KABADO ako pagbaba pa lang ng tricycle. Gustong umurong ng mga paa ko nang maalala bigla ang sinabi ni Kuya Russel kagabi sa hapunan. Hindi nagpakita si Kuya Ram sa bahay. Hindi ko siya ma-contact at hindi rin nag-reply sa mga texts ko. Paano nga kung busy pala siya, pero hindi sa paraang iniisip ko?
Sari-sari na ang tumatakbo sa isip ko habang papasok sa palaisdaan. Pero napansin kong wala sa pinagpaparadahan nito ang motorsiklo ni Kuya Ram. Umalis ba siya? Saan siya nagpunta? Hindi kaya umuwi siya sa bahay at nagkasalisihan kami?
Para makasigurado ako ay binilisan ko na ang paglalakad papuntang kubo. Masarap sa pakiramdam ang ganoong panahon dahil saktong pumuputok pa lang ang araw. Pero ang kaba ko, patindi nang patindi habang palapit ako.
Pagdating doon ay tinawag ko na ang aking sadya. "R-Ram..." Kapag dalawa kami ay inaalis ko ang 'kuya'. Gusto ko kasing panindigan sa sarili ko ang meron kami kahit alam kong bawal iyon. Bahala na sa mga susunod na araw basta alam kong masaya ako sa nararamdaman ko.
Masaya ako sa pagtingin na inuukol ko sa kaniya, pero kaakibat din no'n ang takot hindi lang dahil baka hadlangan kami ng mga tao sa paligid namin kundi dahil na rin sa ipinapakita niya. Hindi ko siya maintindihan. Gusto ba niya ako o ano? Nagselos na naman ba siya kay Jayson kaya hindi niya ako kinakausap kahit sa text man lang? Pero nagpaliwanag naman na ako.
Sa pangalawang tawag ko ay wala pa ring sumagot. Tahimik na tahimik nga sa paligid maliban sa mga tunog ng kuliglig, huni ng ibon at agos ng tubig sa ilog. Sumasalit din paminsan-minsan ang tilaok ng manok mula sa kalapit na mga palaisdaan. Bahagyang bukas ang pinto ng kubo, pero pagsilip ko ay wala talagang tao sa loob. Malamang na may binili si Kuya Ram o may inasikaso kaya umalis. Kung sa bahay naman siya pumunta, malalaman niyang wala ako dahil siguradong magtataka si Tito Monching na naroon siya. Malamang na mabuking pa ni Tito na wala naman kaming usapan na ipagluto sila ng almusal. Pero bahala na mamaya kapag nagtanong si Tito. Mamaya ko na poproblemahin 'yon. Importanteng maayos ko muna ang gusot namin ni Kuya Ram.
Para mapangatawanan ang inimbento kong 'usapan', sinimulan ko na agad magluto ng sopas. Inihanda ko ang mga kakailanganin para kung sakaling dumating si Tito Monching ay makita niyang may ginagawa talaga ako sa kubo. O kung si Kuya Ram naman ang bumalik ay mabuting nagluluto na ako para may makakain siya. Pero sana ay makabalik siya nang mas maaga habang wala pang tao sa fish pond. Wala pang alas sais ng umaga. Karaniwan ay mag-aalas ocho dumadating ang mga gumagawa. Sa pagkakaalam ko, magtatambak pa sila ng mga lupa sa dulong pilapil dahil ang ibang parte noon ay mababa na at madali nang apawan ng tubig.
Pasado alas sais ay nakaluto na ako ng sopas. Hindi pa rin nakakabalik si Kuya Ram. Kung nasa bahay siya, tiyak na nagtatanong na si Tito Monching. Pero ayos lang dahil may ginawa naman ako ngayon. At para mas masulit ko ang oras at ang aking pagpunta, naisip ko namang maglinis sa loob ng kubo na dati ko na ring ginagawa.
Umakyat ako sa pinakatulugan at nagsimulang magsamsam ng mga kalat doon. Natigilan ako nang angatin ang sumabit na damit sa labi ng laundry basket. Nagusot ang noo ko kasabay ng kaba. Hindi iyon kay Kuya Ram. Jacket ng babae iyon.
"Anong ginagawa mo rito?"
Nagulat ako nang may magsalita sa likod. Paglingon ko ay naroon si Kuya Ram. Wala siyang kangiti-ngiti. Hindi ko rin matukoy sa mukha niya kung galit siya o ano.
"Bakit ka nagpunta rito? Anong kailangan mo?" salubong na kilay na tanong niya at pumasok sa kubo para kumuha ng tuwalya. Sa tingin ko ay maliligo siya.
"S-saan ka galing?" panimulang tanong ko. Nakakabingi ang lakas ng ugong ng dugo sa likod ng aking tainga. "B-bakit... wala ka pagdating ko?"
Hindi man lang niya ako sinagot. Tiningnan lang niya ako habang hinuhubad niya ang suot na kamiseta. Unti-unti ko namang itinaas ang jacket na hawak ko para makita niya.
"Kanino 'to?"
Tiningnan niya lang ang hawak ko. Hindi siya sumagot. Nanginginig na ako nang muling nagtanong.
"K-kay Cheena ba 'to? Nandito ba siya kahapon? Dito mo ba siya pinatulog? Inihatid mo ba siya kaya ang aga-aga ay umalis ka?" Sunod-sunod na ang mga tanong ko dahil parang tubig na dumadaloy ang mga iyon.
Umiling lang siya at tiningnan ako. Umakyat ang galit ko.
"Sabihin mo kung kay Cheena 'to!" Tumaas na rin ang boses ko at iwinasiwas pa sa harapan niya ang jacket. "Umamin ka na, Ram! Dahil sigurado ako na hindi ka magsusuot ng ganito at lalong hindi ito sa mga trabahador ng fish pond!"
"Oo!" sagot niya, pasigaw rin. "Anong problema mo?"
Nalaglag ang panga ko sa narinig. Pinanginigan ako ng laman. "Anong problema ko?" manghang ulit ko na hindi alam kung maiiling ba o matatawa. O kung iiyak ba o sisigaw, pero sa bandang huli ay hindi ko rin kinaya ang bugso ng emosyon. Itinapon ko ang jacket sa mukha niya mismo. Nakita ko nang magtagis ang mga panga niya pagkatapos malaglag ng jacket sa kaniyang paanan.
"Ikaw ang problema ko, Ram!" Hindi ko na talaga napigilang sumigaw sa galit. Sobrang sakit na ang ginawa niya sa akin noong nakaraan at ngayon ay umulit na naman. Pinaglalaruan lang talaga ako ni Kuya Ram. Ako naman itong walang kadala-dala!
"Hindi... kasi... kita maintindihan..." Nagkaroon ng garalgal sa boses ko. Kusa na ring pumatak ang mga luha na kanina ay napipigil-pigilan ko pa.
"Ano ba talaga 'ko... sa'yo? Hindi ba... gusto mong maging boyfriend kita? Hindi naman ako tumutol, ah! Pero bakit may Cheena ka pa? Ano ba talaga tayong dalawa?"
May ilang sandaling nakatingin lang siya sa akin. Akala ko ay panonoorin lang niya ako, pero maya-maya ay nagbuga siya ng hangin at nagsalita. "H'wag mo'kong daanin sa iyak, Chay. Sa lahat ng ayoko, 'yong dinadramahan ako. Saka bakit mo ba'ko inaaway? Inaway ba kita kahapon no'ng magkita tayo? Pwedeng-pwede kitang hiyain sa harapan ng date mo. Pwedeng-pwede kitang kaladkarin pauwi, pero ano? Hindi ko 'yon ginawa."
"Hindi mo 'yon ginawa dahil hindi mo kailangang gawin," katwiran ko. "Ipinaliwanag ko na sa'yo ang nangyari, hindi ba? Hindi sinasadya ang pagkikita namin ni Jayson! Pauwi na'ko nang madaanan niya!"
Hindi niya pinakinggan ang sinabi ko. Umiling lang siya at nilampasan ako. Sinundan ko naman siya. Palabas na siya ng pinto ng kubo nang hilahin ko siya sa braso at paharapin.
"Ano ba, Ram?! H'wag mo'kong talikuran! Makinig ka naman sa'kin! Bakit ba hindi ka naniniwala?"
"Paano ako maniniwala? Huling-huli ko kayo! Kaya pala ayaw mong magpahatid kahapon dahil may ibang maghahatid-sundo sa'yo. But of course, I understand. Naglalagay ka na ng reserba para kung sakaling mabuking ang tungkol sa'tin, may sasambot pa rin sa'yo. Nanghihinayang ka ba sa manliligaw mo? Hindi mo mabitiwan? Baka nga tama ang tiyahin mo. Naghihintay ka lang ng lalakeng kukuha sa'yo para asawahin. At dahil alam mong tagilid ka sa pinsan, nagpasigurado ka na meron ka pa ring babalikan."
Natigilan ako sa mga sinabi niya. Parang may sariling isip naman ang kamay ko na biglang umangat at lumagapak sa kaniyang pisngi. Agad na nagdilim ang mukha niya pagkatapos ko siyang sampalin.
Dinuro ko siya. "Alam mo? Tama na 'yong hindi ka maniwala sa akin, eh! Pero 'yong maniwala ka sa sinasabi ni Tita Jona, 'yon ang hindi ko matatanggap!" Sinundan ko pa ng pagtulak sa dibdib ni Kuya Ram bago ako dali-daling bumaba ng kubo at nagsuot ng tsinelas. Iniwan ko na ang mga dala-dala ko kanina pati ang sopas na kaluluto. Diretso ang lakad ko palabas.
"Chay!"
Narinig ko ang tawag ni Kuya Ram. Lumingon ako at nakitang humahabol siya. Binilisan ko ang paglakad. Sa pagmamadali, sumala ang isa kong paa sa pilapil at nadulas sa may gilid ng pitak. Akala ko ay papatak na ako sa tubig, subalit isang braso ang humablot sa baywang ko at inilayo agad ako. Sa kabila ng sitwasyon ay rumehistro sa isip ko ang mainit na katawan na nakadikit sa tagiliran ko.
Walang silbi kahit iniligtas niya ako. Galit ako sa sinabi niya kaya itinulak ko si Kuya Ram para makaalis nang tuluyan, pero hindi na niya ako binitiwan. Hinawakan pa niya ako sa pulusuhan ko bago hinatak pabalik.
"Bitiwan mo'ko! Kuya Ram!" Nagkumahog akong makawala, pero animo ako isda na nasima at hindi na nakatakas sa pamingwit niya. Walang-hirap niya akong binuhat pabalik sa kubo. Namalayan ko na lang na nasa pinakaloob na ulit ako. Ni hindi ko maalala kung saan na tumalsik ang aking mga tsinelas.
"Palabasin mo'ko!" Sinubukan ko siyang tabigin, pero hindi man lang ako nakalapit sa pinto. Sa gulat ko ay isinarado pa niya iyon at agad ikinandado. Nanlaki nang bahagya ang mga mata ko. "A-ano ba, Kuya Ram, paraanin mo'ko!"
"So it's Kuya Ram again."
Hindi ko pinansin ang sinabi niya. Tinabig ko ulit siya, pero gaya kanina ay itinulak niya ako pabalik. "Uuwi na'ko! Mamaya lang may mga tao na rito at makikitang nandito tayo pareho sa loob! Padaan!"
Parang wala siyang narinig sa mga sumunod na sandali. Mataas na mataas na ang boses ko, pero tila walang epekto kay Kuya Ram. Tumatakbo ang orasan. Hindi ko na napigilang mataranta. Baka may mga dumating na tao na gagawa sa fish pond. Baka dumating din si Tito Monching at abutan kami.
"K-Kuya Ram..." Nilapitan ko na siya at hinawakan sa braso. Baka sakaling madaan ko siya sa pakiusap at masuyong pananalita. "Buksan mo na ang pinto... Lalabas na'ko... Mamaya na tayo mag-usap ulit... Please naman!"
"You hit me, Chay. No one has done that to me before. Sa tingin mo palalampasin ko ang ginawa mo?"
Natigilan ako. "S-sa tingin mo ba, hindi masakit sa'kin 'yong sinabi mo? Sampal lang 'yon, kumpara sa ibinibintang mong hindi naman totoo!"
Wala siyang sagot. Sinipa niya sa isang gilid ang tuwalyang nalaglag marahil kanina. Nakasunod ang mga mata ko roon, nag-iisip ng pwede ko pang sabihin para palabasin na niya ako.
"T-tigilan na natin 'to. Walang pupuntahan ang usapan dahil sarado ang isip mo. 'Yong nararamdaman mo lang ang importante sa'yo, pero ni hindi mo naisip 'yong nararamdaman ko. Nagpatulog ka rito ng babae. Naniniwala ka kay Tita Jona. Bakit ba ako nahulog sa'yo?" Sinundan ko pa ng dismayadong iling ang mga sinabi ko. "Pagod na'ko. Tama na..." Tinabig ko ulit siya para makadaan, subalit isang singhap ang agad na tumakas sa bibig ko nang haklitin niya ako sa baywang.
"You can't just say stop, Chay, because I'm not done yet." At bago ko pa man maiproseso ang sinabi niya ay bumaba ang mukha ni Kuya Ram at isang marubdob na halik na ang sumalubong sa bibig ko.
Ilang sandali pa ang lumipas bago ako nakapag-react. Tumulak at pumiglas ako. Walang nangyari. Lalo pa nga akong nakulong sa mga braso ni Kuya Ram hanggang sa ni hangin ay hindi na makakaraan sa pagitan naming dalawa.
Nanuot ang init ng katawan niya sa ilalim ng aking balat. At sadyang humihina ako pagdating sa kaniya. Sa mga sumunod na sandali ay wala nang pagpiglas at pagtulak. Sa mga sumunod na sandali ay hindi ko na makapa sa isip ko ang pagtutol bagkus ay tumutugon na rin ako sa mapupusok na halik ni Kuya Ram.
Habol ko ang hininga ko nang pakawalan niya saglit. Sinapo niya ang likod ng ulo ko sa muling paglalapat ng mga labi namin. Halos mabali ang leeg ko sa pagtingala dahil matangkad siya. Nakapulupot ang isa niyang braso sa baywang ko habang nakatangan ang dalawa kong kamay sa balikat niya.
Pakiwari ko ay hindi agad matatapos ang aming halikan. Pasisinghapin lang niya ako ng hangin sandali at angkin na naman niya ang mga labi ko. Tumakas ang ungol ko nang maglumikot ang dila ni Kuya Ram sa loob ng aking bibig. Hanggang sa maramdaman ko ang kamay niya sa ilalim ng suot kong palda. Tarantang bumitiw ako sa mga labi niya.
"H-h'wag na 'yan-" Naiwan sa lalamunan ko ang pagtutol nang halikan niya muli. At imbes na alisin niya ang kamay, pumasok iyon sa loob mismo ng panty ko at sinapo ang aking kaselanan. Napaatras ako, subalit naroon agad ang isa pang palad ni Kuya Ram na pinipigilan ang paggalaw ng aking balakang.
"Basa ka na, Chay. Hmm? Ramdam mo ba?"
Nangilabot ako sa sobrang lambing ng boses niya habang masuyong hinihimas ng palad ang aking pagkabab*e. Napayuko ako, hindi alam ang isasagot. Hindi ko naman napansin ang pagbabago sa katawan ko habang naghahalikan kami.
"K-Kuya Ram... h-hindi pa'ko handa sa ganito..."
"Ako nang bahala. I'll get you prepared, hmmm... Binubuhay mo nang husto ang dugo ko, Chay. I am dying to be inside of you."
Hindi ako nakaimik sa magkakaibang damdamin. May parte ko ang tutol, pero mas nangingibabaw ang kagustuhan kong pagbigyan siya. May parte ko rin ang sabik na maranasan ang lahat sa kaniya. At ang puso ko, umaasang pagkatapos nito ay maniniwala na si Kuya Ram na wala akong ibang pinag-uukulan ng damdamin ko kundi siya lang.
Tahimik na lang ako sa mga sumunod na sandali. Naging sunud-sunuran ako sa galaw at hiling ni Kuya Ram. Natatandaan ko pa kung paano niya isa-isang hinubad ang mga saplot ko sa katawan bago niya inalis ang pantalon at panloob. Dama ko pa ang takot para sa panibagong karanasan, pero dahil umaapaw sa'kin ang kasabikan, natagpuan ko na lang ang sarili ko na nasa ilalim ng mainit niyang katawan.
"Ibuka mo lang, Chay. Don't move," malambing na utos niya.
Isa munang lunok at kinagat ko nang mariin ang labi ko nang ipasok ni Kuya Ram ang kaniya. Nakita ko kung gaano kalaki iyon kaya hindi katakataka ang agad na pagrehistro sa isip ko ng sakit. Pinatakas ko muna ang isang malakas na daing at muling kinagat ang ibaba kong labi. Expected ko nang masakit iyon sa una gaya ng mga nababasa kong kwento ng pag-ibig, pero hindi ko akalaing ganoon katindi. Sumisirit sa hapdi na para akong mahahati sa gitna. Hindi na talaga ako makakilos sa sakit.
"Thar's it. Good girl... Ang ganda-ganda mo, Chay..." At dinilaan niya ang gilid ng aking leeg.
Napapikit ako sa magkahalong kiliti at hapdi. Hinawakan ni Kuya Ram ang magkabila kong kamay at inipit sa tagiliran ng aking ulo. Isinubo niya ulit ang isang tuktok ng dibdib ko habang pinipisil naman ang kabila. At para akong kinuryente nang laruin niya ng dila ang sensitibong balat ng aking ut*ng.
"K-Kuya Ram!"
"Yes, Chay? I'm here. I'll take care of you, hmm."
At nagsimula nang kumilos sa ibabaw ko si Kuya Ram. Wala na akong nagawa para pahintuin siya. Gusto kong isipin na wala siyang konsensiya dahil alam niyang dumadaing ako sa sakit, pero tuloy pa rin siya sa mabilis na paggalaw. Ramdam ko ang hapdi sa bawat paghugot at pagbaon niya.
Hindi ko na rin inawat ang sarili ko. Isinigaw ko na lang nang isinigaw ang nadaramang hapdi. Hanggang sa maya-maya ay bumagal ang mga galaw ni Kuya Ram at tuluyang nanginig sa aking ibabaw.
"Ahh... f*ckkk... Ah! Ah!" Ang animo nagdedeliryong daing niya bago tuluyang huminto at dumagan sa lupaypay kong katawan.