ILANG segundo akong natulala. What was that? Hinanap ko si Chay, pero hindi man lang sinabi ng babae kung kay Chay ang number na tinawagan ko. Hindi rin niya sinabi kung magkakilala sila. Malinaw naman ang pangalan na binanggit ko. I frowned. Naalala ko ang minsang pag-uusap namin ni Chay noon sa palaisdaan. Wala siyang sariling cellphone nang panahong 'yon. That's the reason I bought her a phone. Ang sabi niya noon ay ang numero ng Tito Monching at Kuya Russel niya ang ibinibigay niyang contact number sa iba. Gano'n kaya ulit ang ginagawa niya? No. Hindi na siguro. At kung nakikigamit man ng cellphone si Chay, dapat sinabi 'yon ng babaeng kausap ko kanina. Imbes na sagutin ang tanong ko, parang baliw na sinigaw-sigawan pa ako at pinagbintangan na sugo raw ni Mang Siso. Sino si Mang Si