MACRESH "BABYE, Baby Esha! Pasalubungan na lang kita ng maraming pagkain," saad ni Noah. Pumasok pa kasi sila sa office habang si Sir Jem naman ay hindi na at nag-aantay na lang na sunduin siya nitong tatlo. Pinasundo nga lang din niya ako kay Noah kanina para hindi na daw ako bumyahe. Bukod doon ay may dahilan para madelay ang alis ko. “Hey! Wag mong tatawaging baby si Esha sa harap ni boss! Yare ka!” usal ni Kheil na ikinatango ni Zeiah. “Bakit kapatid lang naman ang turing ko kay Esha, kapag kapatid kapatid lang, hindi katulad ng iba diyan, pinipilit ang hindi naman dapat,” saad ni Noah. Nakarinig lang ako ng pagtawa doon sa dalawa habang sinusukbit na din ang bag nila. Ung mga maleta ata nila ay nasa sasakyan na nila. Isa-isa na ulit silang nagpaalam sa akin bago tuluyang umalis