Daphe's Point Of View*
Gusto ko ng matulog. Hinang hina ako dahil sa aircon na nandito sa Meeting room. Parang ang ginaw ng hangin ay lumulusot pa din sa damit ko. Mas lumala atah ang init ko sa pangyayaring ito.
Di ko naman matawag ang Supervisor ko dahil nasa harapan siya nag didiscuss sa gawa ko kagabi. At One hour and half na kami dito at ako naman ay nakapikit na at sumandal na ako sa upuan at ramdam ko na ngayon ang nginig sa boung katawan ko.
Gusto ko ng matulog pero di pwede baka mahuli nila ako ngayon at nandito pa ang CEO namin!
"And that's all thank you."
Pumalakpak naman ang lahat at mukhang magandang sign na iyon para sa gawa ko boung gabi at isang linggong pagpaplano. Pero ang importante ay mukhang kailangan ko ng makaalis dito.
Hahanap muna ako ng tyempo sa bagay na yun kung paano ako makakalabas lalo na at nandito pa ang isa sa gilid ko.
"Hindi ko alam ganito pala ka talentado ang mga Empleyado ninyo dito, Mr. Sy."
"Salamat sa papuri mo, Mr. Maxillian."
Ngumiti naman ang Supervisor namin.
"Salamat po, boung gabi ko pong ginawa ang presentation ko ngayon. Pinaghandaan ko po ito na walang tulong kahit sino."
Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya. Ako ang nag hirap ng presentation na yan at plinanuhan ko yan boung Linggo tapos ganyan lang? Pinagpuyatan ko pa yan sa pag gawa at pag review kagabi tapos siya lang ang kukuha sa credits?
Gusto kong mag react pero hinang hina ako ngayon. Once mapasa kasi nila ang presentation ngayon ay madadagdagan ang position mo ngayon at kailangan ko iyon dahil dumadami na din ang gastusin namin sa bahay.
Gusto kong umayos ng upo at kinuha ko ang mask ko at inilagay ko sa bibig ko para matakpan ang mukha ko.
Napahawak ako sa mesa at dahan dahan akong umupo at natigilan ako nung bumukas ang ilaw at napatingin ako sa hawak ko at nanlaki ang mga mata ko dahil kamay yung nahawakan ko.
Napalunok ako at dahan dahan na tumingin sa nag mamay ari ng kamay na yun at nanlaki ang mga mata ko dahil nagtagpo ang mga mata namin ni Max.
"I'm sorry, Sir."
Agad kong binawi ang kamay ko at napayuko and thank God may pagka paos ang boses ko.
"Mukhang nilalagnat atah ang Empleyado ninyo, Mr. Sy."
Napatingin ang lahat sa akin at mas lalo akong napayuko. Damn, bakit sa ganitong sitwasyon pa ako nalagay ang gusto ko lang naman ay masabi sa kanila ang katotohanan na ako ang gumawa ng presentation.
I need this promotion!
"Ipapadala ko po muna siya sa Clinic, Sir."
Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi ng Supervisor ko. Sinamaan ako ng tingin ng Supervisor ko at hinawakan niya ang kamay ko pero di ako nagpahila sa kanila.
"Sir Sy, may sasabihin po ako sa inyo."
"What is it?"
"That presentation... ako po ang gumawa ng bagay na yan."
Napataas naman ang kilay nung CEO namin habang nakatingin sa akin.
"Paano naman magagawa ng isang Intern na kagaya mo ang ideya na ganun?"
Nagawa ko yun dahil simula bata pa ako ay pinag aralan ko na ang bagay na yun tungkol sa business kaya alam ko ang lahat ng iyon.
Napayuko ako dahil walang maniniwala sa akin dahil isa lamang akong Intern.
"Mr. Sy, so sinasabi mo na once isang Intern ay wala ng alam sa ganito?"
Napatingin ang lahat kay Max na walang emotion na nakatingin sa CEO namin.
"Ehem, lahat ng intern ni Mr. Grey sa kompanya niya ay pinagagawa niya ng ganito para tuluyan na maging regular employee ang mga ito sa Kompanya niya kaya alam niya na may kakayahan ito kahit intern ito," ani ng Kanang kamay ni Max na si Floyd.
Wala pa ding pinagbago si Floyd ganun pa din siya.
"Ako po talaga ang gumawa ng presentation na ito," agad na ani ng Supervisor ko sa kanila.
Napahawak ako sa ulo ko dahil sa lagnat ko.
"Hmm, okay, ilagay niyo ang mga example ng mga juice at wag niyong ilagay kung ano ang mga pangalan ng juice na iinumin nila. Dito malalaman kung sino ang gumawa ng research sa bagay na yan."
Nanlaki ang mga mata ko dahil ang ideya na yun ay alam na alam na iyon ng supervisor ko dahil matagal na siya dito sa Kompanyang ito!
Nanghina ako dahil sa sinabi ni Max. Napatingin ako sa Supervisor ko na nakangiti siya at nung inilagay na ang mga juice ay umuna na siya sa pagtayo at isa isa niya itong tinikman at inilagay niya sa papel kung ano ang mga tinikman niya at binigay niya kay Max ang papel na iyon at ako naman ang sumunod at tiningnan ko ang kulay ng mga juice at agad kong inilagay ang mga pangalan nila at isa isa ko iyong tinikman para makomperma ko kung yun ba iyon at napakunot ang noo ko dahil may iba na iba ang kulay at iba ang lasa.
Mukhang iniba nito ang kulay at binigay ko kay Max ang papel at napaupo ulit ako at napatingin ako sa CEO namin at napakunot ang noo ko nung makita na parang may sinasabi siya sa Supervisor ko.
'Ako ang bahala sayo at alam ko na mananalo ka.'
Napakunot ang noo ko nung may kindat pa siyang ginawa. Tama nga ako sa simula pa lang na may relasyon na sila ng CEO kahit na may Asawa na ang CEO ay hinaharot pala ng Supervisor ko.
"Ang totoong gumawa ng presentation na ito ay si..."
Napatingin ako kay Max na iaanunsyo na niya ang resulta.
"Supervisor, mukhang di mo tiningnan ng maayos ang ininom mo."
Natigilan ang Supervisor namin.
"For example sa nireport mo kanina may sinabi kang kulay at lasa pero sa sinulat mo ay iba ang sinulat mo. Hindi kagaya kay Miss Intern na tiningnan niya ang kulay at lasa at kagaya ng inilagay sa presentation ay inindicate doon ang kulay at lasa nito at same ito na nasa ppt."
Nanlaki ang mga mata ng Supervisor ko sa sinabi nito.
"Pero tama po ang lahat ng answers ko diba, Sir?"
"Actually sa mga sagot mo kanina ay maski isa ay walang tama."
Nanlaki ang mga mata nito dahil sa sinabi ni Max.
"Lahat ng inilagay diyan ay puro mga bagong flavor ng new product ninyo ngayon. So hindi mo nireview o tiningnan man lang ang tungkol sa new product ninyo?"
Napayuko naman ito sa sinabi nito at ako naman ay nagulat habang nakatingin kay Max. Nung niresearch ko ay bagong produkto nga yun at tinanong ko pa yung gumawa ng flavors na yun.
"Okay, that's all for today."
Napatayo si Max at tumayo din ako at pumunta ako sa laptop at tinanggal ko ang cord nito sa likod at nakita ko sa wallpaper ko ang litrato ng Anak ko at ngumiti ako.
"Daphne..."
Mahinang ani ng Supervisor ko at nakikita ko na galit na galit siya sa akin.
"Ah about sa offer ninyo sa akin. I'm sorry di ko matatanggap dahil nakikita ko na nag company na ito ay di makakatagal."
Nagulat sila sa sinabi ni Max at napatingin ako sa CEO na nagulat sa sinabi ni Max. Si Max lang ang magiging daan para bumangon ang kompanyang ito sa baon sa utang.
At lumabas na si Max at kami na lang ang naiwan dito.
"This is all your fault!"
Akmang sasampalin ako ng Supervisor ko pero agad akong napa ilag. Pwede nila akong bullihin at utos utusan pero wala silang karapatan na saktan ako.
"Wala akong kasalanan at wala akong ginawang masama, Ma'am."
"Sasagot ka pa ha!"
Akmang sasabunutan niya ako pero umiwas na naman ako.
"You b*tch!"
Napatingin ako sa CEO namin na masamang nakatingin sa akin at nanlaki ang mga mata ko nung lumapit sa akin at sasampalin sana niya ako pero agad akong tumakbo papunta sa isang side ng meeting room at lumala pa itong sakit sa ulo ko.
Napahawak ako sa ulo ko.
"From this day you are now fired!"
Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi ng CEO namin at nakita ko na nakayakap ito sa braso ng CEO.
Mas mabuti na yung ganito. Kagaya ng sinabi ni Max na malapit ng bumagsak ang kompanyang ito.
Napasmirk ako at tumingin ako sa kanila at ginamit ko ang lahat ng lakas ko habang yakap yakap ko ang laptop ko.
Hanggang makalabas na ako ng meeting room at pumunta ako sa table ko at napaupo ako doon dahil umiikot na naman ang ulo ko.
"Anong nangyari, Daphne?"
"Okay naman ang presentation na ginawa ko pero ngayon tanggal na ako sa Kompanyang ito."
Nagulat naman sila sa sinabi ko. Lumapit naman yung isang empleyado.
"Nasaan na yung pinagawa ko sa iyo? Kailangan ko yan ngayon."
Ngumiti ako at binigay sa kanya.
"Wala na akong responsibilidad sa bagay na yan dahil aalis na ako dito at kunin niyo na din ang ibang papel ninyo dito dahil aalis na ako sa kompanyang ito."
Kinuha ko ang iilang gamit ko doon at inilagay ko sa box at mabuti iilan lang ang gamit ko at napapikit ako nung nasa elevator ako at lumabas ako at nakita ko na umuulan ng malakas.
Sabi ng Anak ko na wag malungkot dahil magagalit siya pag malaman niya na may bubully sa akin dapat always smile lang ako.
Napatingin ako sa labas at ang lakas ng ulan. Nasa malayo ang sasakyan ko. Paano ko matatakbo ang sasakyan ko?
No choice ako kaya tinakbo ko na mas lalo atah ang lagnat ko nito. At nagulat ako nung biglang umitim ang paningin ko at isang iglap ay matutumba ako at biglang may sumalo sa akin.
Dahan dahan kong tiningnan ang taong sumalo sa akin. Ang taong matagal ko ng hindi nakita ang sumalo sa akin ngayon.
"Max..." mahinang ani ko.
Ang taong kinasusuklaman ko ng Anim na taon.
"Daphne, wake up!"
Huling rinig ko bago ako nawalan ng malay sa bisig niya.
**********
LMCD22