“Teka, magkakilala kayo?” Nagpalipat-lipat ang pagturo ni Melai sa akin at kay Lance. Nakagitna kasi ito sa amin habang nababasa ang mga paa namin hanggang tuhod dito sa dalampasigan. “Uh, she’s a long time friend of mine. Haven’t seen each other for God knows when,” sagot ni Lance. Hindi ako makaimik dahil nakatitig lamang ako sa kanya. Alam kong naglalaway ako pero hindi ko pinahalata. I just stared at his handsomeness. He always looks fresh and cool at tila ba laging bagong paligo. As usual nakatingala ako sa kanya dahil matangkad ito. He’s still the same pero medyo nag-matured ng kaunti ang face niya. But all in all, he’s still hot. No, he became hotter. Ganoon pa rin ang kanyang pananamit. Parang t-shirt na walang sleeves na malaki ang butas sa tagiliran. Ano kayang ginagawa niya