Para akong tanga na hindi mawala-wala ang ngiti sa labi ko. Pwede na nga itong mapunit anytime. Natapos ang pag-try ko ng pagkain sa JKL Restaurant. Kaya pala JKL ay dahil sa mga unang letra ng mga pangalan nila. Jake, Kian, at Lance. “Thank you sa food, Kian. Thank you, Lance. Sobrang sarap talaga, guys.” I complimented them. Pinuntahan namin si Kian sa cashier para magpaalam na aalis na kami ni Lance. “Aalis na muna ako, bro, kasama si Alena.” Wika ni Lance sa kanya. “No problem. Mag-ingat kayo. Thanks, Alena, nagustuhan mo ang food dito.” Ngiti ni Kian sa akin. “Babalik-balikan ko yung food rito, Kian.” Sagot ko naman. “Thanks. Kung pumunta ka at wala ako, for sure si Jake ang nandito. We’ll be here whenever. See you around, guys,” wika ni Kian. Lumarga na kami ni Lance palabas n