Chapter 3 - Pressure

1928 Words
MACRESH MARAHAN kong iminulat ang mata ko nang makarinig ako ng kakaunting ingay. Bumungad sa akin ang puting kisame. Pinakiramdaman ko ang sarili ko at ang hirap huminga parang may malaking bara sa dibdib ko pati na sa katawan ko muli akong napapikit; patay na ba ako? Bakit ang bilis? Sila tatay at nanay, hindi pa ako nakakabawi… “Margarita, anak? Gising ka na ba? Gumising ka na, anak… nag-aalala si tatay sa iyo,” Nang marinig ko iyon ay muli kong marahang binuksan ang mata ko. Doon na bumungad si Tatay na puno ng luha ang mukha ngunit agad na pinahid ang mga iyon nang makita ang pagdilat ko. “Rita! Ang anak natin gising na!” malakas na sigaw nito sa pangalan ni Nanay. Mahigpit nitong hinawakan ang kamay ko at pinisil iyon. Hindi naman nagtagal ay dumating si Nanay kasama ang dalawa ko pang kapatid na makikita sa mukha ang puyat at pag-aalala. “Anak! Mabuti naman at bumalik ka na sa amin,” saad ni Nanay na niyakap ang isa sa mga kamay niya sa akin. “‘Nay, tingin ko dapat tayong tumawag ng doctor na titingin kay ate,” saad ng isa kong kapatid na tinanguan nila mama. Mabilis na umalis si Marco para tumawag ng doctor habang sila tatay naman ay nakabantay sa akin at pilit akong pinapadilat. Hindi ko magawang magsalita dahil sa tubo na nasa bibig ko pero gusto kong itanong sa kanila kung ano ang nangyari. Mabilis na dumating ang doctor na titingin sa akin at agad na inalis ang mga aparato na nakakabit sa katawan at bibig ko. Marahan ang mga kilos nila at sa tuwing dadaing ako ay para silang naaaligaga at agad na humihingi ng tawad. Chineck lang ako ng doctor kung ano ang nararadaman ko, kung may masakit ba sa akin. Hindi naman ako nagsinungaling nang ituro ko ang lower part ko na nananakit. “Okay! Babalikan kita after 3 hours para muling macheck ang ibang mga test sa iyo,” saad niya na marahan kong tinanguan. Nang makaalis ang doctor at nasigurong nasa maayos na akong kalagayan ay doon na muling lumapit sa akin sila nanay. “Ano bagang nangyari sa iyo at bakit ka na lang biglang nasagasaan? Sabi ng mga nakakita ay tumilapon ka raw sa itaas tapos ay lumagapak sa kalsada e,” saad ni Nanay na hindi ko alam kung pinapagalitan ba ako o ikinukwento ang mga sinabi ng mga nakakita. Pero hindi ko naman alam kung paano ko ipapaliwanag sa kanila ang nangyari bago ako napunta sa kalsada na iyon. “Tignan mo, ‘te! Pati ung labi mong maganda ay nagkaroon ng sugat pati na ang mukha mo,” saad naman ni Tope sabay turo sa akin. Akmang magsasalita pa lang ako nang biglang nagsalita si tatay. “Mabuti na lang at nakita ka ni Mr. Acosta na nakahiga sa kalsada kaya mabilis ka nilang dinala dito sa ospital! Alam mo ba na sila ang sumagot ng lahat ng gastusin natin dito, mula sa operation mo hanggang sa lumabas ka ay bayad na,” saad ni Tatay na nagpagulat sa akin. “S-Siya po ang s-sumagot?” utal-utal na tanong ko na ikinatango nila tatay. Bakit parang kinabahan ako sa ginawa niya? Bukod doon, nakita niya ako, bakit? Sinundan nila ako? Parang imposibleng gawin iyon ni Mr. Acosta… Sabay sabay kaming napatingin sa pinto nang bumukas ito at iniluwa sa Zeiah, Noah at Kheil. Tumayo sila nanay sa inuupuan nila at mabilis na yumuko sa mga alalay ni Mr. Acosta. “Hi po, pwede ko po ba kayong makausap saglit para po sa kaunting pipirmahan sa ilang documents,” Muli akong napatingin kay Noah nang magsalita ito at kinakausap niya ngayon sila nanay. “Ay sige ho, sino ho ba sa amin ang kailangan?” masiglang tanong ni Tatay. “Ay kayo ho sana ni Nanay, may iba po kasing gagawin sila Marco, kakausapin po sila ni Kheil para po sa scholarship,” nakangiting usal nito na tumingin sa akin. Scholarship? Bakit may ganon? Anong nangyayari? Gusto ko sanang itanong iyon ngunit lumabas na siya kasama sila nanay at tatay, sila Tope naman at Marco ay sinama ni Kheil sa sa labas din. Naiwan na kasama ko si Zeiah na tumingin sa akin bago yunuko at tumalikod at lumabas. Nakahinga ako ng maluwag dahil wala na ito sa paligid. Napatingin ako sa braso ko na may mga sugat at galos. Sinubukan kong itaas ang damit na suot ko at nakita ko ang binti ko ay may iilan na pasa at pati ang hita ko na mukhang napuruan. “Those precious legs shouldn’t have those scars and bruises,” Para naman akong binuhusan ng malamig na tubig nang marinig ko ang nakakatakot at malalim na boses na iyon ni Mr. Acosta. Marahan na umangat ang ulo ko sa kan’ya at halos manlambot ako nang makita ko ang nakakatakot na mata nito. Parang mas nakakatakot na ito ngayon. “If you didn’t run away from me that day, you shouldn’t be here, Ms. Lopez,” saad niya habang nakatitig sa akin. Pawang pagbuka lang ng labi ko ang nagawa ko habang lumalapit ito sa akin. Marahan nitong hinimas ang binti ko akyat sa hita ko na nagbigay ng kakaibang pakiramdam sa akin. Nang makarating ito sa isang pasa ko na malaki sa hita ay pinaikutan niya ito ng mahaba niyang daliri. “The man who almost killed you already serves his punishment on what he did to you,” usal nito at tumingin na sa akin. Punishment? anong ginawa niya sa lalaki? hindi naman niya... "Don't worry, I didn't kill him but he's suffering..." habol niya pa. “Kayo daw po ang sumagot ng hospital bill ko?” matapang na tanong ko sa kan’ya “Yes, baby… I am,” saad nito sabay upo sa tabing upuan ng kama. “And you know that it’s not free, Ms. Lopez,” usal ito sabay silay ng ngising hindi ko alam kung nakakatakot ba o kabaitan ba ang dala. “A-Alam ko h-ho,” saad ko, “magkano ho ang lahat ng binayaran ninyo? Pati na ho ang scholarship na sinasabi nila! Ihinto na ho ninyo,” saad ko dahil hindi ako papayag sa gusto niyang mangyari. Hindi na ako entertainer ngayon! Narinig ko ang sarkastiko nitong tawa bago humarap sa akin na may seyosong mukha. “I didn’t want my money back, Ms. Lopez! You know what I want! And that's you," pahayag niya. "S-Sir… ayoko po, hindi pa ho ba kayo nagsisisi sa nangyari sa akin, dahil ho sa nangyari noong nakaraan kaya ako nasa ganitong kalagayan," mahinang saad ko. "I told you already. If you didn't run away from me, you shouldn't be here. If you just obey my order, you don't have debts on me. I'm not the one who blame this, Ms. Lopez," marahan niyang usal. "And besides, if you really want to pay me– fine! It's 250,000 pesos. And I want it now," seryosong habol niya na tumaas pa ang magandang kilay. Kusang napaawang ang labi ko nang banggitin niya ang halaga ng pagkakautang namin. "G-Ganon kalaki?" tanong ko na halos para sa sarili ko. "Yes, you are here for almost 3 days now, and I heard from your doctor that you can't come out here yet," saad niya at tumayo. "Your money in the bank can't pay me, Ms. Lopez. Your father needs money to get dialysis sessions. It's a win-win choice, if you agree to my offer– you don't have to pay 250,000 pesos and you can still get your salary– increase, and even your brother's scholarship will not be on the cliff. But if you still say no, I want my money– now! And you are also fired. You know what I can do, Ms. Lopez," Hindi ko na nagawang sumagot sa kan'ya dahil sa daming tumatakbo sa isip ko. Why do I end up being here again? I am in depth again and he wanted my body again! Ganito na ba ang mundo? Kung wala kang kakayahan at kayamanan ay hindi ka makakaangal sa lahat ng hilingin nila? "Boss Jem, they're almost done," Agad na napunta ang tingin ko kay Zeiah na pumasok sa pinto. Nalipat agad iyon kay Mr. Acosta nang tumayo ito habang nakatingin sa akin. Lumapit pa ito at yumuko para mapantayan ang mukha ko. Tumatama ang mabango nitog hininga sa labi kong nakaawang. "I really hate seeing your eyes looking at another man…" mahinahon iyon pero mababakasan ng pagkainis at irita. Hindi na nito hinantay ang sasabihin ko nang bigla niyang ilapat ang labi niya sa labi ko at walang pag-iingat akong hinalikan. Ramdam ko pa ang sakit sa labi ko dahil sa sugat at kaunting pasa. Hindi rin naman tumagal ng dalawang minuto at inalis niya iyon. Pinunasan pa nito ang ibabang labi niya gamit ang hinlalaki niya habang nakatingin sa akin. Habang ako naman ay habol ang hinga. Tumayo ito ng maayos habang nakatingin pa din sa akin. "I'll wait you answer today, tell it to Noah," saad niya at mabilis na tumalikod. Hindi man lang nito hinintay kung anong sasabihin ko basta ayon lang ang sinabi niya. Isa-isang nag-unahan ang luha ko nang mawala sila. I don't want to do it! Ayokong maging parausan o kung ano pa man ang tawag niya pero wala– tama siya, kulang ang pera ko sa banko para ibayad sa kan'ya. Kailangan ko ng pera para sa dialysis ni Tatay, sa pag-aaral nila Marco at Tope, hindi pa ako makakahanap agad ng trabaho dahil kailangan ko pang magpagaling sa nangyari sa akin. At alam kong mahihirapan akong makahanap ng trabaho lalo pa at si Mr. Acosta ang kalaban ko. "Ate Cresh, okay ka lang? Bakit ka umiiyak?" Agad na umangat ang ulo ko nang marinig ko ang boses ni Tope. Nakita ko na nag-aalala ang mukha nito. Nasa likod niya sina Marco at Nanay, nasa likod naman nila Mama sila Kheil at Noah na seryoso lang na nakatingin sa akin. Humawak ito sa tenga niya at tumango tango. Para bang meron siyang pinapakinggan doon. Muli itong tumingin sa akin bago mabilis na umiwas. Mabilis naman na lumapit sa akin sila Nanay at agad akong inalo… hinimas ni Tatay ang likod ko. "Anong nangyayari? Bakit ka umiiyak?" tanong muli ni Tatay. Umiling-iling ako na para bang hindi ko alam kung sasabihin ko ba ang sitwasyon ko kaya naman muli akong napasulyap kila Kheil na umiiling sa akin. Sinasabing wag kong sasabihin kila Tatay. Mariin kong naipikit amg mata ko, bago ko iminulat– mabilis akong tumango tango habang nakatingin kay Noah na napabuntong hininga na lang. Alam kong naiintindihan niya ang nais kong iparating. Wala na akong ibang maisip na paraan… kung tatanggi ako, hindi ko alam kung saan kami pupulutin nila tatay. Ang taniman namin ay hindi sigurado kung mabubuhay kami… hindi ko sigurado kung makakapasok pa ba ako ng trabaho… wala na! All the opportunities, alam kong haharangin ni Mr. Acosta! Even my brother's education… "We need to go," saad ni Kheil habang patuloy ako sa pag-iyak. "See you in 3 weeks, Esha," saad naman ni Noah. Hindi ko alam kung alam ba niya ang naging usapan namin ni Mr. Acosta pero paniguradong ibinilin sa kan’ya ang about sa pagkuha ng aking kasagutan. Mabilis akong nagpunas ng luha nang makita ko sila nanay na nag-aalala sa akin. Lahat naman kaya kong gawin para sa kanila basta maging maayos ang lagay ng pamilya ko at hindi matulad sa akin ang mga kapatid ko. -----------------------
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD