MACRESH "GOOD MORNING!" masiglang bati ko doon sa tatlo na busy na nakatingin sa laptop nila. Sabay-sabay naman ang angat ng ulo nila at parang nagulat pa dahil sa pagtayo nila. "You're still here?" nakangiting tanong ni Zeiah. Para bang proud siya na nandoon ako. Naalala ko tuloy na sinabihan niya akong tumakbo. Tss! Kung tumakbo ako edi sana hindi ko alam na mahal din pala ako ni Jeremiah. "Bakit? Dapat ba wala na?" marahan kong sagot sa kan'ya. Natawa naman iyong dalawa habang siya ay hindi niya alam ang sasabihin sa akin. "Of course not! I mean…" huminto ito at parang hinahanap ang gustong sabihin pero sa huli ay huminga na lang ito nang malalim at ngumiti. "Hayaan mo na nga. I'm happy that you're still here," nakangiti nitong usal na. Tumango naman ako at ibinalik ang ngiti s