Daphne's Point Of View*
Kinabukasan ay late na akong nagising at napatingin ako sa gilid ko at wala na ang Baby ko. Nasaan na siya?
Napahawak ako sa ulo ko at nakaramdam ako ng kaunting hilo pero mukhang magiging magaling na ako nito. Effective talagang mag alaga ang Baby Dapheus ko. Teka nasaan na ba yung anak ko na yun?
"Dapheus, Baby, nasaan ka na?"
Tiningnan ko ang orasan at 8:30am na pala at natagalan nga ako sa pag gising. Sinong hindi mapapagod eh 3:30 na akong nakarating dito sa madaling araw.
Naalala ko ulit ang mukha ng hinayupak na yun na tumawag sa pangalan ko nung tumalon ako sa bintana.
Kasasabi ko pa lang na kailangan stranger na kami pag magkita kami ulit. Magpakasal siya sa babaeng yun! Bagay naman silang dalawa. Mga walang hiya!
Pero siguro kasal na sila at may Anak na. Alam ko na hyper si Max sa kama kaya alam ko na may dalawa o tatlong anak na yun sa Asawa niya. Aish! Wag na ngang aalahanin ang lalaking iyon. Nakakasira ng araw.
Bumukas ang pinto at nakita ko si Dapheus at kasama niya ang Tito Terrence niya at may dala silang pang almusal.
"Mommy, good Morning."
"Good Morning, my Baby."
Hinalikan ko siya sa noo niya at siya naman ay humalik sa noo ko.
"Good Morning, Daphne, kumusta ang lagay mo?"
Dahan dahan akong bumangon ay agad naman nila akong inanalayan sa pag bangon at pinasandal nila ako sa head board ng bed.
"Ayos na, hindi na same nung isang araw na para na akon---" natigilan ako nang makita ang anak ko sa gilid ko. Nako baka mag aalala na naman siya na marinig niyang di ako okay.
"Na ano, Mommy?"
"Nothing, Baby. Namimiss ka lang ni Mommy. Kaya wala si Mommy dahil nagpapagaling ako sa Hospital at ayokong malagay sayo ang sakit ko kaya di muna ako nagpakita sayo."
Niyakap ko siya at hinalikan ko ang matabang pisngi niya at niyakap naman niya ako.
"Mommy, don't leave me again, okay? Di ko kayang di ka kasama. I'm strong naman oh at di ako mahahawa sa sakit mo. I'll be your Doctor, Mommy."
Nakikita ko na naman na maiiyak na naman siya.
"Don't cry, nandito na ako at wag kang mag aalala. Sasabihin ko sayo or sa Tito Rence mo kung nasaan ako, okay? I'm really sorry kung pinag aalala ko ang Baby ko."
Tumango naman siya.
"Kumain ka na nga baka nilalamig na ang gatas mo at luto namin yan ni Dapheus."
Napangiti ako at inilagay nila ang maliit na mesa sa harapan ko at tiningnan ko ang mga niluluto nila.
"Hmmm, ang bango naman nito. Thank you, Baby and Rence."
Hinalikan ko ang pisngi ng Baby ko at napatingin ako kay Terrence na naka pout.
"Hey, stop that. Baka magseselos ang Girlfriend mong foreigner niyan."
Mas lalo naman siyang napapout. Tama kayo ng narinig na may Girlfriend na itong friend ko at taga Germany ito at 2 years na sila nun.
Di pa nga sila nagkikita sa personal at tanging video call lamang sila o tawagan.
"Gantipalaan mo ulit ako ha."
"Oo naman. Ikaw pa. Pero sana all healthy relationship," natatawang ani ko sa kanya.
"Malamang gwapo ako eh."
Napakunot ang noo ko sa sinabi niya.
"Maaga pa. Kaya close your mouth ka lang kasi umagang umaga pollution agad ang nasasagap ko eh," agad na ani ko sa kanya.
"Mommy is right, Tito Rence. Don't do day dream. It's too early for that."
"Grabe naman kayong mag ina. Pagtulungan niyo talaga ako? Makaalis na nga dito. Hmmp! Kung may kailangan ka ay tawagin mo lang ako at baka makakalimutan mo ngayon ay Sabado ha. Walang klase ang bubwit na yan. Sige uwi muna ako sa kwarto ko kasi mag bed rest muna ako."
Napangiti ako at tumango.
"Salamat, Rence."
"May utang ka pang fishball sa akin."
Natawa ako dahil naalala ko na may pinangako ako sa kanya at yun yung libre ko siya ng fishball.
"Okay, pag maayos na ako. Salamat ulit."
At umalis na siya at inanalayan naman ako sa Baby ko na kumain. Tiningnan ko siya habang kumakain na nakatingin lamang sa akin at wala ng balak kumain. Mukhang busog na siya.
"Baby, tapos ka ng kumain?"
"Yes, Mommy, sabay kami ni Tito Rence kumain kanina and he force me to eat dahil sabi niya baka siya daw pagalitan mo kung di pa ako kakain ng maaga."
"Nah, I won't do that, Baby. Ikaw talaga pero masaya ako dahil hindi ka naging sakit sa ulo ng Tito Rence mo. Alam mo naman na tumatanda na iyon at di na yun bumabata."
"Nah, hindi ako ganyan, Mommy. I'm a good Boy na po. Yun po promise ko sayo."
"Good, good."
Nagpatuloy na ako sa pagkain. Napatingin ako sa kanya. Masaya ako dahil hindi niya hinahanap ang Ama niya. Nung isang beses na hinanap niya ang Daddy niya ay bigla na lang tumulo ang luha ko nang hindi ko nalalaman at nagpapanik siya dahil sa nakita niya sa akin na umiiyak nun.
At nagpromise siya sa akin na kahit kailan ay di na niya itatanong o ibibigkas ang tungkol sa Ama niya.
At mabuti hanggang ngayon ay hawak pa din niya ang promise niya. Nagiging matured na siya habang lumalaki and I'm so proud of him and always naman siya Top 1 sa klase nila. Namana niya iyon sa Ama niya.
Di ko nga alam kung ano ang namana niya sa akin. Oh diba?
Napabuntong hininga na lang ako at inilahad niya ang gatas sa akin at inanalayan niua akong uminom ng tubig.
3rd Person's Point Of View*
Nagpaikot ikot si Max sa loob ng opisina niya dahil sa nangyari kagabi. Pinaplano niya kung paano niya mahanap si Daphne.
Sobrang kaba pa niya nung makita niya si Daphne sa bisig niya na walang malay at kilalang kilala niya ito mula ulo hanggang paa na si Daphne talaga ang nasalo niya sa malakas na ulan nung isang araw.
"Di ko aakalain na nandidito lang pala si Daphne sa lugar na ito. It's really a good idea na nandito ako sa lugar na ito kaya pala di ako mapakali, Floyd."
"Yes, Sir."
"Floyd, find her location. Wag kang titigil hanggang di mo siya mahanap. I need her asap. Gawin mo ang lahat na magkita muli kami at di ko na ulit siya papakawalan pa ulit."
Naalala niya ulit ang masama nitong tingin sa kanya bag ito tumalon sa bintana nung gabing iyon.
Kumirot ang kanyang puso dahil ang babaeng mahal niya ay hanggang ngayon ay galit pa din sa kanya. Napakamao siya at napatingin siya sa ID nito na naiwan niya at napansin niya ang pangalan sa in case of emergency doon at pangalan iyon ng isang lalaki.
"Terrence Miller, huh. Who the hell is that guy."
Tiningnan niya ang harapan at nakita niya ang mukha ni Daphne at di pa din nababago ang magandang mukha nito simula nung Anim na taon na ang nakalipas. Miss na niya ang mga sweetness nito, mga lambing, mga ngiti at iba pang katangina na makikita lamang niya kay Daphne na makaka abnormal sa puso niya na kahit sinong babae ay hindi makakagawa sa bagay na yun.
Kinuha niya ang cellphone niya at dinial niya ang number na nasa likod ng ID nito at itinapat niya sa kanyang tenga ang cellphone niya.
Sa kabilang side naman ay busy si Rence sa pagbe-beauty rest at naka silent pa ang cellphone niya.
Napakunot ang noo ni Max dahil hindi nito sinagot ang tawag. Umupo siya sa upuan niya at sumandal sa upuan niya at naalala niya ang litrato ng bata na nakita niya sa white board nung nasa Kompanya siya ng mga Sy.
Hindi din siya kailanman nagkakamali tungkol sa babaeng nag mamay ari ng laptop na yun. Ang babaeng nilalagnat at nagmamay ari ng laptop at si Daphne ay iisa.
Hindi siya manhid na makita na same ito ng damit nung nag explain ito sa harapan at nung natagpuan na niyang walang malay na si Daphne sa daan.
At ang malaking tanong sa isipan niya ay kung sino ang ang batang nasa laptop nito. Kamukhang kamukha niya pa ang bata at napakamao siya at gusto niyang malaman galing talaga sa magagandang bibig ni Daphne ang tungkol sa pagkatao ng batang iyon.
All these time may anak na pala silang dalawa ng hindi niya nalalaman.
"I'll do anything, bumalik lang ang pagmamahal mo sa akin. You're mine only, Daphne. Mine."
*****
LMCD22