Chapter 1- Meeting Again

1541 Words
Daphne Point Of View* Nagmamadali akong pumunta sa Kompanya na pinagtatrabahuan ko dahil malelate na ako. Jusko baka maging dragon na naman ang Supervisor ko ngayon. Maaga kasi ang meeting kailangan mareview na niya iyon bago mag 9am. Mabuti mabilis ko yung natapos kagabi. Nakakainis kasi may slight fever ako ngayon dahil nag over time ako sa pag gawa ng ppt kagabi at ngayon kailangan ng Supervisor ko. Nakalimutan ko kasing maligo dahil sa pagmamadali na makagawa ng ppt. Agad kong hinanap ang ID ko sa bag ko at agad kong inilagay ang ID ko sa scanner at nanlaki ang mga mata ko dahil hindi ito ang ID ko sa Kompanya. Napahawak ako sa ulo ko dahil bigla sumakit ang ulo ko ngayon. Pumunta ako sa gilid ng Entrance dahil maraming nakalinya sa gilid ko dahil malelate na din sila at hinanap ang ID ko sa loob ng bag ko at wala talaga doon ang ID ko! Ang malas ko talaga! Sa pagmamadali ko siguro sa paghatid ko sa Anak ko na si Dapheus sa School kanina. Baka naiwan ko iyon sa sala. Inarranged ko na yun kagabi para di ko makalimutan at ngayong araw. Na handa ko na ang lahat pero ang ID ay di ko nadala! I think kailangan kong uwiin ang ID ko. Tiningnan ko ang orasan ko at Five Minutes na lang bago mag 8am. "Daphne!" Napatingin ako sa tumawag sa akin at nakita ko si Terrence na nakasakay sa motor niya. "Terrence?" "Dala ko ang ID mo. Makakalimutin ka talaga kahit kailan." Nanlaki ang mga mata ko nung pinakita niya ang ID ko at agad akong napatalon dahil sa saya dahil nadala niya ang ID ko at agad ko siyang pinuntahan hanggang sa malapitan ko na siya. "Mabuti niloob ko ang bahay niyo and as usual walang kayamanan at iyan ID lang ang nakita ko sa mesa ng Sala niyo. Be thankful sa gwapong magnanakaw na kagaya ko." Natawa ako sa sinabi niya. Ganun talaga siya araw araw ay tinitingnan niya ang bahay ko kung nasusunog na ba o ano. Chinicheck niya bago siya aalis. Eh sa bahay niya kami nakatira ng anak ko at normal lang na tingnan niya ang loob. "Waaa, thank God! Maraming salamat, Terrence. Don't worry babawi ako sayo mamayang hapon pag uwi ko. Kain tayo ng fish ball sa labas, okay? Bye, bye!" Natawa na lang siya at kumaway na sa akin at agad akong nakapasok sa loob ng Kompanya at mabilis kong tinakbo iyon hanggang makaabot na ako sa epevator at agad akong pumasok sa loob. Hinihingal ako dahil ang bilis ng takbo ko papunta lang dito sa elevator. Syet! 2 minutes na lang! Agad akong lumabas nung bumukas ang pintuan hanggang makarating ako sa attendance scanner. At agad kong inilagay ang fingerprint ko at pumasok agad iyon bago mag 8am. Napabuntong hininga na lang ako at napasandal sa dingding dahil nahihilo na naman ako. May slight fever kasi ako. Pero walang lagnat lagnat kung kapakanan ng Baby ko ang nakasalalay. Nasa mesa na ako at hinanda ko na ang kagamitan ko nang biglang may tumawag na naman sa akin. "Daphne, ito pa print mo ang lahat ng ito tapos itong mga folder naman na ito ay paperma mo doon." "Ah okay." Umalis na ito at lumapit din ang isa at binagsak nito ang napakaraming papeles na kinalaki ng mga mata ko. "Ano ito?" "Papel? Mamaya kailangan ko yan mamaya mga 3pm. Review all the documents and explain mo sa akin mamaya." "Uhmm..." "No buts." Napakagat ako sa labi ko. Hindi ako pwede hindi sumunod sa kagustuhan nila dahil kakapasok ko pa lang dito sa kompanya nila at sanay naman ako sa ganitong trabaho. I need this job lalo na at may anak ako. Ang lahat ng ginagawa ko ay para sa kanya lamang. Para sa future niya at sa pangangailangan namin sa araw araw. "Daphne, nasaan na yung pinagawa ko sayo na ppt?" Napatingin ako sa nagsalita at nakita ko ang supervisor ko. "Ah, tapos na po." Binigay ko sa kanya ang laptop ko kasi doon ko inilagay ang ppt. "Dapat mamaya ha nandoon ka sa meeting. Importante ang mga businessman na aattend sa meeting mamaya kaya pati ikaw ay maghanda ka." "Opo." "Wag na wag mo akong ipapahiya doon dahil kapakanan ng Company natin ang nakasalalay. Ayoko ding ma disappointed ang CEO natin. Intendes?" "Yes, Ma'am." At umalis na siya at ako ay nakatulalang nakatingin sa mga papel. Kinuha ko ang gamot na nasa bag ko at ininom ko iyon para mawala wala din itong lagnat ko kahit saglit. Kinuha ko ang ibang papel at agad pumunta sa Photocopy machine at isa isa ko iyong pina photocopy at napatingin ako sa labas ng department namin at sakto nanlaki ang mga mata ko nang makita ang isang pamilyar na mukha at biglang bumilis ang t***k ng puso ko nang makita siya. Kasama niya ang mga Bodyguards sa paligid niya at kasama din niya ang Secretary niya. What the hell ano ang ginagawa niya dito! Dammit! Sa lahat ng tao ay bakit siya pa! Biglang napatingin siya dito sa department ko na kinatago ko sa photocopy machine at napahawak ako sa puso ko. "Anong ginagawa niya dito?" mahinang ani ko sa sarili ko. Sana di niya ako nakita! Bakit nandito ang Ama ni Dapheus! Alam ko na CEO na siya ngayon at isa rin sa pinaka malakas na Mafia Boss sa boung mundo... pero bakit siya nandito sa Kompanyang pinagtatrabahuan ko! Wag kang praning kasi business lang ang pinunta niya dito at hindi ikaw, Daphne. Wala siyang alam tungkol kay Dapheus... Hindi niya alam na may anak siya. Kalma lang Daphne kasi ginamit ka lang niya at niloko ka niya. Napakagat ako sa labi ko. Wag kang iiyak dahil hindi dapat iniiyakan ang mga katulad niyang manloloko! Malakas ka na ngayon dahil Ina ka na. Para ito sa anak ko ang lahat ng dugo at pawis na ginagawa ko araw araw. Di ako magpapa apekto sa taong nanloko sa akin. Di siya deserve sa luha ko. Dahan dahan akong tumayo nang makita ko na tapos ng ma photocopy ang mga papers ay agad akong dumiretso sa mesa ko at nakatulala akong inilapag ang papel doon sa mesa at umupo ako. Napabuntong hininga na lang ako at ginawa ko na lang ang mga ibang papeles hanggang sa matapos ko ng reviewin ang iba pero marami pang naiwan at nakakainis din itong ulo ko para kasing umiikot. Napahawak ako sa ulo ko. Kakainom ko pa lang ng gamot ko kanina ha. "Daphne, ano pang ginagawa mo diyan? Magsisimula na ang meeting." "Ah okay po." Tumayo na ako at muntik na akong matumba at mabuti nakahawak ako sa upuan ko. "Hey, ayos ka lang, Daphne? Tanong nung katabi ko sa upuan. "Ayos lang ako. Maliit na bagay lang ito oh." "Ang pula pula ng mukha mo ngayon." "Ayos lang ako. Malakas ako." Ngumiti ako sa kanya. "Oh, ano chismisan lang kayo diyan? Tayo na baka tayo pa ang hinintay nila doon." "Susunod na po." Nakarating kami sa Meeting room at agad kong nakita ang mukha ng Baby Dapheus ko sa malaking tv ng meeting room. Oo nga pala gamit nila ang laptop ko. Ang cute talaga ng Baby Dapheus ko. Kahit 6 years old na siya ay Baby ko pa din siya. Kaya lang nagmana ng ugali sa Ama niya. Ang lamig at emotionless ang Baby ko pero Baby ko pa din siya dahil kahit ganun siya ay sweet na sweet siya sa akin at parati niyang inintindi ang sitwasyon na di ako mahirapan. "Okay, they are here, you may take your sits," ani ng CEO namin at umupo naman ako. Mabuti madilim dito at di nila nakikita na namumula na ako sa init. Ang pinaka malala pa at nag aircon sila at ang lamig! Hindi pa ako nakadala ng jacket! Mukhang sisiponin pa ako nito dahil sa lamig. "Okay, we will like to introduce to all of you our new partner in our business." Biglang tumayo ang taong nasa gilid ko. Madilim ang paligid at di na ako nag aksaya ng oras na tumingin sa sinabi ni CEO. "Let's welcome, Mr. Maxillian Austin Grey." Natigilan ako sa kinauupuan ko at ang bilis ng puso ko ngayon na parang lalabas. Napatingin ako sa malaking tv kung nasaan ang litrato ni Dapheus. Waaa literal Photocopy niya ang mukha ng Anak namin! Dahan dahan akong tumingin sa kanya at nakatingin siya sa tv na parang may malaking katanungan sa ulo niya ang tungkol sa litrato na nasa tv. Di ko na narinig ang mga palakpakan ng mga tao sa paligid dahil mas malakas pa ang kabog ng puso ko na parang lalabas. Nabibingi na ako ngayon na parang di ko na alam kung ano ang gagawin ko. Dammit! Tumingin ako sa Supervisor ko na hinahanap ang ppt sa laptop mo hanggang ma open na niya. Tiningnan ko siya at umupo na siya. Kailangan kong lumabas sa meeting room na ito! Mas lalo akong lalagnatin sa position ko dito jusko! Somebody help me! Nasa tabi ko pa ang Walang hiyang lalaking ito! Wag ka lang titingin sa akin dahil masusuntok ko yang gwapong mukha mo! Nasa gilid ko lang siya sinong hindi aatakehin? Jusko! ***** LMCD22
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD