NAKITA ko ang pagsusumikap niyang ngumiti. Pinigilan ko naman ang maiyak, pero lumabas sa garalgal kong boses ang aking emosyon. sa dibdib ko ay naroon ang magkahalong lungkot at pananabik kay Papa. Nasa screen ito ng cellphone ni Thelma dahil napakiusapan ko si Ate Terya na mag-video call kami para makita ko naman kahit paano ang tatay ko. At sobrang saya ko na pumayag siya. Patakas nga lang ang tawag dahil walang nakakaalam sa Talisay Norte na may contact pa rin kami ni Ate Terya. “P-Papa… magpagaling ka nang husto, ha... Pagbalik ko riyan, may ipapakilala ako sa’yo... at sigurado akong matutuwa ka sa kaniya. Sorry, Papa, kung hindi kita maalagaan. Sina Ate Terya at Kuya Russel muna ang bahala sa’yo. Mahal na mahal kita.” Hindi umabot ng dalawang minuto ang tawag. Nag-aalala kasi si A