Umuwi na ako ng bahay pagkatapos kong bumisita kina Melai. Naging komportable ako kaagad sa bago kong kaibigan dito sa lugar na ito. Pagkabalik ko sa bahay ay naisipan kong tawagan si Katie. Umupo ako sa sofa sa sala. “Baks!” Sagot nito matapos ang tatlong ring. “Kumusta ka na? Nakarating ka na ba? Nag-alala ako sayo.” Bakas sa boses ni Katie ang pag-aalala. No doubt. “Oo, nandito na ako. Maayos naman akong nakarating. Mabuti na lang nakapag-renta ako kaagad ng matitirhan.” Sagot ko. “Good to know yan. May mga nakilala ka na ba?” “Oo, yung kapitbahay ko. Si Melai. Mabait naman siya tsaka yung asawa niya. Halos ka-edad ko lang rin kaya hindi na ako gaanong nahihiya.” Wika ko. “That’s good. Oh, anong balak mo niyan?” Tanong ni Katie. “Hindi ko pa alam, Katie. Maghahanap muna ako ng