NAGSIMULA na rin agad kaming mag-impake ng mga damit. Sa gabi pa ang dating ng mga bisita ayon kay Itay at bilin niya ay magluto raw si Tita Josie para may maipakain sa mga ito. Nag-iwan pa nga ng pera para ipamalengke. Mag-a-alas dos ng hapon ay bumibiyahe na kami nina Tita Josie papuntang terminal ng bus sa Talisay Norte. Ka-text ko si Thelma na nagsabing hihintayin kami sa babaan ng mga pasahero sa Maynila. Alas tres ay nasa terminal na kami. Hindi gaanong mahaba ang pila. Nakabili na ako ng ticket namin at naghihintay na lang ng pagdating ng bus nang maisip kong puntahan kahit sandali si Tito Monching. Sa tagal ng panahon ng hindi namin pagkikita, alam kong kulang ang oras na ilalaan ko para sa kaniya, pero mas mabuti na iyon kaysa umalis ako nang hindi man lang nagpapaalam. Sigurd