Kabanata 24

2044 Words

HINDI madali ang mabuhay sa mundong ito. At maaga kong napatunayan iyon nang sa murang edad ay mawala sa pilinig ko si Inay- ang babaeng umari sa akin bilang tunay na anak. Akala ko ay wala nang kahihinatnan ang kabataan ko dahil wala nang balak noon si Itay sa pag-aralin ako, pero dahil kay Tito Monching na siya ko palang tunay na ama, nakatapos ako kahit paano ng pag-aaral. Nabuhay rin ako nang maalwan kesa sa inaasahan kong buhay na sasapitin ko dahil sa pagkupkop sa akin ni Papa. At kung may hirap man akong pinagdaanan sa mga taong iyon na nasa poder niya ako, iyon ay dahil mabigat ang loob sa akin ng asawa niyang si Tita Jona. Mahirap ang buhay ko mula pa noon, pero alam ko sa sarili ko na kinaya ko ang lahat. Kinaya ko ultimo ang pinakamatinding dagok na dumating sa akin nang mabun

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD