ISINUBO ko ang huling kutsara ng kanin sa pinggan ko. Iyon na yata ang pinakamatagal kong kain dahil hirap na hirap akong lumunok. Parang punong-puno ang sikmura ko. Kakaunti nga lang ang kanin ay halos hindi ko pa manguya sa sobrang tensiyon at pagkailang.
Masarap sana ang ulam pero paano ba ako gigilasan sa pagkain kung maya't maya ako nililingon ng aking kasalo? Para ngang dalawang direksyon lang ang alam ng mga mata nito - sa sariling pinggan at sa mukha ko. Panay na nga ang iwas ko at kung magkakalakas ako ng loob at mag-aangat ng tingin kay Kuya Ram, kung ano-ano naman ang naiisip ko habang sinasalubong ang mga mata niya. May kakaiba sa titig niya na nagpapagulo ng mga balahibo ko sa katawan.
Kinuha ko ang baso ng tubig para matulungang malunok ang pagkain sa bibig ko. Busog na busog ang pakiramdam ko.
"Tapos ka na? Kain ka pa."
Umiling ako at nagsimulang ligpitin ang aking pinggan. Napansin kong tapos na rin siya kaya kinuha ko na rin ang mga pinagkainan niya.
"Iwan mo na ang mga 'yan. Ako na ang bahala."
"H-hindi! Ako na ang maghuhugas nito bago ako umuwi," prisinta ko dahil ang totoo ay gumagawa ako ng paraan para makaiwas.
Ayaw ko mang mag-isip ng kung ano-ano, hindi ko talaga mapigilan dahil sa ilang beses na paghalik ni Kuya Ram sa akin. Masagwa sa paningin, pero hindi ko rin maitanggi na gusto ko at ikinahihiya ko ang nararamdaman. Pinsan ko siya. Hindi ako dapat makadama nang ganito. Hindi nga dapat ako pumapayag na magpahalik, pero ang hirap naman tumanggi.
Sinimulan ko agad ang paghuhugas ng mga pinggan. Nakita ko namang umalis si Kuya Ram. Hindi na ako nagtanong kung saan siya pupunta. Nag-focus na lang ako sa ginagawa para pagkatapos ay makauwi na.
Madilim at tahimik sa paligid ng kubo. Sanay naman na ako roon dahil madalas din kaming abutin ng gabi sa palaisdaan kaya kahit nag-iisa ako sa lababo ay hindi ako natatakot.
Maya-maya pa ay natapos ko nang sabunin ang mga kasangkapan kaya magbabanlaw na lang.
"Anak ng hipon!"
Napalundag talaga ako nang biglang may humawak sa tagiliran ko. Narinig ko pa ang tawa ni Kuya Ram, pero bago ko siya mapagsabihan ay natuon na ang pansin ko sa mga braso niyang pumulupot sa aking baywang.
"Magugulatin ka ba talaga?"
Hindi ko siya nasagot. Malamig na sa kubo kapag ganoong oras bukod pa sa manipis ang suot ko, subalit bigla akong nakadama ng init nang yakapin niya patalikod. Ramdam na ramdam ko rin kasi ang init na nagmumula sa katawan ni Kuya Ram na nakadikit sa aking likuran.
"Saglit lang akong nawala, patapos ka na agad."
Habang sinasabi niya iyon ay sumasabay naman ng paghaplos sa tiyan ko ang mga daliri niya. Ang isa pa niyang palad ay nakapirme naman sa bandang sikmura ko.
Gumapang ang kilabot sa katawan ko nang maramdaman ko ang pagsayad ng labi ni Kuya Ram sa ibabaw ng aking balikat. Makitid pa naman ang strap ng suot kong daster kaya hantad ang balikat ko.
"K-kuya Ram... baka may makakita sa'tin."
"Sinong makakakita? Dadalawa tayo rito sa palaisdaan," sagot ni Kuya Ram at tinuloy na ng mga labi nito ang pagsuyod sa balat ko.
Nahigit ko ang paghinga. Sumayad ang tungki ng ilong niya sa gilid ng aking leeg.
"You have a nice smell, Chay."
Lalong nagtayuan ang mga balahibo ko sa katawan nang marinig ang sinabi niya. Hinalik-halikan niya ako sa leeg at tila may mumunting kuryente na nanulay mula sa aking gulugod papunta sa aking tiyan.
"K-kuya Ram..." tunog-dumadaing ang boses ko. "K-kuya... s-sandali..." Nabitiwan ko na ang binabanlawang baso sa palanggana.
Imbes naman na bitiwan ako, lalo pa niyang inilapat ang katawan sa likuran ko. Natawag ang pansin ko sa bumubukol sa kaniyang pantalon na dumadanggil sa itaas ng aking puwitan.
Kasabay ng paglunok ay napahawak na ako sa braso ni Kuya Ram. Para akong malulunod nang samahan pa niya ng dila ang paghalik sa leeg at balikat ko. Nakakakuryente ang mainit at basang hagod ng dila at mga labi niya. May kung anong apoy ang nag-umpisang kumiliti sa gitna ng aking puson dahilan para bahagyang mabali ang batok ko.
"B-baka may dumaan... n-na bangka... s-sa ilog... " paputol-putol na sabi ko. Parang sa bakal naman ang brasong nakapulupot sa akin at nahirapan akong baklasin
"Wala," sagot niya na sinundan ng paggapang ng palad papunta sa dibdib ko.
"H'wag na diyan..." tutol ko nang pumasok ang kamay ni Kuya Ram sa loob ng daster ko at kapain ang umbok sa ilalim ng suot kong bra.
Parang wala naman siyang narinig. Hinawakan ko siya sa braso, subalit wala rin akong lakas para awatin siya sa gagawin. Sinasabi ng isip ko na kailangan ko nang patigilin ang nangyayari, pero tutol naman doon ang katawan ko.
"F*ck! Chay..." namamaos na sambit niya at tila pagod na idinantay ang noo sa likod ng aking ulo.
Napapikit at nanginig ang mga binti ko nang tuluyang minasahe ng palad ni Kuya Ram ang isa kong s*so. Marahan siyang nagpabalik-balik, banayad na pumipiga at kumukurot sa aking korona.
"K-kuya Ram... t-tama na... b-baka hinihintay na'ko..."
"Ihahatid kita, Chay..." malambing na sabi niya. "Give me a few. F*ck! Your n*pple felt great against my palm..."
Hindi ko alam ang isasagot. Bilang babae, nakakataas ng kumpiyansa na gusto niya kung anong mayroon ako, pero mali ito. Pinsan ko siya.
"T-tama na... K-kuya Ram..."
"Sandali na lang, Chay. Don't worry."
Pagkasabi noon ay kumilos na rin ang isa pa niyang kamay paakyat sa dibdib ko. Nahirapan naman siyang ipasok ang kabilang braso. Windang na hinintay ko ang gagawin niya. Hinila niya pababa ang magkabilang strap ng daster ko.
"A-ano 'to?" Kabadong-kabado na ako. "K-kuya Ram..."
"Relax. Hindi kita sasaktan."
Nagmamadali ang kilos niya. Hindi na ako nakatutol nang ibaba rin niya ang mga strap ng bra ko at sabay na sapuin ng dalawang palad ang magkapares kong s*so.
Tumakas ang isang singhap sa lalamunan ko. Nagpalitan pa ang dalawang kamay ni Kuya Ram na para bang nagpapaligsahan sa pagpisil sa aking mga dibdib. Dagdag pa sa kilabot ko ang matigas na bagay sa harapan niya na bumubunggo sa ibaba kong likod.
"Chay..." daing ni Kuya Ram. Napayuko ako sa lababo nang hagurin niya ng halik ang hubad na likod ko. Sinamahan niya iyon ng dila. Naramdaman ko rin ang banayad na pagkagat niya sa balat ko.
Napahawak ako sa gilid ng lababo. Nagtatalo ang isip ko. Buong-buo ang kamalayan ko sa nagaganap, pero hindi ako makapaniwala na hinahayaan ko lang si Kuya Ram. Nababaliw na ba ako? Aminado naman akong matindi pa rin ang crush ko sa kaniya, pero inilalagay ko 'yon sa lugar dahil nga magkadugo kami. Magkapatid ang nanay ko at tatay niya. Hindi ko alam kung alam niya ba 'yon o ano, pero kung nahihibang man ako ay baka mas nahihibang siya.
"Come here, baby!" sambit ni Kuya Ram at bigla akong pinaharap kaniya. Siniil niya ako ng halik. Hinapit niya ako nang husto sa baywang kaya lumapat sa katawan niya ang hubad na mga dibdib ko. May kasama ring pwersa ang paghalik niya. Pagbukas ng labi ko ay walang pakundangang pumasok ang dila ni Kuya Ram at ginalugad ang loob ng aking bibig.
Hindi ko na alam ang gagawin. Binaha ako ng takot nang biglang lumipat ang mga labi ni Kuya Ram sa leeg ko at doon naman ako hinalikan. Kasunod noon ay ang paggapang ng isa niyang kamay sa dibdib ko upang damahin ang kaliwa kong s*so.
"K-kuya, tama na!" lakas-loob na sambit ko sabay hawi sa kamay niya.
Napahinto rin siya sa paghalik sa akin. Sinamantala ko ang pagpasok ng katinuan sa utak ko. Dali-dali kong itinaas ang aking bra at inayos ang strap ng suot kong daster.
"What happened? Did I hurt you?"
Gusto kong maiyak sa lambing ng tanong niya. Hindi niya ako nasasaktan. Ang totoo at kahiya-hiya mang aminin, nasasarapan nga ako sa ginagawa niya sa katawan ko.
"I was trying my best not to hurt you, Chay. Pigil na pigil na nga ako. Napalakas ba ang pisil ko sa-"
"H-hindi...." iling ko. "U-uuwi na'ko. Marami pa kasi... a-akong gagawin sa bahay."
Natigilan siya sandali. Pinagmasdan niya ako, pero iniwas ko ang aking mukha. Ayaw kong makita niya ang panghihinayang sa reaksiyon ko. Panghihinayang dahil masarap man sa pakiramdam, masagwa ang nangyayari sa aming dalawa.
Nagbuga siya ng hangin at tumango. "Okay. Ihahatid na kita."
Inihatid ako ni Kuya Ram pauwi sa bahay ni Tito Monching gamit pa rin ang motorsiklo. Ang kotseng dala niya noong pumunta siya sa kasal ni Kuya Rick ay naroon sa garage nina Tito at ginagamit minsan ni Kuya Russel.
Kahit marami nang nangyari, naiilang pa rin akong humawak kay Kuya Ram habang nakaangkas rito. Pagdating nga sa bahay ni Tito Monching ay dali-dali na akong bumaba. Tumayo agad ako sa harapan ng gate.
"Chay."
Nilingon ko si Kuya Ram. Madilim na at wala nang makikitang tao sa kalsada kapag ganoong oras.
"Come here."
"B-bakit?"
"Lumapit ka."
Lumunok ako. "S-sabihin mo na lang. Baka may gising sa mga kapitbahay makita tayo."
"Hindi nila tayo kita rito. Lalapit ka ba o gusto mong babain pa kita?"
Wala akong pagpipilian. Kaysa bumaba pa siya ay lumapit na lang ako. Para na naman akong aatekihin sa sobrang kaba.
"Good girl." Hinaklit niya agad ako sa baywang. Bago pa ako makapag-warning ay siniil na niya ako ng halik sa mga labi. Nagtagal iyon. Lumalim. Hindi pa nga yata siya titigil kung hindi ko itinulak.
"P-papasok na'ko."
"Sige. Aalis na rin ako. Don't forget to text me before you go to bed."
Tumango na lang ako. At maya-maya nga ay pinasibad na ulit ni Kuya Ram ang motorsiklo paalis.
Isa na namang mahabang gabi ang dumaan. Sa dami ng mga ginawa ko kanina pag-uwi ng bahay, hindi sapat ang pagod ko para makatulog agad. Pabalik-balik sa isip ko ang nangyari sa kubo. Para ngang nararamdaman ko pa ang paghagod ng mga kamay ni Kuya Ram sa dalawa kong s*so.
Huminga ako nang malalim at tumagilid ng higa. Bakit ginagawa ito ni Kuya Ram? Pareho ba kami na may nararamdaman sa isa't isa? Kung pinsan ang tingin niya sa akin, bakit niya ako hinahalikan? Bakit niya ako hinahawakan? Gusto lang ba niya dahil ano? Dahil ba lalake siya at normal sa kaniya ang gawin 'yon sa babaeng natitipuhan niya? Kung hindi kami magkadugo ay maiintindihan ko ang takbo ng utak niya, pero hindi. Naguguluhan tuloy ako. Baka mamaya ay pinaglalaruan niya lang ako. Baka mamaya ay may balak pala siyang sabihin sa mga kamag-anak namin lalo na kay Tito Monching na may ganito kami.
Late na nga akong nakatulog, pero pinakamaaga pa rin akong nagising. Iba talaga ang epekto sa akin ng nagaganap sa amin ni Kuya Ram. Naroon 'yong nag-iisip ako ng susunod na mangyayari, pero naroon din 'yong nagpaplano ako kung paano ba iiwas. Mali naman kasi talaga. Bukod sa natatakot akong may makakita sa aming dalawa. Siguradong malaking eskandalo iyon sa aming pamilya. Siguradong ikakagalit iyon ni Tito Monching at ng ibang mga piinsan ko.
"Ano, Chayong? Hindi ka talaga sasama?"
Umiling ako kay Ate Terya. Naghahanda na ang mga ito sa pagpunta sa fish pond. Bigla kasing nagyaya ng boodle fight doon si Kuya Russel. Sakto naman na naroon ang iba naming pinsan. Nagpaalam ang mga ito kay Tito Monching at pumayag naman ang tiyuhin ko.
"Mag-isa ka lang rito. Lahat kami pupunta."
"Okay lang, Ate. Maglilinis kasi ako ng kwarto ko. Ang gulo-gulo na. Next time na lang ako sasama."
Malaon nang nakaalis ang mga kasama sa boodle fight nang tumunog sa tawag ang cellphone ko. Nasa bulsa iyon ng suot kong salawal kaya rinig na rinig ko.
RM calling...
Sino pa bang pwedeng tumawag sa akin kundi siya lang. Ito pa lang naman kasi ang may alam ng number ko. Nasabi ko na kina Ate Terya na may bago akong phone na regalo ni Kuya Ram, pero hindi ko pa naibibigay sa kanila ang numero.
Pinagmasdan ko ang screen ng cellphone. Kagabi nang magtext niya ay sinagot ko. Kaninang umaga na nagtext siya ay sinagot ko rin. Ngayon na tumatawag naman siya, parang alam ko na kung bakit.
"H-hello?"
"Hindi ka raw pupunta sabi ni Russel? Anong problema?"
Hindi na ako nagmaang-maangan. Sinabi ko ang dahilan na sinabi ko kina Ate Terya.
"'Yon ba talaga, Chay? O iniiwasan mo na'ko?"
Hindi ako nakasagot. Partly, iyon nga. Pero aaminin ko ba 'yon? Bakit parang natatakot akong aminin? Natatakot ako na baka kapag sinabi kong umiiwas ako ay umiwas na rin sa akin si Kuya Ram.
"Bibigyan kita ng kalahating oras para magpunta rito. Kapag hindi ka dumating... alam ko na..."
Nagusot ang noo ko. "A-anong alam mo na?"
Naghintay ako ng sagot, pero wala. Namalayan ko na lang na pinatayan na pala ako ng tawag ni Kuya Ram. Nabalot tuloy ako ng pag-aalala.