Chapter 4 - First Day

2067 Words
MACRESH “E, kumusta ka naman?” tanong ni Lara. Bumisita sila ngayong linggo dahil wala naman kaming pasok kapag sabado at linggo. Ngayon lang sila nakadalawa dahil need raw nilang umuwi sa kanila. "Eto, okay pa naman at buhay," usal ko at huminga ng malalim. Hindi ko alam kung alam ba nila na si Mr. Acosta ang nagbayad ng lahat ng gastusin namin dito o hindi. "Grabe! Nagulat talaga kami nang sabihin sa amin na naaksidente ka!" usal ni Amelia sabay subo kagat ng apple na nasa tabi ng higaan ko. Madami na kasing prutas doon at lahat iyan ay padala ni Mr. Acosta. Hindi ko naman kinakain dahil baka may gayuma. Kung magayuma man si Amelia ay ayos lang iyon at least hindi ko na kailangan maging taga-aliw ni sir dahil meron nang gustong magmahal sa kan'ya. "Sino pala ang magsabi?" tanong ko. "Edi sino pa ba? Edi iyong mga marites sa lobby! Tapos alam mo kinabukasan, wala na siyang trabaho," usal ni Lara na ikinagulat ko. "Bakit?" "Malay, basta nakita na lang namin nito ni Ame na umiiyak na lumalabas ng building," tugon niya sabay kuha ng isang pirasong cupcake na padala din ni Mr. Acosta. Kumagat ito doon at parang nagulat. Nginuya muna niya lahat ng nasa bibig niya. "Ang sarap naman nito! Lasang mamahalin! Sino nagbigay nito?" tanong niya at muling kumagat doon. "Ah! Bigay lang iyan dito sa hospital," usal ko na ikinatango nila. "Sabagay, yayamanin ang hospital na ito kaya paniguradong may mga pabigay sa pasyente. Nasaan pala ang tatay at nanay mo?" tanong nito. "Nasa bahay, sabi ko kasi ay okay lang naman na ako lang mag-isa, next week naman na ay lalabas na raw ako sabi ng doctor," saad ko na ikinatango nila. Yes! Next week ay makakalabas na ako. Dalawang linggo na din ang lumipas. Actually! I feel okay now! I can do anything by myself though there's still a mark of those bruises but it's not painful anymore. Sabi ng doctor sa akin ay iyon ang bilin ni Mr. Acosta sa kan'ya kaya sinusunod niya lang. May mga cream din silang ibinigay sa akin. Pati na mga dermatologist dito ay tinignan na ako kung may nasira ba sa mukha at balat ko. Mabuti na lang at wala kaya hindi na ako need na pumunta sa kan'ya. "Hoy! Maiba ako! Balita ko, ikaw na daw ang bagong sekretarya ni Sir Jem!" usal bigla ni Amelia sa akin. "Ah! Oo, kaya nga ata niya ako pinapabalik-balik noon dahil siguro gusto niyang tignan kung susunod ako," pagsisinungaling ko. "Oh! Pero alam mo! Mabuti na iyon! Sabi kasi nila, malaki raw ang sahod ng mapipiling secretary ni Sir Jem! Maramo raw benefits! Noon pa raw kasi iyan naghahanap ng secretary, mapalad ka kasi napansin ka niya!" saad nito. Tipid naman akong tumango at ngumiti sa kan'ya. Kung alam lang nila na hindi lang pagiging secretary ang gagawin ng mapipili! Baka husgahan na nila ako. Lumipas ang oras at magpasya na silang dalawa na magpaalam kaya naman na iwan na ako doon. Sakto naman ding dumating sila Tope at Marco kaya nagkaroon ako ng kasama. SUOT ang slacks at puting blouse na may bulaklak sa gilid ng laylayan na pinarehan ng isang sandals na may takong ay bumaba lumabas ako sa kwarto ko bitbit ang isang bag kong itim. “‘Nay, aalis na ho ako,” paalam ko kay nanay nang makalabas ako sa likod bahay kung nasaan ang taniman namin. Nandoon sila ni Tatay at namimitas ng mga gulay na ibebenta sa tapat ng bahay namin. Binabalot nila iyon sa plastic ng yelo at ibibenta ng tig-sampu, marami ang mga bumibili dahil mukha at alam nilang fresh ang mga iyon. Iba-iba ang mga gulay dito na inaalagaan nila ni Tatay. May kamatis, siling labuyo, siling pangsigang, talong na bilog, gabe at bawang. May mga patola, ampalaya at kalabasa din sila dito na hindi ko alam kung paano nila napalaki. Pero kaya din kami nagkautang noon dahil hindi kaya ni Tatay na isanla ang lupain na ito dahil ito na lang ang iniwan sa kan’ya ng mga magulang niya kaya naman noong sinabi na ito na lang ang ipambayad namin ay hindi din ako pumayag dahil nga kay Tatay. Tumingin sila sa akin pareho at ngumiti. Agad na lumapit sa akin si Tatay at Nanay. “Kakalabas mo lang ng ospital noong isang araw, sigurado ka bang papasok ka na?” tanong ni Nanay sa akin habang hinuhubad nito ang kan’yang gloves. “Kailangan na po, ‘nay. Masyado na po ang pahinga ko, wala na akong sasahurin pa,” saad ko na may ngiti. Kinuha ko ang pamunas niya sa balikat at tinanggal ang sumbrero niya tapos ay pinunasan ang namumuong pawis niya sa noo. “Maiintindihan naman iyon ng boss mo panigurado pero sige, ikaw naman ang nakakaalam ng katawan mo,” usal ni Tatay na nagtanggal ng sumbrero. Tumango lang naman ako dito at ipinagpatuloy ang pagpunas kay Nanay. Nang matapos kong punasan si Nanay, kinuha nito sa akin ang pamunas at siya ang nagpunas kay Tatay. Napangiti lang naman ako sa nakita ko sa kanilang dalawa. Nakakatuwa lang na kahit mahirap kami ay mahal nila nanay at tatay ang isa’t-isa. Gusto ko din ng ganyan pero hindi ko alam kung darating pa ba iyon o tatanggapin pa kaya ako kapag nalaman na ganito ang trabaho ko. Sinubukan ko namang magbago, nag-aral naman ako ng maayos, nag-apply at dumaan sa proseso pero ito pa din ang kinalabasan ko. Sekretaryang magbibigay ng aliw at papawi ng init ng nag-iisang si Mr. Jeremiah Acosta. Bago pa tumulo ang luha ko sa tumatakbo sa isip ko ay muli na lang akong nagpaalam sa mga magulang ko para pumasok sa trabaho. Pagkalabas ko ng bahay ay napangiti ako nang may nagsisidatingan ng mga suki nila nanay, kadalasan sa bumibili sa kanila ay ung may karinderya na maramihan ang kailangan. “Ay papasok ka na ganda? Nasaan ang tatay at nanay mo?” tanong ng isang ale sa akin. “Nandiyan ho sa loob, tawagin na lamang ho ninyo,” saad ko at yumuko para magpaalam. Mabilis na akong naglakad papunta ng sakayan dahil malayo pa ang babayihin ko papunta sa kompanya. Nang makarating ako doon ay isang ngiti ang ibinigay ko sa guard namin na sinuklian din naman niya. “Ayos ka na, Esha?” tanong nito. “Opo! Salamat po,” nakangiting usal ko dito. Muli na lang akong naglakad at bahagya akong nagulat nang makita ko si Kheil na nakatayo sa isa sa mga elevator. Hindi ko alam kung inaabangan niya ba ako o hindi dahil ang alam ko lang ay alam ni Mr. Acosta na papasok na ako ngayon dahil nang tumawag ito sa akin kahapon ay tinatanong nito kung kailan ako papasok at sinabi kong ngayon. Mali pala! Hindi pala siya ang tumawag sa akin kung hindi si Noah at si Mr. Acosta lang ang nagpapatanong. “Good morning, Ms. Lopez,” bai ni Kheil sa akin na ikinahinto ko pti na ang ibang mga empleyado ay huminto at tumingin sa amin. Paniguradong mamaya, ako ang laman ng chismisan dito. “Good morning din po,” balik na bati ko tumango lang ito bago tumalikod sa akin oaharap sa isa sa mga elevator at pinindot iyon na agad na ikinabukas ng pinto. “Follow me,” seryosong usal nito at mabilis na naglakad papasok. At dahil sinabi niya ang follow me ay agad din naman akong sumunod sa kan’ya. Pumasok ako sa loob at puwesto sa pinakagilid malayo sa kan’ya. Mabilis niyang pinindot ang floor ng opisina ni Mr. Acosta at tahimik na umayos ng tayo. Ako naman ay tahimik lang din na nakatayo doon at sa totoo lang ay kinakain ako ng kaba ngayon habang papalapit kami sa opisina ni Mr. Acosta. Parang nahihirapan akong huminga dahil doon. Halos mapatalon ako nang biglang tumunog ang elevator hudyat na nasa tamang palapag na kami. Hindi naman ako pinansin ni Kheil at diretso lang siyang lumabas ng elevator kaya naman agad ko itong sinundan. Pagliko namin ay agad na bumungad sa amin sila Zeiah at Noah. Agad na kumaway sa akin si Noah habang si Zeiah naman ay seryosong nakatingin sa laptop niya. Kuaway na lang din ako kay Noah at ngumiti ng tipid pero agad ding nawala nang huminto bigla si Kheil at humarap sa akin. “I can’t come in, ikaw na lang ang papasok doon,” saad niya at umalis sa harap ko. Agad naman na bumalik ang kaba ko nang marinig ko iyon sa kan’ya. Parang pakiradam ko ay gusto ko na lang ulit umuwi at hindi na bumalik dito. “Go inside. Boss Jem is waiting for you,” ayan ang narinig kong usal ni Zeiah. “He doesn’t want to wait longer,” habol pa nito kaya naman wala kong nagawa kung hindi ang maglakad papuntang pinto ng opisina ni Mr. Acosta at kumatok doon. Ramdam ko ang nginig ng kamay at tuhod ko habang itinutulak ang pintuan. Ilang beses akong huminga ng malalim bago puamsok ng tuluyan sa loob kung saan naka-upo ang nakakatakot na si Mr. Acosta. Agad akong napayuko nang magtama ang mga mata naming dalawa. So intimidating, hindi ko alam kung paano nakakatagal sila Noah sa mga tingin ni Mr. Acosta pero ako, hindi ako makakatagal sa ganito. “Come closer,” Halos mapatalon ako ng marinig ko iyon para isang boses na hinukay pa sa ilalim. Hindi na ako umangal pa at arahan na lumakad papalapit sa lamesa niya. “Strip,” utos nito na ikina-angat ng ulo ko. “Po?” gulat na tanong ko dahil para akong nabingi sa sinabi niya. Tumingin ito sa akin na seryoso at nakakatakot. Para siyang isang agila na nalaging nakaangil ang mga mata. “Are you deaf? Do I need to repeat what I say?” tanong niya sabay sandal sa upuan nito. “Pero, sir…” Gusto kong magreklamo sa kan’ya pero nahihinto iyon sa isip ko dahil wala naman akong karapatan magreklamo. “What? Don’t you remember our deal? You will obey what I want and what my command,” saad niya. Napakagat na lang ako ng labi ko dahil totoo naman iyon, pero… Napahinto ako sa pag-iisip nang bigla itong tumayo at mabilis na lumapit sa akin. “Strip or I’ll take them off by myself! Don’t test my patience, Ms. Lopez!” madiing saad nito na ikinatakot ko. Mabilis kong ibinaba ang bag ko sa gilid ko at hinawakan ang laylayan ng blusa na suot ko kaya naman umatras ito pasandal sa lamesa niya. Itinaas ko iyon hanggang sa nahubad ko at natira ang sandong puti na pang-ilalim ko. Akmang hahawakan ko na ang butones ng slacks ko nang magsalita ulit ito. “I’ll tear that thing if you will not take that off too,” may halong pambabanta ang mga salita na iyon kaya naman, wala akong nagawa kung hindi ang hubarin din ito. tanging ang kulay itim ko na lang na bra ang natitira. Sinunod ko naman ang butones ng slacks ko na agad ko namang natanggal pati na ang cycling shorts ko ay tinanggal ko din kaya tangin ang black seamless panty ko na lang ang natira. Agad kong inilagay ang mga nahubad na damit sa ibabaw ng bag ko. Hindi ko alam kung pati ba ang pang-ilalim kong damit ay dapat tanggalin kaya naman tinignan ko si Mr. Acosta. Kita ko naman sa mata niya ang pagnanasa at kasabikan sa katawan ko nang matignan ko siyang nakatingin sa akin. Pinapasadahan niya ang buo kong katawan hanggang sa dumating sa may mukha ko. Binasa nito sarili niyang mga lani bago nagsalita. “You still have bruises in your body, but you don’t have scars,” saad niya. “If those things vanish, I want you to wear a skirt and light colored blouse. Sleeveless to be exact! Don’t wear cycling shorts and undershirts. I don't like that when I touch your body, I don’t want to feel any barrier. I want easy access to yours, understand?” pahayag niya habang patuloy akong pinapasadahan ng tingin. Tumayo ito ng tuwid bago ako tinignan sa mata. “Seat down on my swivel chair, panties off, and legs unfolded. I’m craving for your juices, Ms. Lopez and I want to have my breakfast now!” utos nito sa akin habang nakatingin sa mata ko. -------------------
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD