Daphe's Point Of View*
Dahan dahan akong nagmulat at agad kong nakita ang kisame na kulay puti. Nasa langit na ba ako?
Napapikit ako dahil parang umiikot na naman ang paningin ko na kinahawak ko sa ulo ko pero nagulat ako nang may dextrose na nakatusok sa likod kamay ko.
Agad akong napatingin sa gilid ko at nakita ko ang mesa na may mga bulaklak sa gilid at walang tao maski isa dito sa malaking kwartong ito. Napatingin ako sa orasan at 2am na ng madaling araw. Napatingin ako sa bintana at madilim na ang paligid.
Dahan dahan akong bumangon nang may narealize akong isang bagay.
"Sh*t! Ang anak ko."
Agad kong hinanap ang cellphone ko. Ilang araw na ba ako dito sa Hospital!
Nakita ko ang cellphone ko sa gilid at agad ko iyong kinuha at tiningnan ko ang date at nanlaki ang mga mata ko at nanghihina na nakatingin sa anak ko sa wallpaper.
Agad kong tinawagan si Terrence baka nasa kanya ang Anak ko. Makakalimutan niya ako pero di niya kailanman makakalimutan ang Anak ko.
Diba? Ganyan siya bilang Ninong ni Dapheus.
"Hello, Daphne, ayos ka lang ba? Bakit ngayon ka lang tumawag? Nag aalala kami sayo dito oh."
"I'm sorry, dalawang araw na pala ako dito sa Hospital."
"What!"
Agad kong napalayo ang cellphone ko dahil sumigaw siya.
"Grabe nabingi ako sayong lalaki ka!"
"Ah sorry naman. Pero the hell! Nasa Hospital ka? Anong nangyari sayo, Daphne?"
"Nung huling alala ko ay nahimatay ako sa gitna ng kalsada dahil sa sobrang init ko at dinala nila ako dito sa Hospital. Don't worry kasi uuwi ako. Kumusta si Dapheus?"
"Dalawang araw ka ding hinahanap. Galit nga sa akin dahil di daw kita hinanap. Hinanap kaya kita at kahit kanino na kita hinahanap pero wala silang alam."
Nanghina ako dahil naalala ko na nawalan na din ako ng trabaho.
"Rence, nawalan na ako ng trabaho. I explain the details later."
Nakayukong ani ko sa kanya.
"Ehem... don't worry, diba sabi ko sayo pwede nga kayo tumira ng libre sa bahay ko. Ako na nga ang bahala sa inyo."
Napayuko ako. Alam niya na di talaga ako papayag sa ganung bagay dahil ayokong magkaroon ng utang na loob. Di ko aabusuhin ang kabaitan ni Rence sa amin.
"Basta ngayon umuwi ka agad kung maayos na ang pakiramdam mo. Ah about sa billing---"
"Nah, no need na. Kaya ko naman itong bayaran. Salamat na lang. Sige baba ko na ito dahil uuwi na ako."
"Okay, mag iingat ka ha."
"Hmm."
Binaba ko na ang cellphone ko at napatingin ako sa labas. Agad akong tumayo at agad kong kinuha ang damit ko at agad ko iyong sinuot at napahawak ako sa ulo ko nung mahilo ako ng kaunti.
Kahit ayos na ako ay ramdam ko pa din na may lagnat pa ako. Napahawak ako sa higaan at tumingin sa labas. Kailangan kong umuwi at di dapat ako magtagal dito.
Bigla akong naalerto nang maramdaman ko na parang may papalapit sa kwarto ko kaya agad akong pumunta sa bintana at agad ko iyong binuksan ang bintana at napangiti ako nung makita ko na walang steal ang bintana.
Agad kong tiningnan ang baba kung may lalapagan pa ba ako at napangiti ako dahil may puno sa baba at pwede din akong tumungtong sa mga aircon.
Agad akong umakyan sa bintana at biglang bumukas ang pintuan.
"Daphne!"
Napatingin ako sa tumawag at nanlaki ang mga mata ko nang makita ko ang lalaking kinaiinisan ko. Sinamaan ko siya ng tingin bago tumalon.
"Daphne!"
Di ko siya pinansin at mas inuna ko ang daanan ko kung paano ako makababa dito. Tumalon talon ako hanggang makarating ako sa baba at agad akong pumara ng taxi at agad sumakay at nakita ko ang mga Bodyguards nito na hinahanap ako.
Nakahinga ako ng maluwag nung maka success akong makatakas sa kanya. Damn! Di na ako magpapakita sa kanya kailanman!
Di rin niya makikita ang anak namin. Damn him!
Napahawak ako sa puso ko dahil kumirot iyon.
Perfect na sana iyon eh. Pero mali pala ang hinala ko. Ginamit lang niya ako.
Flashback...
May dala akong cake nun at sasabihin ko sa kanya ang tungkol sa Baby namin. Kung di pa ako nagpa check up dahil di maganda ang pakiramdam ko ay di ko malalaman na may Baby na pa lang laman ang tiyan ko.
Nakarating ako sa restaurant ma pagkikitaan sana namin ni Max at agad akong umupo para hintayin siya. Kinuha ko ang cellphone ko at tiningnan kung may message ba. Dahil Anniversary namin ngayon at ngayon ko din sasabihin ang tungkol sa Baby namin.
Napahawak ako sa tiyan ko.
"Excited na akong sabihin sa Daddy mo na nandito ka na sa tiyan ko, Baby."
Pero lumipas ang ilang oras na paghihintay ko sa kanya at tinatawagan ko siya pero di siya sumasagot sa mga tawag ko. Hanggang sa napatayo ako at kinuha ko ang cake baka nasa Condo siya kaya nagmaneho ako papunta sa condo niya.
Habang paakyat ang elevator ay ramdam ko ang bilis ng kaba ng puso ko ng hindi ko alam kung paano pakalmahin.
Bumukas ang pinto at lumakad ako papunta sa room niya at pinindot ko ang password ng condo niya at pumasok ako nang matigil ako nang marinig ko na mayroon siyang kausap.
"Just tell her already!"
"I won't do that!"
Sinilip ko sila at nakita ko na babae ang kausap niya. Sino ang babaeng yan?
"You promise me na ako ang papakasalan mo diba? Naging kayo lang naman dahil ginamit mo lang siya para makapaghiganti ka sa mga magulang niya, Max."
Natigilan ako sa sinabi nung Babae.
"Don't tell me na nainlove ka na sa kanya? You like her, right?" nakataas ang kilay na sabi nung babaeng kausap niya at ako naman ay nanghihina sa sinabi niya.
Gusto kong umiyak sa nangyayari ngayon pero pinipigilan ko iyon. Dahil marami pa akong gustong malaman. Lalo na ang nararamdaman niya----
"I don't like her."
Diretsong ani niya sa Babae na kinatigil ng mundo ko at ang puso ko ay parang tumigil sa pag t***k dahil sa narinig ko.
Nahulog ang dala kong cake dahil nanghihina na din ang pagkahawak ko doon at sunod sunod na ding tumulo ang luha ko.
He only use me para maghiganti sa mga magulang ko? So siya ang dahilan kung bakit nag away away ngayon ang Pamilya ko. Kinampihan ko pa siya? Pinaglaban ko pa siya laban sa pamilya ko. Tinalikuran ko pa ang Pamilya ko para sa kanya pero ano itong nalalaman ko.
Napatingin si Max sa akin at nagulat siya habang nakatingin sa akin.
"Daphne... k-kanina ka pa diyan?"
Lumabas ako sa pinagtataguan ko at tumingin sa mga mata niya. Lumapit siya sa akin pero mabilis na gumalaw ang kamay ko at sinampal siya ng malakas na. Mabuti di ko siya sinuntok sa mukha.
"Magpapaliwanag ako, Daphne."
"Shut up, I don't want to hear your voice. Dammit, alam na alam mo na tinalikuran ko na ang lahat para sayo diba? Tapos ganito lang pala ang gagawin mo sa akin. Ginamit mo ko para makapaghiganti sa mga magulang ko?"
Nakita ko natahimik siya sa sinabi ko.
"Tama ang narinig ko diba, Max?"
Napayuko siya at napailing iling. Tumingin ako sa glass na mesa niya at agad ko iyong sinuntok ng malakas na kinabiak nun na kinagulat niya at namamanhid ang mga kamay ko dahil may dugo na dumadaloy doon at kasabay ng pagbasag ng mesa.
"Daphne, dumudugo ang kamay mo..."
Lumapit siya at hahawakan sana niya ang kamay ko pero iniwas ko iyon.
Kinuha ko ang cake at tinapon sa kanya.
"Happy Anniversary pala sa atin... This is our last Anniversary. Hinding hindi mo na ako makikita kailanman... kung makikita man tayo please treat me as an stranger. Sirang sira na ang buhay ko pero anong magagawa ko? Pinili ko ito. Kaya haharapin kong mag isa at maghihirap akong mag isa!"
Niyakap niya ako sa likod ko.
"N-No, Daphne, don't say that. Don't leave me. Please."
Tinulak ko siya at agad akong lumayo sa kanya at umiling iling.
"I hate you at hinding hindi kita mapapatawad! Never in my life. Tandaan mo ito Max. Pagsisihan mo ang lahat ng ginawa mo sa akin. I hate you!"
"Daphne!"
Agad akong tumalikod sa kanya.
"Wag mo na siyang sundan. Pabayaan mo na lang siya."
Pinigilan siya ng Babae niya at tiningnan ko siya for the last time bago ako umalis doon at pinindot ko ang elevator at bumukas iyon. Pinindot ko ang ground floor at dahan dahan na sumira ang pinto at nakita ko na lumabas si Max at nagmamadali siyang tumakbo papunta sa akin pero huli na dahil nakasirado na ang elevator.
"This is our last.... Mukhang ako na lang ang magmamahal sayo Baby. Hinding hindi niya kailanman malalaman ang tungkol sayo. Never!"
Sabi ko habang nakahawak ako sa tiyan ko.
End Of Flashback...
Nakauwi na ako sa bahay namin at agad akong dumiretso sa kwarto ng anak ko at nakita ko na niyayakap niya ang unan ko at may tuyong luha sa pisngi niya.
Kawawa ang Baby ko.
Tumabi ako sa kanya at niyakap siya at hinalikan ko siya sa noo niya.
Dahan dahan na nagmulat ang mga magagandang mata niya na namana niya sa Ama niya. Oo namana niya ang kulay ng buhok at mga mata nito sa Ama nito.
"M-Mommy!"
"I'm home, Baby."
Agad siyang napaupo at ganun din ako at niyakap niya ako.
"Mommy, I'm really sorry, di na ako magiging cold at magpapababy na ako sayo. Don't leave me, Mommy."
Naawa ako sa Baby ko at agad ko siyang niyakap.
"I won't, Baby. Nagpapagaling lang si Mommy at ngayon okay na ako ha."
"Mommy, mainit ka pa. Higa ka dito."
Humiga naman ako at bumaba siya at kumuha siya ng Bimpo sa kusina at kumuha din siya ng tubig at gamot at pinainom sa akin.
"Mommy, magpagaling ka," ani niya at inilagay niya ang bimpo sa noo ko.
"I will, Baby."
Niyakap ko siya. Alam mo Baby nakita ko ulit ang Daddy mo. Pero di ko hahayaang malaman niya ang katauhan mo. Hinding hindi ko hahayaang mangyari iyon. Magkakamatayan man ay di niya kailanman pwede malaman ang tungkol sa pagkatao mo.
*****
LMCD22