Kabanata 36

1998 Words

ANIMO huminto ang oras sa sandaling iyon. Halos dalawang taon na ang dumaan, pero tanda ko pa kung gaano karubdob humalik si Royce at iyon mismo ang ipinatitikim niya sa akin. At maya-maya ay nag-iba ang hagod ng halik niya. Nagkaroon ng pagsuyo. Nahaluan ng lambing. Para akong inantok bigla. Bumigat ang talukap ng mga mata ko, subalit sa iilang segundong pagkapikit ay biglang nagbalikan sa isip ko ang mga araw na hirap na hirap akong pasanin ang lahat ng problemang iniwan sa akin ni Royce. Naalala ko nang mawalan ng malay si Papa sa harapan ko pagkatapos naming magtalo. Takot na takot ako noon. Kasunod naman ay sinampal ako ni Tita Jona at inutusang lumayas sa bahay niya. Bumalik ako kina Itay dala ang lahat ng aking gamit. Nagkaroon ng sandaling pahinga ang isip ko, subalit hindi nag

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD