Kabanata 14

2233 Words
NAGPAHINGA lang kami ng ilang minuto. Hindi pa man humuhupa ang hapdi sa may gitna ko ay sinimulan na ulit akong painan ni Kuya Ram ng malalambing na salita. Bawat lapat ng mga labi niya sa tainga at leeg ko ay agad tumatayo ang mga pinong balahibo sa aking katawan. Nahalina ako sa pangalawang pagkakataon at muling sumuko sa init na dala ni Kuya Ram. Kumpara sa una ay may hapdi pa rin, subalit mas ramdam ko na ang kasarapan ng pagiging isang ganap na babae. "O, bakit ka pabalik?! May nalimutan?!" Nanlaki ang mga mata ko sa narinig. Galing sa malayo ang boses, pero siguradong nasa loob ng palaisdaan ang taong sumigaw. "M-may tao?!" sambit ko, at pagkatapos naming magkatinginan ni Kuya Ram ay pareho kaming napabalikwas ng bangon sa kutson. Pinagpupulot namin ang aming mga damit. Sa ilang segundo ay nagawa kong makapagbihis. Nagpapantalon naman si Kuya Ram nang sumilip siya sa maliit na siwang ng dingding ng kubo. Maya-maya ay tumingin siya sa akin. Kabadong-kabado ako. "Nandiyan na ang mga gagawa..." kalmadong sabi niya kabaligtaran ng panic ko. "H-ha? L-lalabas na'ko!" "H'wag dito sa pinto. Makikita ka agad nila." Dali-dali siyang kumilos para buksan ang bintana sa gawing likod. Tanaw ko agad ang nagbeberdeng tubig ng ilog. "Ako muna ang bababa." At walang hirap na umakyat si Kuya Ram at lumabas mula sa bintana ng kubo. Dahil matangkad, abot pa niya ng tanaw ang loob kaya kita rin niya ako. "Halika, Chay." Inabot niya sa akin ang mga kamay niya para tulungan naman akong makababa. Humawak ako sa kaniya. Hindi madali ang pagtawid sa bintana sa gaya kong kapos sa tangkad. Idagdag pang nagpa-panic ako habang bumababa. Mabuti na lang at nakaalalay si Kuya Ram sa akin hanggang sa mailapat ko na ang mga paa ko sa lupa. Saka ko lang naalala ang mga tsinelas ko. Hindi ko alam kung saan iyon nagtalsik kanina habang biyabit ako ni Kuya Ram papuntang kubo. "Naka-lock pa ang pinto," ani Kuya Ram. "Babalik ako sa loob. Umikot ka na lang maya-maya sa harapan." Tumango-tango ako kahit parang aatakehin na sa puso. Sinapo ni Kuya Ram ang mukha ko at saka ako siniil ng halik. "Relax, Chay. Okay?" Hindi ako nakasagot. Pag-akyat ni Kuya Ram sa bintana ng kubo ay tumakbo naman ako sa may pampang ng ilog. Kapag pala natataranta ay nakakalimutan din ang masasakit. Saka ko na lang kasi naramdaman ang mahapdi sa akin nang nasa may pampang na ako at nagdadawdaw ng paa sa tubig. Pinalipas ko ang mga sandali sa pampang. Maya-maya pa ay nakarinig na ako ng iba't ibang boses. Sumingit din ang kay Tito Monching. "Raphael? Nandiyan ka ba sa loob? Nasa'n si Chayong?" Namilog nang husto ang mga mata ko. Hindi ko akalaing kasama rin nila si Tito Monching. Maagap akong kumilos sa kinaroroonan at tumakbo sa may harapan ng kubo. "Tito! Nandito po ako!" Nahanap naman agad ako ni Tito Monching, bahagyang nakakulubot ang noo niya nang makita ako. "Saan ka galing?" Tiningnan niya ulit akong mabuti. "At bakit ka nakapaa?" Hindi ako nakasagot. Isa naman sa mga trabahador ang lumapit sa akin. "Sa'yo yata ang mga ito, Chayong?" anito at inilapag ang mga tsinelas sa paanan ko. Nang makilala ko ang tsinelas ay agad-agad ko 'yong isinuot habang nagpapaliwanag. "O-opo, akin nga po ito! Iniwan ko kasi roon sa may pilapil kanina." "Bakit mo naman hinuhubad ang tsinelas mo?" tanong ni Tito Monching na mas mahirap lalong sagutin, subalit nakaligtas ulit ako nang bumukas ang pinto ng kubo at lumabas ang tao sa loob. Gano'n pa rin ang hitsura ni Kuya Ram nang bumaba ito. "'Pa... " bati niya kay Tito Monching at tumingin sa iba pang naroon. "Nandito na pala kayo. Sorry, tinanghali ako," aniya at tumingin naman sa akin. "Chay, kasama ka rin pala?" Natulos ako. Nagusot naman nang husto ang noo ni Tito Monching. "O, eh, akala ko ba ay nakisuyo ka sa pinsan mo na ipagluto kayo ng umagahan? Kaya nga maaga rito si Chayong?" Napaawang ang bibig ni Kuya Ram sabay tingin sa akin. Pareho kaming hindi alam ang isasagot. "Nakaluto na si Chayong, Boss!" malakas na sabi ng katiwalang si Manong Berting. Napatingin kami sa may kusina at nakitang hawak nito ang takip ng kaserola. "Mainit pa itong sopas! Mukhang kaluluto lang!" nakangiting dagdag nito kaya nakaligtas kami ni Kuya Ram sa pagpapaliwanag kay Tito Monching. Kalmado na ako nang nagsisikain na ang mga gagawa sa palaisdaan. Anim na silang lahat ngayon bukod pa ang asawa ni Manong Berting. Nakapaikot silang lahat sa mesa. Kasalo rin nila sina Tito Monching at Kuya Ram. "Chay, kumain ka na," alok sa'kin ni Kuya Ram. "Luto mo 'to kaya sumalo ka na rin." "Mamaya na lang," tanggi ko at itinuloy ang ginagawa lababo. Tinatalbusan ko ang mga dahon ng kangkong na kakukuha ko lang para maisahog sa ilulutong pananghalian. Ang balak ko ay ipagluto na ng tanghalian sina Kuya Ram bago ako umuwi. "Tamang-tama pala itong niluto ni Chayong na sopas! Gamot sa hang over." Narinig ko ang sinabi ng isa sa mga trabahador kaya napatingin ako sa mesa. "Request daw 'yan ni Sir Ram kasi alam na marami kang nainom!" biro naman ng isa pa na ikinatawa ng iba. "Bakit, may inuman ba kayo kagabi?" tanong ni Tito Monching. "Oo, Boss! Dito lang din, nagpainom si Sir Ram pagkatapos ng trabaho." Napatango si Tito Monching at tumingin sa anak. "Kaya pala hindi ka na nakadaan sa bahay kagabi? Akala ko naman ay may pinuntahan ka." "Wala, Boss Monching," sabat ng isa na siyang pinakabata sa mga trabahador. "Nandito lang 'yang si Sir Pogi, kasama namin. Anak mo talaga 'yan, Boss! Mahusay ring makisama sa mga tao!" Napangiti nang malaki si Tito Monching sa tinuran ng lalake. "Mabuti naman na nakakasundo n'yo ang panganay ko." "Sir Ram, magpapainom ka ba ulit mamaya? Game kami!" tanong ng kapatid ni Manong Berting. "Pass muna mamayang gabi," sagot ni Kuya Ram at tumingin sa akin. "Doon ako sa bahay matutulog." Natigilan ako nang ilang segundo bago napaiwas ng tingin para itago ang pag-iinit ng aking mukha. Ayaw kong mag-isip ng iba, pero hindi ko mapigilan lalo at may nangyari na sa amin ni Kuya Ram. "Hindi lang naman ang mga anak mo ang mahusay makisama, Sir Monching," sabi ng asawa ni Manong Berting na si Ate Doray. "Pati ang pamangkin mong si Chayong, mabait na bata at masipag pa sa lahat ng gawain." Napalingon na naman ako sa mga nasa mesa. Nahagip tuloy ng mga mata ko ang tingin ni Kuya Ram. "Hindi lang mabait, masarap pang magluto!" dagdag na komento pa ng isa. "Kung hindi nga lang magagalit si Boss Monching, paliligawan ko 'yang si Chayong sa binata ko, eh!" Napatawa si Tito sa birong iyon ng lalake. Nagkatinginan naman kami ni Kuya Ram, bahagyang salubong ang mga kilay niya. "Bakit naman ako magagalit, Tonyo? Basta maayos lang na liligawan ang pamangkin ko. Gusto ko ay sa bahay ko at hindi kung saan-saan." "Paano, Sir, kung isang araw mag-aasawa na si Chayong? Papayagan mo ba?" tanong ni Ate Doray kay Tito. "Bakit ko pipigilan? Pasasaan ba't doon din ang punta ng isang 'yan? Ang sa akin lang, sana ay kilala ko ang lalake at siguradong papamilyahin ang pamangkin ko. Walang problema kahit sino. Basta gusto ni Chayong, eh, 'di, sige!" Naiwan sa akin ang mga sinalita ni Tito Monching. Kaya habang kinakain ko ang namamaga nang macaroni ng aking nilutong sopas ay pinag-iisipan ko rin kung paano ko kakausapin si Tito. Gusto kong malinawan kung totoo ang sinabi ni Itay. At kung totoong ampon ako ni Inay, ibig sabihin ay hindi niya ako totoong pamangkin. Hindi ko rin kadugo ang mga anak niya. "Chayong, may regla ka ba ngayon?" Natigilan ako sa tanong ni Ate Doray. Naiwan ito sa kusina para magsaing. "May dugo ang palda mo. Natagusan ka yata." "P-po?' Binitiwan ko sa mesa ang mangkok na hawak ko at hinanap ang sinasabi ni Ate Doray na dugo. Katatayo ko nga lang sa upuan at dahan-dahan pa ang kilos ko dahil masakit pa ang akin. Sakto namang dumating din si Kuya Ram at napatingin din sa tinitingnan ko. Mabilis kong iniwas ang sarili ko para itago ang dugo sa puwitan ng aking palda. "Anong problema, Chay?" takang-tanong ni Kuya Ram. Hindi ako nakasagot. Hindi ko rin napigilan si Ate Doray nang sabihin nitong may dugo ako sa puwitan ng palda. "Ate..." "O, bakit, Chayong? Nahihiya ka sa pinsan mo? Natural naman sa mga babae ang nireregla." Nagkatinginan ulit kami ni Kuya Ram. Namumula ang mukha ko habang napapataas naman ang mga kilay niya. Alam kong alam niya na hindi menstruation ang dahilan ng dugo sa palda ko. "Magpalit ka na lang ng pang-ibaba, Chayong. May baon ka bang pamalit?" Napatingin ako kay Ate Doray. "W-wala po, eh. Uuwi na lang muna ako." "Sandali, Chay," Pumasok si Kuya Ram sa kubo. Nagpaalam naman si Ate Doray para balikan ang sinaing. Maya-maya ay lumabas na ulit si Kuya Ram. Hawak niya at inaabot sa akin ang jacket na pinag-awayan namin kanina. "Itapis mo 'to para matakpan ang mantsa sa palda mo." Tiningnan ko siya nang makahulugan. "H'wag na. Baka magalit pa ang may-ari," malamig na sabi ko. Maliit na ngumiti si Kuya Ram. "Hindi na 'yan malalaman ng may-ari. At kahit malaman niya, hindi 'yon magagalit." Natahimik ako. Wala na ring oras para iproseso ko sa isip ang mga sinabi ni Kuya Ram dahil siya na mismo ang nagtapis sa baywang ko ng tuwalya. Sa tagpong iyon kami naabutan ni Tito Monching kaya naman dali-dali kong inagaw kay Kuya Ram ang jacket. "A-ako na... " At mabilisan kong itinali ang sleeves ng jacket para hindi iyon malaglag sa akig baywang. "Bakit? Anong nangyari at naka-ganiyan ka, Chayong?" kunot-noong usisa ni Tito. Si Kuya Ram ang sumagot. "Tinagusan, 'Pa. Ihahatid ko muna sa bahay para makapagpalit." Tinapik ni Tito Monching ang anak sa balikat. "Ako na, Raphael, at pauwi na rin naman ako. Isasabay ko na ang pinsan mo." Walang nakatutol ni isa sa amin ni Kuya Ram. Umuwi kami sa bahay ni Tito Monching. Nasa pinto na kami nang tawagin niya ako. "Bakit po, Tito?" Ilang sandaling pinagmasdan niya ako bago siya ngumiti. "Wala, Chayong. Natutuwa lang ako sa nakikita ko sa inyo ng mga anak ko. Masayang masaksihan na pinagmamalasakitan n'yo ang isa't isa. Nakakatuwang makita na malapit ka sa kanila lalo na kay Raphael. H'wag mong ilalayo ang loob mo sa kanilang tatlo." Natigilan ako. Dumagundong sa kaba ang aking dibdib dahil pakiwari ko ay may ibang laman ang sinabi ni Tito. Ang kutob ko, at base na rin sa lagi niyang bilin na h'wag kong ituturing na iba ang sarili ko sa kanila, sa palagay ko ay totoong ampon nga ako at alam din iyon ni Tito Monching. "Tito... may... gusto sana akong itanong sa'yo..." panimula ko. Alam kong masasaktan ako kung makukupirma kong totoong ampon nga ako ni Inay, pero kung malilinawan ang isip ko, magkakaroon din ng kalayaan ang nararamdaman ko para kay Kuya Ram. "Ano 'yon, Chayong?" Lumunok ako. "T-Tito... m-may sinabi kasi sa akin si Itay..." "O, Chayong! Mabuti naman at nakauwi ka na?" Hindi ko naituloy ang sinasabi ko nang sumulpot si Tita Jona. Halata ang inis sa reakisyon niya habang palapit sa amin ni Tito Monching. "Ano't kay aga mong naggala kanina? Ni hindi ka man lang nagpaalam sa akin?" "Nagpaalam sa akin si Chayong. Sinabi ko rin sa'yo kung saan siya nagpunta," depensa sa akin ni Tito. "Oo na!" sarkastikong sagot ni Tita Jona at binalingan ulit ako. "Naibukod ko na pala ang mga plantsahin mo. Naroon sa kama. Ingatan mo at maselan ang mga tela ng iba roon." "Sige po, Tita-" "Oh? Ang ganda ng jacket na 'yan, ah!" puna niya sa nakatali sa baywang ko. "Kanino galing 'yan? Bigay ba ni Lexie? Halatang bago pa at mamahalin." Umiling ako. Kapag mamahaling damit ay sina Ate Lexie at Lovely ang alam niyang mayroon at kapag nakita naman niya sa akin ay sinambot ko lang dahil nga pinagsawaan. "Pinahiram lang ito sa'kin ni Kuya Ram. Magpapalit na po 'ko ng damit para masimulan ko na ang pamamalantsa. Maiwan ko na po kayo." At umalis na rin ako pagkasabi noon. Dumating si Kuya Ram eksaktong naghahain na kami nina Ate Terya. Parang baliw na nagwala agad ang puso ko nang magkatinginan kami. Kahit anong pangit ng trato sa akin ni Tita Jona, kung lagi ko namang kasama si Kuya Ram ay ayos lang. "Kumusta?" pabulong na tanong ni Kuya Ram nang makorner niya ako sa kusina. Nakapwesto na sina Tito Monching sa mesa at pasunod na nga rin ako. "O-okay lang." Tumango si Kuya Ram at tumingin sa may entrada ng kusina. Lumayo naman ako dahil baka biglang pumasok sina Ate Terya at maabutan kaming halos magkadikit na. Lumapit ulit si Kuya Ram sa akin at muling bumulong. "H'wag kang matutulog agad mamaya. Hintayin mo'ko sa kwarto mo. Ako ang pupunta sa'yo." Nilingon ko siya. Para akong kakapusin ng hangin hindi lang dahil sobrang lapit niya kundi dahil sa binabalak niya. "B-baka...d-delikado..." "Akong bahala." Tumingin ulit siya sa may entrada. Dumako ang kamay niya sa aking baywang at pagbaling sa akin ay siniil niya ako ng halik. "Kumain kang mabuti. You have to regain energy for tonight." At isa pa ulit mariing halik at pisil sa baywang ko ang iniwan niya bago siya lumabas ng kusina.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD