One year later... MULA sa mga labahin ay dali-dali akong tumayo at naghugas ng mga kamay. Nagpunas ako gamit ang laylayan ng suot kong daster at pagkatapos ay patakbo na akong pumasok ng bahay. Naabutan ko pang nagagalit si Itay habang tinatawag ako. “Ano bang bagal mong kumilos, Chayong? Kanina pa umiiyak ‘yang bata, ah! Hindi mo ba naririnig?” “Opo, nandito na po.” Dumiretso agad ako kay Tita Josie. Buhat at isinasayaw-sayaw na niya si Migo, pero sige pa rin sa pag-iyak ang tatlong buwang gulang na anak ko. Kinuha ko sa kaniya si Migo. “Inuuna mo pa kasi ang paglalaba, alam mo nang hindi pa tulog ‘yang anak mo!” sermon pa rin sa akin ni Itay. Hindi ko na lang siya pinansin. Inabot sa akin ni Tita Josie ang bote ng katitimpla lang na gatas at maingat kong isinubo sa maliit na bibig