MACRESH MATAGAL kami sa ganong posisyon nang biglang magring ang cellphone ko. Napabitaw kami sa isa't-isa at siya ang kumuha no'n. Napatawa naman ito nang makita ang pangalan ng tumatawag. "I guess you really need to go home," saad niya sabay abot nito sa akin. Napatawa din naman ako at tumango nang makita ko ang pangalan ni Tope. Agad kong sinagot iyon at hinayaan na marinig ang pag-uusapan namin ni Nanay. Hindi kasi siya pumayag na hapon pa ako umuwi kahit sinabi ko na wala naman akong kasama sa kwarto. Sabi ko din ay may gagawin pa ako pero hindi pa din pumayag. "Nanay…" bungad ko sabay tingin kay Sir Miah na nakatayo lang sa harap ko. Napangiti lang din naman ito sa akin na para bang natutuwa siya sa pagtawag ko kay Nanay. "Margarita! Anong oras na?" tanong nito na ikinakagat