Lumapit ako kay Alex. “Anong ginagawa mo dito?” Tanong ko sa kanya. Nang makita niya ako ay tumayo siya at humarap sa akin. “Gusto ko lang sanang humingi ng tawad sa ginawa ko nung nag-inuman. Napadaan na rin kasi ako dito kaya naisipan kong bisitahin ka.” Wika niya. Tumitig lamang ako sa kanya pagkatapos niyang magpaliwanag, kasabay noon ay mga katanungan sa isip ko. “Paano mo nalaman na dito ako nagta-trabaho?” Bulalas ko. May halong pagsususpetsa ang tono ng boses ko. Hindi ko naman kasi inopen sa kanila noong nag-iinuman kami kung saan ako nagta-trabaho. Nagtataka lang ako kung paano niya nalaman. Knowing na hindi na sila nag-uusap ni Lance dahil sa nangyari. “Ano—uhh..” tila ba nataranta siya sa tanong ko pero sinigurado niyang hindi ko iyon mapapansin. “Nakita kasi kita nung isan