang matahimik si Kuya Ram. Inilapit ko ulit ang mukha ko sa kaniya at hinalikan siya sa mga labi. Ilang segundo ang pinaraan ko bago bumitiw, pero bago pa ako lubusang makahiwalay sa mga labi niya ay naroon na sa likod ng ulo ko ang palad ni Kuya Ram. Nabigla ako at hindi agad nakakilos. Pinaglapat ulit ni Kuya Ram ang mga labi namin at may pagkaagresibo akong hinalikan. Naramdaman ko ang banayad na pagkagat niya sa ibabang labi ko. Nagtayuan ang mga balahibo ko sa katawan. Itinuon ko ang mga braso sa dibdib niya at itinulak siya. Nakawala naman ako. Namimilog pa ang mga mata ko nang magkatitigan kami. "Get used to my kisses, Chay. Magugulat ka na lang ba lagi sa tuwing hahalikan kita?" Hindi ko alam kung paano siya sasagutin. Naisip kong umalis na bago ko pa ibuko ang sarili ko. Akma akong tatayo, pero hinawakan naman niya ako sa kamay at ibinalik sa pagkakaupo. Bumagsak ang puwitan ko sa isang hita niya. Halos mapakandong nga ako kay Kuya Ram. "Saan ka pupunta?" tanong niya. "U-uuwi na'ko," sagot ko sa kabila ng eratikong paghinga. "Agad? Dito ka na kumain ng hapunan." "H-h'wag na..." iling ko. "S-sa bahay na lang ako." "Dito na. Wala ka rin namang gagawin pagdating doon. Besides, ako ang maghahatid sa'yo kaya hindi ka makakauwi nang basta." "K-kuya Ram, eh..." Para akong maiiyak. Tumaas ang mga kilay niya. "Bakit? Natatakot ka na ba sa'kin?" Lumunok muna ako bago umiling. Hindi ako sa kaniya natatakot. Natatakot ako sa sarili ko dahil kapag hindi siya tumigil ay malamang na mabuking ang nararamdaman ko sa kaniya. "Then stay. Pag-aralan mo nang gamitin ang cellphone mo habang may ginagawa ako. Maghahanda lang ako ng mahahapunan natin."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD