MACRESH TAHIMIK kaming lima na nasa elevator habang paakyat ng opisina ni Miah. Kahit iyong tatlo ay hindi nagsasalita kaya naman halos mapasigaw ako nang may mga kamay na humawak sa kamay ko. Kung ako ay gulat yung tatlo naman ay tumawa dahil sa nangyari. "Are you okay?" malambing na tanong ni Miah at mabilis akong hinila patabi sa kan'ya. Mabilis naman akong tumango sa kan'ya. "Ikaw? Okay ka na?" tanong ko na ikinataka ng mukha niya. "I'm okay," usal nito na ikinatango ko. Hindi muna ako nagsalita at lumabas muna sa loob ng elevator. "Buti naman, kanina kasi beast mode ka," saad ko tapos humarap sa kanila at kinunot ang noo, nakataas ang kamay na parang mga claw. Nakita ko naman na nagpigil ito ng tawa, ako naman ay tumingin kila Kheil at Noah na tumatawa dahil sa ginawa ko. M