BINASA ko ulit ang text ni Royce ng nagdaang gabi Gising ka pa? Can we talk? Dalawang beses na gano'n ang huling text niya at pagkatapos ay hindi na nasundan. Wala siyang paramdam sa maghapong dumaan. Itinabi ko ang cellphone at nahiga na upang matulog nang bigla 'yong tumunog sa pagpasok ng mensahe. Mistula naman akong nakipag-unahan sa pagbangon at pagdampot ng gadget at tiningnan kung sino ang nag-text. Napatuwid ako ng upo nang makita ang naka-rehistrong pangalan ni Royce. Chay Iyon lang? Naghintay ako ng kasunod dahil baka kako naputol lang ang text niya, pero lumipas ang isang minuto ay tahimik pa rin ang cellphone. Chay? Nagpapapansin? May sasabihin siguro. Baka kailangan kong sagutin. Nag-type ako ng pang-reply. Ano? Ise-send ko na lang iyon, pero nagbago ang isip ko at