MACRESH “MARGARITA kasi e! Dapat may passport ka! Edi sana iwan ang kuya mo dito!” Napairap naman si Zeiah at Noah dahil sa maktol ni Kheil sa akin. Kanina pa kasi iyan nagmamaktol dahil nga naman isasama siya ni sir sa Australia dahil nga wala ako. Isang linggo na din ang nakalipas at bukas na ang alis nila at eto pa din siya at dinadramahan ako kahit pa ang totoo ay naayos na niya ang damit niya. “Makakapaghappy happy na sana ako,” usal pa nito sabay kuha ng ulam na dala ko. Lunch break namin at katulad noong nakaraan pa ay kasabay ko sila. Natutuwa nga si Nanay dahil laging ubos ung ulam na dala ko, natutuwa siya dahil alam niyang nasasarapan sila Noah. Maaga nga ang lunch namin ngayon dahil may personal na lakad si Sir Jem at hindi kasama itong tatlo, bago nga umalis ay gusto pan