Kabanata 22

1949 Words

"NGAYONG alam mo na ang totoo, Chayong, mabuti pa ay kausapin na natin si Aling Rosenda at sabihing hindi ka na tutuloy sa trabahong iyan." "Tita Josie, bakit ko naman gagawin 'yon? Opo, alam ko na ngayon ang totoo. At ang pasyenteng aalagaan ko pala ay ang siyang kapatid ko. Ang tunay na Kuya Ram. Matitiis ko bang hindi siya makita ulit?" "Pero malamang na magkita rin kayo no'ng taong nagpanggap na Ram. Paano na lang kung may gawin siya sa'yo? Ngayong alam mo na kung anong ginawa niya, dapat ay umiwas ka na lang. Ako ang natatakot para sa'yo." "Wala kang dapat ikatakot, Tita," giit ko. "At hindi ko kailangang umiwas dahil sa aming dalawa, hindi ako ang nanloko. Hindi ako ang nagpanggap. Siya ang may kasalanan sa pamilya namin. Pinaglaruan niya ang damdamin namin. Pinagmukha niya kaming

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD