MACRESH KUMPLETO na ang lahat nang makarating kami sa conference room. Ang kaninang maingay, ngayon ay tahimik na at walang nagsasalita. Lahat nga ng mga mata ay sa amin ang tingin pati na ang isang babae na inaasahan kong nandoon. Nakataas pa ang kilay nito sa akin na hindi ko naman na pinansin dahil wala naman akong dapat patunayan sa kan'ya. Agad naman kaming humiwalay kay Miah nang makarating kami sa hilera ng pwesto niya. Kami nila Noah ay nasa gilid kung saan doon talaga kami nauupo sa tuwing merong meeting. Muli akong napasulyap kay Aurelia na nakangisi at akala mo ay nanalo na sa ginawa niya. Normal lang naman ang mukha ko sa kan'ya at hindi na siya pinansin pa lalo na at nagtumayo na si Zeiah na siyang laging nagiging moderator ng meeting ng board. "The agenda of this urg