MACRESH "ANAK, tara na! Aalis na tayo," tawag sa akin ni Nanay. "Opo! Eto na," balik na sigaw ko. Inilagay ko lang ang isa kong wallet na may lamang pera bago binitbit iyon. Napatingin naman ako sa pinto nang kusang bumukas ang pinto. "Ako na riyan, te! Baka mapaano ka pa niyan," saad ni Marco na mabilis na lumapit sa akin. Kinuha nito ang bag ko at sabay na kaming naglakad palabas ng kwarto ko. “Ate, mahirap ba ang trabago mo?” tanong bigla nito habang palabas na kami ng bahay. Bahagya naman akong napaisip muna bago siya sinagot. “Hm. hindi naman pero dapat laging alerto dahil mataas na tao ang pinagsisilbihan ko,” saad ko dito. “May times na papagalitan ako dahil may mali akong nagawa at may times na pupuriin ako dahil maganda ang performance ko, pero kahit ano pa man iyon dapat