“Good morning, baby,” bati sa akin ni Lance. Nakatitig ito sa akin habang nakapatong ang ulo niya sa kamay niya. Nakatagilid kasi siya at nakaharap sa akin. He was smiling at me. “Ang ganda ng umaga ko,” wika ko. Hindi pa rin ako makapaniwala na si Lance ang masisilayan ko ngayong umaga. I smiled at him as well. “Best morning ever. Ang sarap sa pakiramdam na masilayan ang ganda mo sa umaga. Mas maganda ka pa sa umaga.” Aniya sa akin. “Sus, nambola ka pa.” I rolled my eyes at him pero ngumiti rin agad. “Nakakatakot masanay ng ganito. Baka hindi na ako pumasok sa trabaho. Gusto na lang kitang titigan buong araw. Matulog ka lang diyan. Papanoorin lang kita. I have all day.” Wika niya pa. “Lance, ano ka ba. Para kang ewan.” Natatawa kong sabi. Oo na, kunwari hindi ako kinikilig. Ang hir