Chapter 22 - Craving for you (SPG)

2326 Words

MACRESH MABILIS ko nang inaya si Sir Jem paakyat ng kwarto para hindi na magkaroon ng question and answer portion sa ibaba. Nang makarating kami sa kwartong tinutuluyan ko ay rinig pa din ang ingay kaya naman isinara ko ang pinto para kahit paano ay mabawasan ang ingay. Nang masara ko ay nagulat naman ako nang iikot ako mismo ni Sir Jem at walang pasintabing humalik sa labi ko sa agresibo at madiin na paraan. Wala naman na akong nagawa kung hindi sumabay sa halik na ibinibigay nito. Bago pa ako malunod at mapunta sa alam kong mangyayari ay mabilis kong ikinalang ang mga kamay ko sa balikat nito at pilit siyang nilayo na hindi naman ako gaano nahirapan. Salubong ang mga kilay nitong tumingin sa akin bago ako inipit sa pintuan. Akmang hahalik uli ito nang mabilis ko siyang pinigilan.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD