Lumipas pa ang ilang linggo at mas naging komportable na ako sa bago kong tirahan. Sa wakas sumasama na sa akin si Joshua at naiuuwi ko pa sa bahay. Minsan ay hinihiram ko pa siya kung pwede siyang matulog sa bahay. Minsan rin sinasamahan ako ni Melai sa bahay para may kasama ako. “Alena, nagplano pala kami ni Diego na magpunta sa nga tourists spots dito sa Siargao. Gusto mo bang sumama? Para malibang ka rin naman. Lalo na wala si Joshua walang mangungulit sayo dito,” wika ni Melai habang kumakain kami ng dinner dito sa bahay. Nagluto kasi siya dito. Namalengke ako kanina pagkatapos ko sa trabaho. “Sige, wala naman problema. Malulungkot ako dito kasi wala si Joshua makulit,” wika ko. Bumungisngis naman ang paslit sa tabi ng mama niya. “Kailan ba?” Tanong ko. “Weekend na rin naman bukas