Napakunot ang noo ko dahil alam ng babae ang pangalan ko. Ang tanong, paano niya nalaman? At paano niya nalaman na nandito ako? I have never met this woman ever in my whole life. “Ako nga,” sagot ko sa kanya. Hindi ko gaanong binuksan ang ang pinto at kalahati lang ng katawan ko ang nasisilip ng babae. Ngumiti siya sa akin at inilahad ang kanyang kamay. Sa tindig pa lamang niya ay alam kong mataas ang pinag-aralan nito. Hindi siya mukhang magaslaw. She looks so feminine and classy. Napatingin ako sa kanyang kamay na nakalahad sa akin. Nais nitong makipagkamay. “I’m Gianna. Lance’s fiancée.” Sambit nito. Nanlaki ang mga mata ko sa mga narinig ko mula sa kanya. I looked at her face again with astonishment plastered on my face. Nagulantang ang mundo ko. Nakatitig lang ako sa kanya na p