Daphne's Point Of View*
Balik na naman ako sa dati. Yung maghahanap ng trabaho sa mga kompanya. May tinapos naman ako at may maipapakita ako sa mga inaaplayan ko pero pag marinig siguro nila ang nangyari sa huling pinasukan ko ay siguradong di agad nila ako tatanggapin dahil sa akin hindi naging part sa kompanya nila si Max.
Di ko naman kasalanan iyon na kinuha ng Supervisor ko ang lahat ng credits na dapat sa akin.
"Tatawagan ka lang namin pag pasado ka na."
Ganyan na lang parati ang naririnig ko sa kanila. Yung tatawagin lang nila ako pero ilang araw akong naghihintay at wala pa ding tumatawag sa akin. Oh diba.
Lumabas ako ng Kompanya at nanghihina akong tumingin sa kalangitan na kinakain na ng gabi. Tiningnan ko ang orasan ko at alam ko na sinundo na ni Rence ang anak ko sa school sa mga oras na ito.
Tiningnan ko ang cellphone ko at nagtext nga siya sa akin na nasundo na daw niya ang anak ko.
Napabuntong hininga na lang ako at naglakad ako dahil di ko naman dinala ang sasakyan ko dahil ang mahal na ng gasulina ngayon kaya maglalakad na lang ako para makatipid. Kailangan makabawi ako. Kahit mahirap ay kakayanin ko.
Biglang muntik na akong madapa dahil may bato pala. Mabuti agad akong napatayo ng maayo at nakita ko na nasira ang heels ng sandals ko. Napakagat ako sa labi ko nang may biglang luhang lumabas sa mga mata ko.
At umupo ako sa gilid at napatakip ako sa mukha ko at tahimik na umiiyak sa gilid. Kaya ko ang lahat ng ito pero... di ko maiiwasang mapagod din. Siguro ito yung parusa ko sa mga nagawa ko noon.
Deserve kong mag hirap ngayon. Ito ang parusa ko nung sinuway ko ang mga magulang ko at sumama sa Max na yun.
Flashback...
"Pumili ka, Daphne!"
Rinig ng lahat ang sigaw ng Dad ko sa harapan ko. At nakatingin ako sa kanya habang hawak hawak ko ang kamay ng lalaking mahal ko na si Max.
Umiiyak din si Mom sa harapan ko at hinawakan si Dad na parang susugurin na si Max.
Bakit ba ayaw nila kay Max! Di ba nila tanggap ang desisyon ko sa buhay? Mas lalo kong hinawakan ang kamay ni Max at ganun din siya.
"Once again. Pumili ka! Kami ng Mom mo o yang lalaking unti unting sumisira sa Pamilya natin!"
"Pinagsasabi mo, Dad! Hindi sinira ni Max ang Pamilya natin!"
"Wala kang alam kaya ganyan ka, Daphne. Siya ang dahilan kung bakit sir----"
"Ayokong marinig! Kung ayaw mo sa kanya edi wala na akong magagawa sa bagay na yan! Sasama ako kay Max at di na ako babalik sa pamamahay na ito!"
Hinila ko si Max paalis sa mansion namin at umiiyak ako habang naglalakad hanggang makarating kami sa kotse ko.
Umiiyak ako ngayon habang yakap yakap si Max nung gabing iyon at simula nun ay di na ako nagpakita sa mga magulang ko. At dahil sa sobrang pagmamahal ko sa kanya ay gusto kong mag ka anak kahit sinabi ni Max na wag muna.
Kailangan naming magkaanak para tuluyan na siyang di makalayo sa akin at sa akin na talaga siya at gabi at araw naming ginagawa ang bagay na ginagawa ng magkarelasyon at tinigil ko ang pagpipills nun hanggang sa nakaramdam ako ng hilo at di mo maintindihan ang nararamdaman ko at agad akong pumunta sa OB at sobrang saya ko nang malaman ko na buntis ako.
At yun na nga. Masaya kong sasabihin kay Max nang pagpunta ko sa Condo namin ay nasaksihan ko ang bagay na yun.
Ang unti unting pagpatay niya sa akin sa katotohanan. All these time sinasabi na sa akin ng mga magulang ko pero di man lang ako nakinig sa kanila.
Pinunasan ko ang luha ko at napatingin sa pedestrian. Kailangan ko ng makauwi dahil hinihintay na ako ng anak ko sa bahay. Siya lang ang dahilan kung bakit ako malakas ngayon at gagawin ko ang lahat maprotektahan lang siya.
Hinubad ko ang dalawang sandal ko at naglakad sa gitna ng daan.
"Miss!"
"Green pa ang traffic light!"
Nagising ako sa katotohanan nang marinig ko ang mga sigawan nila at napatingin ako sa gilid at nanlaki ang mga mata ko nang makita ko ang sasakyang papalapit sa akin at rinig na rinig ko ang malakas na buseno ng sasakyan at napapikit na lang ako.
At dahan dahan akong nagmulat nang makita ang sasakyan na ilang pagitan na lang ang lapit sa akin at nang hihina akong napaupo sa kalsada.
Agad namang lumabas ang nagmamaneho at lumapit sa akin.
"Ayos ka lang, Miss?"
Dahan dahan akong tumingin sa kanya at nakita ko ang isang lalaki na nag aalalang nakatingin sa akin.
"Wait... Daphne?"
Natigilan ako sa nakita nang makita ko ng malinaw ang mukha niya.
"Xeno...."
At tuluyang nagtumulo ang mga luha ko.
"Daphne, anong nangyayari sayo. Bakit ganito ka na ngayon?"
"Xeno, kailan ka pa dumating?" pag iiba ko ng tanong sa kanya.
Siya si Xeno William, sa katunayan siya ang Bestfriend ko noon pa man. Siya ang kababata ko at may pagtingin din siya sa akin noon pa man at inamin niya iyon nung kami na ni Max at kinabukasan nun ay pumunta na siya sa Australia.
Narinig ko ang malalakas na busina sa likod at mukhang nakacause na ako nito ng traffic ha.
"Kailangan ko ng umalis," ani ko at dahan dahan na tumayo pero nanghihina pa din ang mga paa ko.
Nagulat ako nung bigla niya akong buhatin na kinakapit ko sa kanya.
"T-Teka, Xeno..."
"Hush."
Isinakay niya ako sa sasakyan at agad naman siyang lumibot at nakita ko pa na humingi siya ng tawad sa mga taong na agrabyado ko.
Sumakay na siya at agad na niyang pinatakbo. Nakayuko ako habang nagmamaneho si Xeno.
"Daphne, I miss you."
Natigilan ako at napatingin ako sa kanya.
"Kumusta ka, Xeno. Masaya akong nasa maayos ka na ngayon. Ang yaman yaman mo na."
"Hmm hindi naman sa ganun. Nagsumikap lang akong mas lalong palaguin ang Kompanya ng Dad ko."
"Oo nga... teka saan mo ba ako dadalhin?"
"A friendly Date? But first may pupuntahan muna tayo, okay?"
Dahan dahan naman akong tumango. Mabuti naman at di na siya nagtanong pa. Mas mabuti ma yung ganun.
Nakarating kami sa isang shop at nag park siya sa gilid.
"Just wait a minute, okay?"
"Hmm."
Agad siyang lumabas at agad naglakad papasok sa isang shop at ako naman ay kinuha ko ang cellphone ko at agad kinontact si Rence at tinawagan ko siya.
"Hello, Daphne, gabi na ha. Hinahanap ka ni Dapheus oh. Di tumigil kakatanong kung nasaan ka."
"I'm sorry sa pangungulit ng anak ko sayo ha, Rence. May lakad ako sandali at promise madali lang ito."
"Don't tell me binibenta mo na ang katawan mo?"
"Bibig mo baka mabasag ko yan. Baka marinig ka ng anak ko. For heavens name di ko gagawin ang bagay na yan. Alam ko mahirap ako pero di ko gagawin yan noh!"
"Jowk lang naman oh. Seryoso mo naman."
"Ewan ko sayo. Baka suntukin kita pag uwi mo."
"Wag naman. Sige sige na ako na ang bahala kay Dapheus. Ingat ka sa pag uwi."
"Hmm."
Binaba ko na ang tawag at tamang tama ay lumabas na si Xeno at may dala siyang dalawang paper bags. Para saan kaya yan?
Pumasok siya at bigla niyang inilahad sa akin na kinagulat ko.
"Xeno, ano ito?"
"My Gift."
"Di ko yan matatanggap."
"Nah nah, kailangan mong magbihis dahil pupunta tayo sa magandang Restaurant para kumain kaya magbihis ka at lalabas ako."
"Okay."
Lumabas na siya at agad naman akong lumipat sa likod at nagbihis ako hanggang sa matapos na at lumabas ako ng sasakyan.
"Beautiful."
"Ano ka ba. Ang haggard ko nga eh."
"Di naman. Tayo na."
Pumasok kami ulit sa sasakyan at dumiretso kami sa restaurant na sinasabi niya at inanalayan niya akong bumaba at napakapit ako sa braso niya at lumakad kami papasok at nagpareserve pala siya.
Makikita mo talaga ang mga mayayaman dito sa paligid na kumakain ngayon.
Pero natigilan ako nang may nakita akong lalaki sa unahan at di ako kailanman nagkakamali dahil ang lalaking iyon ay si Max.
At mukhang may ka business meeting siya ngayon at mabuti di niya ako napansin.
"Xeno, doon tayo sa tahimik na lugar. Ayoko ng maraming tao."
Ngumiti naman siya at tumango.
"I already know that kaya doon tayo."
Ngumiti ako at tumango at naglakad na kami at nung sinulyapan ko si Max ay nagulat ako nung nagtagpo ang mga mata namin.
"Dammit..."
*****
LMCD22