MACRESH MARAMI pa kaming napag-usapan doon kasama na ang mga nagbibigay dati sa amin ng mga dessert. "Nawala na nga sila e! Hindi dahil nawala ka na din kung hindi nawala na talaga sila sa trabaho! Hindi namin alam ang nangyari basta bigla na lang silang nawala," usal ni Lara habang inaayos ang mga pinagkainan namin. Hindi naman na ako nagtaka dahil panigurado ay alam ni Sir Jem ang mga iyon at sigurado ako na siya ang nagtanggal sa mga iyon. Kawawa naman sila, nawalan na lang bigla ng trabaho. "Pero sabi ng iba, mga tamad daw rin iyo kaya tinanggal," usal ni Amelia na laging malakas makasagap ng balita at chismis! "Ah! Deserve naman pala! Puro papogi lang ang alam, tamad naman pala! Malaking ekis!" untag ni Lara na gumawa pa ng malaking ekis sa ere na ikinatawa ko lang naman. Matapo