SUOT ko ang dress na ibinigay sa akin noon ng isa sa mga pinsan kong babae. Simple lang ang tabas ng damit. Makitid ang mga strap at hindi gaanong kalalim ang neckline. Puti ang kulay niyaon bagaman hindi na kasingputi gaya ng dati, pero maganda pa at masasabi kong angkop na rin sa okasyon. Hindi na ako gaanong nag-ayos ng mukha. Kaunting creame na pambalanse lang ng kulay at lip tint ang inilagay ko bilang makeup. Hinayaan ko na lang na nakalugay ang aking buhok. Kahit paano kasi ay nabawasan ang pagkasutil nito mula nang manganak ako. Alon-alon pa rin, pero kaunting suklay ay sumusunod na at hindi gaya ng dati na kahit suklayin ko ng ilang ulit ay para akong lilipad. Kontento na ako sa ayos ko, pero hindi ko maipagkaila na hindi kampante ang aking pakiramdam. Ibang uri ang kaba ko sa