Kabanata 18

2079 Words

GABI na nang makauwi ako sa Ibaan Sur. Nadatnan ko si Itay sa may sala na may mga bisita. Dalawang lalake na ang isa ay may-edad na at pamilyar ang mukha. Naalala ko ngang nakita ko na ito noong nagkaroon ng handaan sa bahay nina Tito Monching para sa pagdating nina Kuya Rick at Ate Faith mula sa honeymoon. "Kilala mo ba siya, Chayong? Siya si Mr. Philip Gardiola, kasosyo ni Jona sa negosyo. Ito naman si Jomar, ang assistant niya." At doon ko na lang naalala ang pangalan ng lalake. Magalang akong tumango at binati siya. "Magandang gabi po sa inyo." Binati ko rin ang kasama nitong assistant. "Magandang gabi rin sa'yo, Chayong," nakangiting balik sa akin ng matanda. "Mukhang pagod na pagod ka. Mas dapat sa'yo, nagpapahinga na lang sa bahay." Hindi ako agad nakasagot. Kung makapagsalita

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD